Sophia POVS.
It' monday, at ito din ang unang araw ko sa Kolehiyo. I'm taking tourism, at gaya ng dahilan ng ibang studyanteng ganito ang kurso, ay ganun din ang rason ko.
Gusto ko malibot ang buong mundo, at makakita ng iba't ibang sceneries.
"Ma'm Sophia, nandito na po tayo." agaw pansin ni kuya Pogi sa akin.
Napatigil ako sa pag-iisip ko at nilibot ang panangin sa paligid. Yeah, kuya Pogi is right. Nandito na ako sa University kung san ako mag-aaral.
"Salamat Kuya Pogi! Nga pala kuya pogi, wag mo na ako hintayin sa pag-uwi itetext na lang kita." ngiti sagot ko kay kuya pogi.
"Pero ma'm Sophia, mayayari ako nito kina madam... "
" Kuya Pogi, akong bahala okay. Sige na kung gusto mo po bisitahin mo muna ang mga anak mo" sabay kuha ng pitaka sa bag ko at kumuha ng tatlong libo.
"Oh ayan ibili mo ng groceries ang mga anak mo, saka bilhan mo ng bagong damit ung bagong baby mo si Sophie" sagot ko kay Kuya Pogi.
"Pero ma'm di ko po ma..... "
" Hep! Hep! Kuya pogi di para sayo yan sa mga anak mo yan, saka di ba ninang ako ni baby Sophie. Paunang regalo ko yan" putol ko sa sinabi ni kuya Pogi.
"Pero ma'm... "
" Kuya Pogi, pag di mo 'to kinuha sasabihin ko kay mommy na ipatanggal ka na sa trabaho mo, dahil hinayaan mo ko magdrive nung isang araw, at alam mo naman na ako paniniwalaan nun. sige ka! " banta ko kay Kuya Pogi.
"Naku, Ma'm Sophia ito na nga po ee, sige po kukunin ko na po. Naku matutuwa nito ng husto si biboy at sophie. Maraming Salamat po Ma'm, ahh papasok na po ba kayo?" mabilis na sagot ni Kuya Pogi.
"Haha, kuya pogi naman, parang kaya kong gawin yun haha. AHH OO kuya pogi pasok na ako baka malate pa ako nagtext na din si Besty sa akin." at sinukbit ko ang bag ko sa aking kanan balikat at kinuha ang ilang books.
Wag na kayong magtanong kung bakit first day palang may books na kasi nung nag-enroll kami kasama na tuition fee namin ang books.
Lumabas si kuya pogi sa kotse at pumunta sa banda ko para buksan ang pinto.
"Salamat Kuya Pogi, ano ingat ka ahh, kumusta mo na lang po ako sa kanila."
"Salamt din po Ma'm, napakabait nyo talaga, sana lumaking katulad nyo si sophie, ingat po kayo."
Ngiti na lang ang sinagot ko kay Kuya Pogi, at sinimulang maglakad sa isang building para sa mga Tourisim.
ANNYEONG HASSEOYO.... Imnida.... Aw aw aw... 🎶
(Listen to multimedia)
Wag kayong ano Ringtone ng cellphone ko yun.
"Yes, Hello besty"
"Nasan ka? "
" Nandito sa Tourism College, Ikaw? "
" Huh? Nandito din ako, sa ground floor sa malapit sa stair Besty"
"Ah Okay Besty, puntahan kita Dyan. Wait mo ko"

BINABASA MO ANG
Love Always Hopes
RomanceLove bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Kakayanin mo bang mahiwalay sa iyong mahal upang sya ay mabuhay? At umasang sya ay babalik at tutuparin ang kanyang pangako. Kakayanin mo ba ang humiwalay sa iyong m...