Part4

36 3 0
                                    

Nakipagkita sa akin si Jan Di..

Jandi: "namiss kita"

(Habang nakangiti)

Ako: "kamusta pala yung preparation ng kasal niyo? okay na ba?"

Tumangosiya,

Ako: "excited ka na ba?"

Ngumiti siya,

Jandi: "matagal pa naman yun, ano ka ba? Kinakabahan nga ako"

Ngumiti ako sakanya..

Ako: "ganyan talaga pag malapit ka ng ikasal, pero masaya naman diba?"

Jandi: "oo, masaya ako.. dahil alam kong mahal ako ng taong makakasama ko habang buhay.."

Saka ito ngumiti..

Tinitigan ko lang siya ng matagal..

Ang swerte talaga ni Junpyo skanya.. kung dati ako ang mahal ni Jandi, ipaglalaban ko talaga siya.. hindi naman ako nanghihinayang na nagparaya ako dahil alam kong masaya silang dalawa... ako.. kaibigan nila, kaya hindi ko hahadlangan ang kasiyahan nila..

Jandi: "oohh bakit??"

Ako: "wala naman, naalala ko lang dati, nung mga highschool pa tayo.. hindi pa tayo sigurado sa mga mangyayari satin, pero ngayon, sigurado na.. lalong lalo na ikaw.."

Saka ko siya nginitian..

Jandi: "ikaw JiHoo ang isa sa mga kaibigan kong hinding hindi ko makakalimutan.."

Ako: "alam ko naman yun, (saka ko ginulo ung buhok niya) basta ako ang bestman ha?..."

Jandi: "syempre naman, sa isang kundisyon.."

Jandi: "dapat makahanap ka muna ng bagong SooJin mo bago ako ikasal, ok..?"

Natawa ako sa sinabi niya..

Ako: "e paano kung diko siya nahanap bago ka ikasal?.."

Jandi: "edi hindi ikaw ang bestman namin.. hehehe"

Ako: "ang unfair naman? ibig sabihin pala dapat maghanap nako agad.. hehehe "

Tumingin siya bigla ng diretso sa akin,..

Jandi : "Alam mo Jihoo , wish ko sayo, makahanap ka na ng taong makakapagpasaya sayo, yung taong magmamahal sayo.. at hinding hindi ka iiwan."

Napangiti nalang ako sakanya..

Hindi nadin muna kasi ako umaasa.. sa ngayon gusto ko muna magfocus sa pagdodoctor ko.. saka na siguro yung paghahanap ko.. pagwala nakong iniintindi,... siguro naman darating din yun sa tamang panahon..

---[~~~~~<]

Maaga akong nagpunta sa clinic ni lolo para kahit paano tumulong...

Nadatnan kong isa lang ang pasyente ni lolo..

Lolo: "ohhh tamang tama pala andyan na si Jihoo.. "

Ako: "lo, bakit po?.."

Lolo: "eto kasing si Mrs.Chun, namomroblema kung sino maghahatid sa anak niya sa school, malalate na kasi.."

Ako: "ganon po ba? ohh sige ako nalang po maghatid, san po ba?."

Promise Not To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon