Klitorika (bisexuaL stOry)

1.9K 8 5
  • Dedicated kay Flore Mae Mijares Palang
                                    

..kathang isip na kwento ko lang tu,. alam kong hindi makakarelate sa ibang makakabasa neto sa kadahilanang puro bisexual topics ang nakapaloob dito, nasa sa inyo na po yun kung tatapusin niyo...hehehehe :P mejO mi kalikutan din ng utak kO kaya sana magustuhan nyO : )

CHAPTER 1

Dama ko ang sakit at hapdi sa katawan na parang niluluto ang laman, kirot na parang hinihiwa at tinutusok ng matalim na bagay ang naramdaman ko sa buo kong katawan. Dahilan kung bakit napabuka ng kalahati ang aking mata, dahan-dahan. Naaaninag lamang ang dilim, usok at nakakabinging ingay na parang nagsisigawang mga kaluluwa. Wala akong maalala kung bakit at paano ako nasadlak sa ganoong sitwasyon, nahihinuha ko lang ang bawat pagpatak ng aking dugo, lapnos na braso at pagtitiis sa sakit na naramdaman nung panahon yun.

Nakakasilaw ang liwanag, pansin ko ang puting ceiling na madaming nakadikit na mga aparatu, at ang isang babaeng biglang lumitaw sa harap ko.

'Gising ka na pala, salamat naman', sabay ngiti niya sa akin. Ang pungay ng mata, mamumulang labi, morena, kulot at mahaba ang buhok, pansin din ang kanyang pierce sa dila na nakikita sa tuwing nagsasalita siya.

'Tatlong araw ka nang tulog, ok na ba pakiramdam mo? Ako pala si Zai' napangiting sabi niya. Gumaganda siya lalo sa dimples niya sa kanang pisngi. Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya dahil titig na titig ako sa mala-anghel niyang mukha.

'Ok na ba siya miss Zai?, biglang litaw ng isa pang babae na parang sing bata pa niya pero astig yung awra. Naka-lab gown na puti at mi eyeglass, maganda ang bagsak ng buhok hanggang baba ng tenga, ang taray ng mukha, nataas pa ang kilay habang nakikipag-usap kay Zai. Chini-check ang mga monitor at tinitignan ang mga nakakabit na electrodes sa aking katawan. Dun ko narin namalayan na may mga nakadikit na kung anu-anong wires na yung iba nakatusok pa sa akin.

"Asan ako? Sino kayo?" tanong ko sa kanila, nagkatinginan lang ang dalawa.

"I'm agent Akira, andito ka ngayon sa ahhhmmmm, tsaka ko nalang ipapaliwanag sayo pag magaling ka na talaga, baka hindi mo pa maintindihan sa ngayon," sambit niya.

May itatanong pa sana ako kaso hindi ko na alam kung ano, biglang nablangko ang utak ko. Pumikit ako ulit para maalala ko kung anong nangyari, pero wala talaga akong maalala, ou, kahit kunti, wala.

"Sino ako?", napatigil ako bigla sa pag-iisip. Hindi ko na alam kung ano ang pangalan ko, kung saan ako galing, kung sino yung mga taong nakapalibot sa akin ngayon, wala akong alam.

"Ok ka lang ba? Anong hindi mo alam?", sabi ni Zai.

"Hindi na ako magtataka, andito ka dahil may rason, kung wala kang maalala hindi na importante yun", sabat ni Akira.

"Anong hindi importante?" tanong ni Zai.

"Ini-expect ko na yan miss Zai. Ang microchip sa sentro ng utak niya na binaon natin ang siyang nagku-command sa buo niyang katawan, natural na epekto lang yun Gulay kana nung nakita ka namin, pwede kana sanang ilibing eh, maswerte ka lang at pinulot pa kita.", pagmamayabang ni Akira.

"Anong ginawa niyo saken? Gusto ko malaman, sino ba talaga ako, at asan ako?"

"Bangungot ang naging kahapon mo, ngayong nabuhay ka na, magsisimula ulet ang istorya ng buhay mo kasama kami. Mas mabuti ng wala kang maalala", sagot ni Akira na nakahawak sa baywang ni Zai,

Nakangiti lang si Zai sa akin, hindi ko alam baka natutuwa lang siya saken o baka masaya lang kasi katabi niya si Akira. Hindi ko na halos makuha-kuha ang mga nasabi ni Akira kasi nababaling ang mata ko kay Zai. Ramdam kong kakaiba yung ngiti niya. Dumampi ang kamay niya sa kamay ko, ang lambot at ang init nito.

Klitorika  (bisexuaL stOry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon