Chapter 3

23 0 0
                                    

"Kaw na lang muna ang mag breafast Kesh, wala kasi akong gana ee" sabi ni Rizza na nakapikit ang mga mata.

"masama ba ang pakiramdam mo? sure ka ba? bibilhan nalang kita ng makakain ha, para may makain ka naman."

"salamat ha, sana pumayag na yung Gilmore na yun... I want an expansion.. " malungkot na saad nito

"edi, pahihiramin kita ng pera.."

"ayoko... "

"oh sige, bibili muna ako ng makakain mo o baka gusto mong ------?" 

"gusto ko sa labas..."

"Okay." tinitigan muna niya ang kaibigan, bago siya lumabas sa hotel room nila.

_____________________________________________________________________________

Hindi pa niya kabisado ang Cebu, kaya malamang maligaw siya kung sa malayo siya pupunta. 

"Sa hitsura mo Miss, parang may malaking problema ka" sabay tabi ng lalaki sa kanya, nakatayo kasi siya sa labas ng hotel na tinutuluyan nila. Pinagmasdan niya ang lalaki, maputi, matangkad, gwapo... 

"Lumayo-layo ka nga sa akin, Mr. "

"bakit Miss? hindi naman ako mabaho ahh" at inamoy nito ang sarili 

"Alam mo bang marami ng gwapong rapist ngayon?" halatang nagulat ang lalaki sa sinabi niya

"bukod sa mga gwapong rapist, may gwapong snatcher na rin, gwapong kidnappers , gwapong mga mananamantala at----"

"wait lang-----wait. Miss, is that a compliment or an insult? "

"Both!" sabay talikod nito sa lalaki. Hindi pa siya nakakalayo ay sumigaw ang lalaki.

"Hoy Miss! May tagos ka!" sigaw nito

Huminto si Keshia at tinignan kung meron nga ba, kinabahan siya, ng makapa niya at matiyak na wala naman siyang tagos, patakbo niyang nilapitan ang lalaki at hinampas ito ng ubod lakas.'

"Ikaw ha! walang hiya ka! walang modo! asan na ang GMRC mo ha! walang hiya ka!" paulit-ulit niyang sabi rito sabay hampas. 

"Hoy! aray! sorry na nga! aray! ano ba! ikaw ha! Fc ka!" tumigil si Keshia sa paghampas.

"FC?" tanong nito na may galit sa 

"OO! Feeling Close ka!" pagkarinig ni Keshia ay hinampas niya ito ulit. Habang ang lalaki naman ay tawa ng tawa.

"Aray! Hahahah! sorry na nga! Hahahaha"

"Bwesit ka! walang hiya! walang modo!" hampas ulit. 

"Tumigil ka na nga. Ikaw babae ka ha, abusada ka. Sorry na" at ngumiti kay Keshia.

"Libre nalang kitang agahan.." yaya ng lalaki

"hala! bibili pa pala ako ng agahan, may alam ka ba na malapit na restaurant dito? "

"bakit kapa lalabas, eh pwede ka namang kumain sa hotel"

"ayaw ng kaibigan ko."

"hmmm may alam ako. Tara, samahan kita."

Tinitigan lang siya ni Keshia. 

"Relax, I'm harmless Okay?" 

"How will I know it?"

"sa gwapo kong ito?" akmang hahampasin nanaman ni Keshia ang lalaki

"Oh! high blood agad. Just trust me. Okay?" 

"Why would I? I don't even know you"

"Okay. I'm GM, and you're? " inilahad ni GM ang kamay niya

"Keshia" at di naman nag abalang makipag kamay si Keshia.

"I know all types of karate, kaya pag may di ka magandang ginawa sa akin, sa hospital ang bagsak mo" banta nito

"ows? karate talaga ha? baka naman all types of hampas yan... hehe (tinitigan siya ni Keshia ng masama) Joke" at nagsimula na silang maglakad. 

Moon RiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon