Chapter 19: Domo U^ェ^U

1 1 2
                                    

*Author's Note: Another Actual picture kung saan nagbigay si Vince ng puppy kay N**** si Domo Edgar!!! Hahaha galing no may second name pa? Si Vince ang nagpangalan ng "Edgar", yung little brother naman ni N***** ang nagpangalan ng "Domo", malaki na yan ngayon may mga anak na din na kamukha nya hahaha (yung aso ha? Hindi yung little brother xD)*


Miru's P.O.V

Ang bilis talaga ng panahon. Next week pasukan na. Kinakabahan ako. Nagtataka ba kayo kung anong date na? June 3 na po hahaha pauwi kami ngayon galing Ilocos. Hayy napaka ganda talaga doon, sayang lang at uuwi na ulit kami ng manila, back to reality.

"Miru!" Sigaw yan ni Ninong.

"Oh bakit nanaman?" Sabi ko.

"Bastos ka ah, wala ka ng galang sa ninong mo. May itatanong ako sayo." Sabi nya. Nagbibiro lang talga sya sa bastos ako, kasi walang tigil sya sa kakakain. Ang takaw takaw nya hindi naman nataba.

"Oh ano po yun?" Pagtatanong ko, magalang na ako hahaha baka mapagalitan ako.

"Ngayon ko lang nakita ang singsing na yan, atsaka hindi ka naman nagsusuot ng singsing ah, san galing yan?" Ay napansin pa pala 😏 totoo yun hindi ako mahilig mag suot ng mga alahas or anything, lalo na pag singsing, madalas ko kasing namimisplace ang mga yun kaya mind as well na itago ko na lang sila kesa suotin ko araw araw.

"Kay Vince." Sagot ko tapos napatingin ako sa singsing. Ang sweet nya talaga, pag naaalala ko yun kinikilig ako 😍😍 except doon sa part na yung nagkiss kami, alam nyo na yon! (≧∇≦)<--- yan ang itsura ko sa isip hahaha.

"Engaged ka na!" Yan agad ang bulyaw nya. Napaka O.A nya talaga.

"Ninong! Hindi ko pa nga boyfriend yung tao ano ba?" Sabi ko sa kanya.

"Aysus Tito, alam mo bang ako pinagseselosan nun?" Hirit naman ni Kurt. Oo kasama sya, yan pa mahuhuli? Bawat gala present.

"Talaga?! Hahaha wala na bagsak na sya sakin." Sabi ni Ninong. Bahala sila. Ay oo nga pala may nakakimutan ako itanong sa mga mokong.

"Oy! Tarzan, si Chloe Briones ang girlfriend ni Nathan hindi ba?" Pagtatanong ko kay Kurt.

"Oo bakit?" Sagot nya habang nanguya ng junk foods. Takaw -.-

"Bakit hershey ang tawag ni Nathan dun dati? Sabi nya 'kay kuya kurt ko nakilala si hershey' ano ibig sabihin nun?" Tanong ko.

"Tanungin mo na lang sya nakain ako dito eh!" Sagot nya sabay subo naman ng sandwich. Jusme napaka PG -.-

"Oy Nathan bakit hershey?" Baling ko naman sa sariling kapatid ko.

"Kasi ganito yan, si Chloe kaya ko sya tinawag na 'hershey' kasi binigyan nya ako dati nun nung may training ako sa basketball tapos sabi nya 'ayan para may energy ka pinabibigay ni Kelsy.' Kaya simula nun nainlove na ako at first hindi ko naman alam na Chloe ang name nya alam ko lang Briones ang surname nya tapos pinakilala na sya sakin ni kuya Kurt nung January kaya niligawan ko sya, nagagalit nga sya sakin noon pag tinatawag ko syang hershey, mahilig kasi sya sa hershey's chocolate." Pag eexplain ni Nathan. Wow, yun lang yon? Tindi naman nito. Si Kurt pa rin ang may kagagawan nito -.-

*bzzzt.bzzzt*

*Black or brown?* --- SMS From: Vince

He was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon