Isang araw sa Shinwa University, naglalakad ako ng papuntang classroom ko..
Nang biglang may bumangga sa likod ko, nagmamadali siyang tumakbo.. habang palayo siya sakin
Lumingon siya pero tumatakbo padin, saka sumigaw ng
"Sorry!!!"
Wala naman nakong nagawa, kaya hinayaan ko nalang.
Sa classroom namin:
"Bukas na kayomagsisimula sa pag-iintern, na-assign ko na yung mga klase na inyong pupuntahan"
Sabi ni Prof.
Dalawang araw kaming mag-oobserve sa mga klase ng freshman, ioobserve namin ang pagtuturo ng mga professor, dahil gagawin din namin yun sa finals.
-------------------
Pauwi na ako, sumakay na ako sa motor, inistart ko na
Bigla ba naman na may sumakay sa likuran ko..
Nagulat ako,
Bigla siyang kumapit sa likod ko at nagsalita,
"Dali na, patakbuhin mo na, bilis! ayan na sila!"
Babaepala, hindi ko alam kasi may maskara siya, maya maya naman nadinig ko na may mga lalaking sumisigaw
"Ayun siya! bilisan niyo baka makatakas pa!!"
Ditonga sila papunta, kaya naman pinaandar ko na ang motor ko.
Hanggang sa nakalayo na kami, maya maya bigla ng sumigaw yung babaeng nakisakay sakin, saka tumayo habang umaandar ang motor
"Yehey!! Nagawa ko! yes!!"
Naguguluhan naman ako sa babaeng to, ewan ko ba kung ano ang trip niya sa buhay.
Nagsalita na naman yung babae at kinalabit ako,
"Huy! Pwede ihinto mo na yung motor? pakibaba nalang ako dyan sa tabi"
Natawa nalang ako kasi parang prinsesa siya kung mag-utos, pero inihinto ko naman.
Bumaba agad siya, saka niya tinanggal yung mask niya, natawa ba naman ako, kasi parang magnanakaw ang get up niya, pure itim ang suot niya.
bigla siyang pumunta sa harapan ng motor ko, saka ngumiti
"Thank you ha? buti nalang andun yung motor mo kundi siguro nahuli nako ng mga yun, pero dont worry, dahil sa ginawa mo, may utang nako sayo"
Tumalikod na siya at tumakbo, pero huminto siya medyo malayo layo nadin siya nang sumigaw siya,
"Babayaran kita sooner,
yun e!,
kung magkikita pa tayo!"
Ngumiti siya saka tumalikod at tumakbo,
Napakamot nalang ako sa ulo ko, napakabilis ng nangyari, naalala ko nadin yung mukha ng babaeng yun, the way na ngumiti siya, siya din yung nangbangga sakin kanina,
Nagtataka lang ako, lagi siyang tumatakbo, hindi ba siya napapagod?
Kakaiba yung nangyari sakin nung araw na yun..
-------------------
Kinabukasan, first day namin sa intern namin, 3 kaming magkakasama na mag-oobserve, maaga akong pumunta ng school nun, kaya naman nagkaroon pako ng time para tumambay..
BINABASA MO ANG
Promise Not To Fall In Love
RomancePaano kung mainlove ka sa taong pinangakuan mong hindi ka maiinlove??Anong gagawin mo?