Intoduction

545 8 0
                                    

Ang Story na ito ay Kathang isip lamang. Iba ang atake ng storyang ito. Hindi sila artista. Sila ay mga normal na tao pero may mga ugaling nahahango sa totoong buhay nila ngayon :)

Susubaybayan natin ang magtotropang sina Jomar, Vhong, Billy, Jhong, at Teddy... Mababasa niyo kung paano naging magtotropa itong mga to. Ang kanilang Ups and downs. at ang kaniya kaniyang buhay nila.

Sisimulan natin kay Jose Marie Borja Viceral o mas kilalang Jomar. Ang PinakaPogi sa lima. Siya ang pinakalapitin ng babae pero hindi niya pinapatulan ito. Dahil CHOOSY ang lolo mo. Meron siyang nakakabatang kapatid na si Josephina Myka. o mas kilalang Jamyk. lamang ng 3 taon si Jomar kay Jomyk. Ang mga magulang nila ay sina Jose at Maria Viceral. Sila ay may kaya sa buhay. Nakatira sa maayos na bahay sa Project 6, Quezon. Si Jomar ay mahilig sa basketball pero hindi masyado sa computer games. More on outdoors siya. Gala, mitikoloso at magaling pumorma.

Si Ferdinand Hipolito Navarro o mas kilalang Vhong naman ay may 3 kapatid. Sakto lang ang buhay nila. Minsan kinakapos. Si Vhong ay madiskarte sa buhay, laging may solution sa lahat ng bagay bagay. Mahilig sumayaw si Vhong

Si Billy Joe Crawford o mas kilalang Billy lang. Isang Fil-Am na lumaki sa Pinas. Siya ang Bad boy ng tropa. Mas nagfofocus siya sa mga pangarap niya dahil nagkukulang ang mga magulang niya sa pag aasikaso at pagbibigay ng atensyon sakanya, dahil ito ay nagtatrabaho sa America at ang kasama niya lamang sa bahay nila ay ang yayang niya simula noong baby pa siya. parang pamilya niya na din. Mahilig sa pagkanta at pagsayaw itong si Billy.

Si Virgilio Hilario o mas kilalang Jhong. Isang mapagmahal na kapatid, anak at kuya. Pero siya rin ang chikboy ng tropa. Mahilig mag"WINDOW SHOPPING" ng mga girls. Pero responsable itong si Jhong at gagawin niya ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay. Mahilig naman itong si Jhong sa pagbabalentong (tumbling) at ang pinaka gusto niyang ginagawa ay ang Parkour.

At ang huli, Si Teddy Corpuz. Si Teddy ay ang loko ng tropa. at minsan syu syunga syunga. (di kumpleto ang tropa kapag walang tanga) Mahilig magsulat ng mga poems itong si Teddy. Makata at malawak ang utak pagdating sa kalokohan. Mahilig siyang kumanta at magtugtog ng gitara. Happy-go-lucky itong si Teddy dahil wala naman siyang masyadong paki sa mundo. Sakto lang din ang pamumuhay nila Teddy.

Eto na malalaman na natin kung pano nagkakilala itong mga individual na ito.

F.R.I.E.N.D.S - postponedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon