KAPITULO IV

25.4K 341 14
                                    

ELISE

Sobrang sikip. Hindi ako makagalaw nor makahinga. Parang may sumasakal sa akin.

Sobrang dilim. Amoy usok. Tila ba nagaapoy yung paligid ko kung kaya't sobrang init. Gusto kong gumalaw pero di ko magawa. I feel so helpless.

Gusto ko humingi nang tulong pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

".... Elise tumakas kana."

"Aaaaggghhh! Tulungan mo ko!"

"Sobrang sakit na! Patayin mo na lang ako!"

"Tama na! Hindi ko na kaya!"

"Bakit nangyayari sa akin 'to?! Wala naman akong ginawang masama. Gusto ko lang sumaya!"

Puro hiyawan yung naririnig ko. Mga nanghihingi nang tulong, mga nakakaramdam nang sobrang sakit at nagtatanong kung bakit nangyayari 'to sa kanila.

Unti unting nagliwanag ang paligid. Kulay pula dahil sa apoy.

Nagliliyab ang mga puno, ang mga tents.

Pati na rin ang mga kaibigan kong naghihiyawan dahil sa sakit.

Hindi ako makagalaw. Gusto ko silang tulungan pero parang may pumigil sa akin. I feel so frustrated. Nandito kami kung saan kami dapat magpakasaya pero ang tanging nararamdaman ay takot. Lungkot. Pero ang pinaka higit na nakakapagtaka ay galit.

Kinalma ko muna yung sarili ko. Hanggang sa unti unti ko nang nararamdaman na kaya ko nang igalaw ang mga paa ko. Pero kahit ganunpaman, tila may sarili itong mga isip. Patungo sa direksyon na hindi ko alam kung saan tutungo.

Sa bawat nadadaanan nang aking mga mata, tila pinipiga yung dibdib ko. Tapos nakakapanghina.

Nakakapanlumo. Ito na lang ba ang madadatnan ko?

Napansin ko rin na may kumikinang na bagay sa bandang tagiliran ko. Isang kutsilyo. Bigla akong kinilabutan lalo na nung makita kong paparating siya. Siya na pinagkatiwalaan ko. Na naging kaibigan namin.

Wala akonng ibang maramdaman sa kanya kundi poot.

Galit na galit ako sa kanya.

Kasabay nang pagtakbo niya ang pagbunot ko sa kutsilyo ko.

Hanggang sa magdilim muli ang lahat.

"Elise? Wake up, sleepy head." Agad akong bumalik sa realidad. First time kong natuwa na marinig ang boses nang kupal na'to.

"Ingay mo, Erl." I frowned. "Anong meron?" Ani ko habang nag iinat pa.

Kaya agad naman siyang tumingin sa may unahan. Saka ko lang napansin na medyo crowded doon. Pinapalibutan nila si Chesca.

"Broken hearted?" He shrugged.

Napataas naman yung kilay ko. "Ganyan ka porke di kana bh."

"Heh. Itsura mo Elise. Pawis na pawis ka, oh." Sabay abot sa akin nang towel.

Not bad. Kahit ganyan siya.

"Kilig ka na nyan?"

Hindi ko kasi napansin na nakangiti na pala ako. First, nagising ako at hindi totoo yung panaginip ko. Second, epal lang talaga yan pero may puso pa din.

"How 'bout no?"

"Ano? Nagkakamabutihan na kayo dyan?" Nakangiting sulpot ni Queenie. At halatang nangaasar pa talaga yung way nang pagsasalita at pagkakangiti niya,

"Asa."

"Oy, tutunga na lang kayo dyan? Dali tara na para di tayo gabihin pag akyat!" Nakataas yung kilay ni Paula. Feeling ha? Ikaw mag llead nang camping na'to? Ikaw?

"Oh, yung kilay mo magkasalubong. Papangit ka nyan. Ganda mo pa naman." Sabi ni Andrew na palabas nang bus nung nadaanan kami.

"Eh. Shutangina. Malandi." Wika ni Queenie.

"Speaking of Malandi. Anyare nga ba kasi kay Chesca?" Tanong ko kay Queenie. Isa yan sa mga close nun eh?


"Who knows? Capital I D K." And there, lumayas na ang bruha.

" Hoy tara na?" Sabay hatak nang bag ko ni Richmond.

As long as kasama ko sila, wala naman mangyayaring masama di ba? Wala namang tatraydor sa akin... sa amin..

--

Sorry maikli. Kbye.

Killing Camp (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon