Chapter 3: He loves me... But do I love him back?

1.3K 31 21
                                    

Chapter 3: He loves me... But do I love him back?

Three weeks past... And I'm getting a little comfortable na dito sa "dimension" na 'to. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari nung nakilala ko si Daniel. Pero... It's a part of having a boyfriend isn't it?

It's kind of weird na iniisip mo 'yun. I mean, doing that to a person you completely don't know. But now I'm getting to know him more and I think he's a pretty great guy.

Nakilala ko na sina Julia, Kiray at Neil. Si Julia ang best friend ko dito, then Kiray is the funny one, si Neil, may gusto kay Julia and vice versa. Parang MU, pero parehong hindi alam.

Uuurrrgghhh! Mahirap pala maging sikat. Autograph dito, pareho din diyan. Picture dito, rampa doon, kanta rito, sayaw doon. Privacy percentage? 20%!

Pero.... I'm getting the hang of this "Wish" and I hope it'll never end.

Nakatira kami lahat sa iisang bahay, excluding Chr-Albie pero walang grown ups kundi ang tatlong yaya na naglilinis at nagbabantay ng bahay. Cool, huh?

Lahat kami may sariling kwarto. Sa 'kin lang ang malaki kasi galing raw kay mommy 'to e. Pareho naman ang mommy ko dito at ang mommy ko sa kabilang "dimension" kaya no problem.

Oh, BTW. I still can't get over the fact na nineteen ako rito. Yep, totoo ang date na nakita namin three weeks ago.

"Hey." bati sa 'kin ni Daniel pagkagising. Minsan magkasama na rin kaming matulog kasi medyo natatakot pa ako. Kumikidlat kasi pag gabi e. Takot ba naman ako dun. >________<

Buti na lang he was always there to take care of me.

"Had a nice sleep?" tanong niya habang umuupo ako sa kama.

"Yeah. You?"

"Of course I had a nice sleep. Because I know I'm right beside the most beautiful girl in the world." nginitian niya ako.

Napangiti ako. Weeee ang sweet niya!!! :">

"Good morning." sabay kami.

"Gusto mo nang mag-breakfast?" tanong niya.

"No thanks, mamayang konti na lang."

Tumango siya. "Okay."

*

Okay, mamayang konti e nakapag-prepare na kami lahat.

"Morning Jules, Neil, Kiray." bati ko sa barkada pagkaupo ko sa dining table at breakfast.

"Good morning / Good Morning Kath... / Morning!"

Pwesto:

        Julia-------Kiray

Neil

        Kath-------Daniel

Nagpapasanay talaga ako ng Kath.

"Ang saya mo ngayon?" Neil.

"Had a nice sleep." ngumiti ako sa kanya.

"Kumusta na nga pala kayo nina Alb--ARAY sorry po. Nevermind. Hehe."

"Albie? Okay naman kami. Being best of friends hanggang ngayon." iisa lang naman ang "Alb" na alam ko e.

Tinignan nila kami lahat ng naka ngunot-noo.

"What? Did something happen? Is he okay?" tinaasan ko sila ng kilay.

"Uhh..." tumingin si Julia kay Neil. Tumingin si Neil kay Kiray. Si Kiray tumingin kay Daniel at si Daniel tumingin sa 'kin.

"What?" dumbfounded. Wha happen? Close open?

"Are you sure na pwede naming sabihin? After all you've been through?" Julia.

What? Mahirap ba ang pinag-daanan ko rito?

"Sure. Ano ba 'yon?"

"You don't remember?"

"Remember what?"

"Na... Ex mo si Albie..." narinig kong bulong ni Kiray habang nakatungo.

He's my WHAT?!

"Oh... Uh... That..." yumuko na lang ako.

"I'm so sorry na nasabi ko Kath." tumingin ako kay Kiray. 

Tumingin ako kay Daniel. Mukhang malungkot siya.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Uh.. Yeah... It's... Nothing.." yumuko siya.

"I'm sorry I had to ask, Daniel. Siguro sa pag-bonding namin nakalimutan ko na."

"No, it's okay. It's just that... Nevermind."

Niyakap ko siya. "You know you're still my boyfriend, right? Wala kang kapalit. Albie can I can be friends and all, pero ikaw ang boyfriend ko. Wala nang magbabago."

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"HEPYA!! TAMA NA DRAMA!! NAKAKAGUTOM NA!!" sumigaw si Kiray.

Tawanan kami.

*

Pumunta ako sa terrace sa tabi ng bedroom ko.

Ang sarap ng hangin. The feeling of fresh air coming through your face... Ang sarap lang.

The sweet smell of cold fresh air... Haaaayyy....

Umiinom ako ng hot choco ngayon. Parang Baguio lang a?

Tumayo ako galing sa isang upuan at pumunta sa isang dulo ng dala ang hot choco.

Uminom ako ng konti at huminga ng malalim. Ang sarap ng feeling ng ganito.

Mamayang konti naramdaman kong kamay sa bewang ko at may pumatong sa balikat ko.

"Hey babe."

Si Daniel pala. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko tapos yumakap siya sa bewang ko.

"Hey." hinawakan ko ang kamay niya.

"Sorry sa kanina, a." sabi niya ng medyo mahina. "Dahil siguro sa pagkakaibigan niyo e parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko't naisip kong baka mawala ka sa 'kin."

"Ano ka ba...? Siyempre hindi ako mawawala sa 'yo. Hindi mo na kailangang mag-alala. You know I'm yours and nobody else's."

Whoa. San ko galing 'yon? Pero totoo naman hindi ba? Sa kanya lang ako ngayon. Kasi ako ang girlfriend niya rito.

I never dreamt of having a guy like him. Okay, so kasama siya sa wish ko. Pero hindi ko ine-expect na ganito siya ka sweet at ganito niya ako kamahal.

"I love you." sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi.

I'm really happy when I'm with him. I want him to feel the same to me. Pero actually I'm not sure with my feelings yet. :(

It's like I'm using him lang. And I don't like that.

I'll love him. I want to and I'm going to. Help me with this. Bahala na lang si Batman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be careful with what you WISH for...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon