SABI NILA (kutsilyo, tali at bangko)

234 14 11
                                    

Dedicated to alyloony

Sabi nila mama at papa, wala daw akong kwenta.

Sabi nila bobo daw ako.

Sabi nila wala na akong ginawang tama.

Sabi ni mama puro konsumisyon lang ang binibigay ko sa kaniya.

Sabi ni papa hindi ko daw ginagamit ang utak ko.

Sabi nila tamad ako at walang silbi.

Ano bang gusto nilang iparating?

Pinapamukha ba nila sakin na malas sila kasi ako yung naging anak nila?

Sorry.

Di ko naman sinasadya na ganito lang ako.

Di ko naman to ginusto.

Araw-araw palagi akong umiiyak. Sabi kasi nila ganito at ganyan ako.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Wala akong kakampi.

Ginawa ko lahat para ayusin ang sarili ko.

Sinunod ko lahat ng utos nila pero mali parin ako.

Lagi parin akong napapagalitan.

Isang araw hindi ko na nasikmura yung mga sinasabi nila sakin.

Umalis ako ng bahay kasi parang sasabog na yung tenga ko.

Paulit-ulit nilang pinamumukha sakin yung mga mali ko.

Sinusubukan ko namang tumino ah.

Akala ko ayos na pero palagi parin silang may mahahanap na butas.

Palagi parin nila akong sinusumbatan.

Tumakbo ako palayo ng bahay habang umaalingawngaw parin sa tenga ko ang boses ni mama. Galit na galit kasi may katangahan nanaman daw akong ginawa.

Sunod-sunod ang tulo ng luha ko. Hindi ko na napigilan.

Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit di ko alam kung saan ako papunta.

Wala akong pakialam. Lalayo muna ako at magpapalipas ng sama ng loob.

May nakita akong parke.

Walang masyadong tao.

Umupo ako sa pinakasulok kung saan may malaking puno.

Magandang pwesto yun para iiyak ko lahat ng walang gagambala sakin.

Para akong tanga dun. Umiiyak at nagsasalitang mag isa.

Lahat ng tanong ko doon ko binuhos. Para bang yung mga bulaklak sa harap ko ay sila mama at papa.

Tanong ako ng tanong pero walang sumasagot.

Ba't ba ganun sila sakin?

Bakit lagi nalang akong mali?

Ayaw ba nila sakin?

Napapagod na ba sila sa mga katangahan ko?

Pagod na ba silang maging anak ako?

Sorry.

Ayoko namang mahirapan kayo.

Ayoko namang saktan kayo.

Ayoko namang napapagod kayo.

Kung pwede lang maging perfect ako.

Pagkatapos ng ilang minutong pag iyak ay gumaan na yung loob ko. Matapos kung ilabas lahat ay naisip ko ng umuwi.

Sabi Nila (kutsilyo, tali at bangko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon