Chapter 1

44 0 1
                                    

"Maam, meron po kayong meeting with Ms. Rizza at 2pm." tumigil si Keshia sa ginagawa at tumingin sa secretaryang nakatayo sa tabi ng mesa niya.

"Ohh, si Rizza? kelan siya nag set ng appointment?himala ata at di siya nang gugulo ngayon?"

"kahapon po, nagtataka nga rin po ako ee, pero di ko na po naitanong"  

"aah.. baka nasapian nanaman yun ng kabaitan, sige Annie..Thank You... wala na ba akong ibang meetings o appointment except Rizza?"  

"meron pong ...."

"cancel it.."

"po?" ulit na tanong ni annie

"you heard me. Cancel it. I know may problema si Rizza, kaya I'll give her my time today.." saka ngumiti. Tumango ang sekretarya bago lumabas ng opisina. 

Siya si Keshia Marie Salvador,  single, businesswoman, may-ari ng isa sa mga sikat na boutique sa Pilipinas na may 5 branch na. She is 25 years old and wala pa siyang balak lumagay sa tahimik, just like Maria Rizza Elizarde, bestfriend niya for almost 15 years. Best Friend nya ito simula nung 10years old sila, nakagaanan ng loob at simula noon ay hindi na sila nag hiwalay. Tumingin si Keshia sa wall clock sa opisina niya, quarter to 12 na. Kinuha niya ang Cellphone na nasa bag niya at tinext ang kaibigan. 

'Hoy! Hahaha! pa punta ako sa restau mo. Libre ka.' send. 

Pagkatapos ma i-send ay wala pang minuto ay nag reply na ang kaibigan. 

'Okay Hahahaha!' sender- Rizza

Napangiti siya sa reply ng kaibigan, para parin silang mga teenager kung umasta. May ari si Rizza ng Restaurant, mahilig kasi itong magluto at magpakain (Hahahaha). Kinuha na niya ang bag niya, nagligpit ng gamit at lumabas ng opisina. Nasa 2nd floor ng boutique ang opisina niya, nagbilin siya ng ilang detalye sa secretarya bago siya lumabas ng boutique. Maraming tao sa boutique, as usual, malapit na kasi ang pasko, maraming bumibili para sa isusuot sa mga parties at panreregalo. 

Nakarating na siya sa Restaurant ni Rizza, pumwesto siya sa favorite spot nilang magkaibigan. Saktong pag upo niya ay saka naman lumabas ang kaibigan galing sa private room nito. 

"What's the problem?" salubong niya dito. Nag beso siya, bago umupo ang kaibigan.

"Meron akong isang good news at isang bad news... " panimula nito. 

"good news first" 

"makukuha ko na ang mana ko, from my Lola Alma..."

"and the bad news?" 

"Moon River..." sabay bugtong hininga. 

"What's with this Moon River thing? " tanong ni Keshia sa kaibigang si Rizza.

"I need to find yung grandson ng first love ni Lola... hmmm, Gilmore ata yung name ee. Tapos daw, kakantahin namin  nung Gilmore ang Moon River sa Private Rest House namin together with our families and syempre ni Attorney, and boom! makukuha ko ng buo ang mana ko." salaysay ni Rizza.

"And?"  

"And dahil best friend kita, tutulungan mo akong makita si Gilmore.. so mag leave kana sa work mo at pupunta tayo ng Cebu, next week." nakangiting sabi ni Rizza. Nag bugtong hininga na lang si Keshia, wala naman siyang laban kung aayaw pa siya, besides kelangan niya din ng vacation.

"Ang dali naman nyan, kung ako si Lola Alma... I'm sure pahihirapan kita. And anyways, kelangan mo pa ba ng mana? I mean mayaman ka na kaya.... " 

"Hahahaha! mayaman ka dyan, I'm planning na mag expand and I need a big amount of money. And hindi madali makita yung Gilmore Santos na yun noh, alam mo bang after naming kantahin yung Moon River, guess what, may mana rin siya, and may bunos pa akong hacienda pag kami ang nagkatuluyan..." 

"that was great! hindi kana kelangan magbayad, para may pakasal sayo!" sabay tawa ni Keshia. 

"sobra ka! Hahahaha well, in the contrary, pabor sakin yun. Pero... "

"you don't think, it would be a good idea." tapos ni Keshia 

"True. Pero I don't know... baka nag aalala rin si Lola na wala akong kasama pag tanda... O di kaya'y gusto niya kami ang magpapatuloy ng love story nila ng first love niya Hahaha So lame.. Si Lola talaga, since Mama and Papa died, she's always been thinking of me..." ngumiti ito ng mapait 

"of course, kahit naman ako noh.. don't worry sasamahan kita sa Cebu. Basta ba, lilibre mo ako ng pamsahe at pagkain " tumawa siya at sumimangot si Rizza. 

"let's make this memorable ha... " sabi ni Rizza

"Sure thing. Maghanap ka ba naman ng taong ni sa picture di mo pa nakikita. I'm sure, napaka memorable nun.." sarcastic na sagot ni Keshia

"Thank You best friend"

"Thank you ka dyan! pagkain gusto ko hindi thank You! " at nagtawanan sila.

What will happen? who knows.... 

Moon RiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon