"Mahal, picture pa tayo dali na! Doon Ethan maganda yung view. Dalian mo!" sigaw ko kay Ethan habang higit-higit ko ang mga kamay nya, papunta sa pinakadulo ng gubat kung saan kita namin ang ganda ng dagat.
"Mahal naman, Stop Running. Alalahanin mo mahina ang puso." pagpigil sa akin ni Ethan sa paghigit sa kanya.
Ethan is right. Literal na mahina ang puso ko. I am sick. Congenital Heart Disease ang sakit ko.
Bigla akong napayuko ng maalala kong hindi akong normal na tao dahil sa sakit ko."Mahal sorry, I didn't mean it. Sorry" Pumunta sa harapan ko si Ethan, gamit ang ilang daliri nya tinaas nya ang mukha ko, kitang kita ko sa mga mata nya kung paano sya mag-alala sa akin.
"It's ok Mahal. Alam ko namang nag-aalala ka lang sa akin" sabay ngiti kay Ethan.
Isang ngiti ang binigay sa akin ni Ethan sabay sabing "Mahal kasi ng sobra, kaya ayaw kitang nakikitang nahihirapan"
Nangilid bigla ang mga luha ko. At unting unti itong nahulog sa aking mga mata.
"Mahal, Bakit? May masakit ba, naninikip ba ang dibdib mo" may pag-alalang tanong sa akin ni Ethan. Sabay hawak sa mga balikat ko.
"Hindi Mahal, walang masakit. Mamimiss lang kita ng sobra" Syang sagot ko kay Ethan.
"Huh? Aalis ka ba? Sama ako para di mo ko mamiss" ngiti na may halong pagtataka ang sinagot sa akin ni Ethan. Gamit ang kamay ni Ethan pinunasan nya ang mga luha na naglandas sa aking mga pisngi.
"Di pwede Ethan, may school ka, at kailangan mong mag-aral" sagot ko naman sa kanya.
"Ee bakit san ka ba kasi pupunta?" Takang tanong no Ethan.
"Sa sobra kong pagmamahal sa'yo, gusto ko pang mabuhay ng matagal. Makasal at magkaroon ng anak syempre gusto ko ikaw ang ama"
Tinignan ko si Ethan at nakatahimik lang hinihintay ang susunod kong sasabihin, halatang naguguluhan na sya dahil sa mga kunot ng mga noo nya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Pupunta ako ng singapore Mahal, may nakita ng kamatch ng puso ko. Matutuloy na ang heart transplant ko"nakangiti ko pa ding sagot kay Ethan.
Ang pagkunot ng mga noo ni Ethan ay nawala at napalitan ng napakalungkot na mukha.
"Wag ka ng malungkot mahal, maging masaya tayo kasi may pag-asa na akong mabuhay ng normal at maibibigay ko na ang pamilyang gusto mo" patuloy kong pag-cheer up kay Ethan.
Yumuko siya, at sa pagtunghay ng ulo nya nandun muli ang ngiti, ngiti na alam kong pinipilit nya lang ipakita iyon sa akin.
"Hmm, tama mahal, may pag-asa ng makasama kita ng matagal kasama ng mga anak natin, at higit sa lahat mamumuhay ka na at magagawa mo ang gusto mong gawin gaya ng normal na tao"
Kinuha ko ang kamay ni Ethan at inilagay ko ito sa aking mga pisngi.
"Saglit lang ako doon mahal, at pinapangako kong babalik ako agad dito. Magiging matapang ako para sayo. Pagkatapos ng operasyon ko, kaya na kitang ipagtanggol sa mga magulang ko ng hindi naninikip ang dibdib"
Ngumiti ako sa kanya kahit na unti unti na namang bumabagsak ang mga luha ko.
"Tama mahal, kakayanin mo, tapangan mo, maghihintay ako sa'yo dito, at pag magaling ka na sasamahan kitang humarap sa galit ng magulang mo, ipaglalaban din kita"
Pinagdikit ni Ethan ang mga noo namin. Syang pagsabay ng pagpikit ng aking mata.
"Mahal na mahal kita, Sophia Avery White. Hihintayin kita"
Ang mga katagang sinabi ni Ethan, kasabay ang paghalik nito sa aking noo.
"Mahal na mahal din kita Ethan Lewis, Hintayin mo ko huh" nakangiting sabi ko kay Ethan. At tango naman ang sagot ni Ethan sa akin.
Niyakap ko si Ethan ng napakahigpit. Dahil sa susunod na araw mamimiss ko ng sobra ang tao ito. Ang taong minahal ko, at ang taong nagbibigay pag-asa sa akin upang harapin ang operasyon ko, kahit na 50-50 ang chance na maging succesfull ito.
------
Tunay ang pag-ibig,
Magkahiwalay man ang dalawang pusong nagmamahalan.(c) IamYaniie
BINABASA MO ANG
Love Always Hopes
RomanceLove bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Kakayanin mo bang mahiwalay sa iyong mahal upang sya ay mabuhay? At umasang sya ay babalik at tutuparin ang kanyang pangako. Kakayanin mo ba ang humiwalay sa iyong m...