Perfect Girlfriend

19 0 0
                                    

JAKE: Candy may tanong ako.
CANDY: Ano 'yon?
JAKE: Ano ang Perfect Boyfriend para sa'yo?
CANDY: Bakit mo gustong malaman?
JAKE: Wala naman, curious lang. Sige na, answer my question.
CANDY: Well, since perfect boyfriend ang tinatanong mo, para sa akin dapat matangkad, guwapo, fit, mayaman. Gusto ko rin ng mahilig sa arts at romantiko, yung tipong pagbubuksan ako parati ng pinto. Tsaka yung tahimik na pa mysterious. At higit sa lahat yung nakikinig sa mga sinasabi ko. Ngapala, idagdag mo na rin yung marunong magluto, kumanta at mag-gitara. Haay, iyon ang masasabi kong Perfect Boyfriend para sa akin.
JAKE: Wow! Ang dami no'n.
CANDY: Siyempre! Perfect Boyfriend ang tanong mo kaya gano'n. Pero alam ko naman na that's too good to be true.
JAKE: Sabagay.
CANDY: Eh ikaw, ano naman ang Perfect Girlfriend para sa'yo?
JAKE: Para sa akin, Perfect Girlfriend should be beautiful, sexy, mayaman at mahinhin.
CANDY: Ano pa?
JAKE: 'Yon lang.
CANDY: 'Yon lang? Parang ang konti naman no'n. Parang madali kang makakahanap no'n.
JAKE: Sa tingin mo?
CANDY: Oo. Marami kayang gano'n. Sa mga artista pa lang makakakita ka na ng gano'n eh.
JAKE: Sabagay. Pero kahit pa siguro may makilala akong artistang gano'n, hindi ko pa rin papatulan 'yon.
CANDY: Bakit naman?
JAKE: Kasi kahit gaano pa siya ka Perfect, hindi siya ikaw.

--------

PERO WALA TALAGANG FOREVER EH

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon