Chapter 2: My not-so-new boyfriend

1.3K 18 9
                                    

Chapter 2: My not-so-new boyfriend

"AAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

"Bakit? Ano 'yan?" pumunta sa 'kin si Christian.

"C-c-c-christian! T-t-tignan mo ID ko!"

Kinuha niya ang ID ko galing sa kamay ko at tinignan. "Ano?! Kathryn Chandria Manuel Bernardo? Sa 'yo to?!"

"Tange ka pala e. Hindi ba ako ang nasa picture?"

"E 'di kung ikaw na si Kathryn..."

Humarap ako sa kanya.

Humarap rin siya sa 'kin.

"Natupad ang wish ko / natupad ang wish mo."

"WAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa ko wagas. "MAY UTANG KA SA 'KIN! WAHAHAHA!"

"Ano?! Eh malay ko ba na magiging totoo. Peke kaya ang mga ganun."

"WEHH? Hindi lahat no!? Kasi hindi PEKE ang napili para sa 'kin! WAHAHA!"

"Pero may nagbago ba?"

Nawala ngiti ko. "Oo nga. >n<"

"Teka lang. Kung ako na si Kathryn Bernardo, isang magandang babae galing Nueva Ecija, ikaw na si..."

"Albie Casiño?" sabay!

"Aba! Talagang sinali mo pa ako sa pangarap mo a?" sabay smirk siya.

"Siyempre no! E-e-e kasi... Best friend kita! Sa tingin mo magkakagusto ako sa 'yo? Ano ako? Hilo? Gusto mong masapak?"

"WAHAHAHA. Sorry naman!"

Umatras ako at tinignan siya ng maigi.

"Aba ha. Nag improve ka bigla."

Wala na rin ang malaking glasses niya. OK na. Di katulad ng dating mukhang abnormal. WEHEHE.

Naka football jacket siya na parang sa glee tapos may CASIÑO sa likod. Siguro pinagawa lang 'to.

"Ikaw 'rin!"

Tawanan kami.

"Teka sabi mo gusto mong maging artista 'di ba?" tinaasan ako ng kilay ni Christian.

"Oo. Tapos?"

"Eh 'di pati ako sikat?"

"Siguro. Tignan na lang natin. Pero kailangang Kath at Albie na ang tawagan natin ngayon. Baka akalain nila e mga weirdo tayo na ewan."

"Oo nga. Alangan naman sasabihin natin na 'hi kami si Christian at Ella at galing kami sa kabilang mundo.'"

"WAHAHAHAHA!"

~Krrrrrrring....

~Krrrrrrring....

"Hey babe. Good morning! Kumusta ka na? You've been asleep for a while now. I hope you're okay. Umalis muna kami ni Julia ngayon. Sumama na rin si Kiray at Neil. Julia forced Albie to go take care of you. Pasesnsya na babe, may pinapahanap kay Neil at sabi niya hindi niya makita. Don't worry babe, I'll be home as soon as I can. I love you babe. See you later."

Be careful with what you WISH for...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon