Sa panahong ngayon, hindi na uso ang kaugaliang Maria Clara. Karamihan sa mga babae ngayon ay madali ng mapasagot ng kahit na sinong lalaki. Aba! hindi tama iyon. Ang Babae ay isang kristal na madaling mabasag kaya't dapat mapag-ingatan. Isa pa ang babaeng may mataas na pinag-aralan ay nabibilang sa mga mamahaling mataas na uri ng kristal. Ito ay para sa mga BABAENG PILIPINA na naghahangad ng magandang "ending" sa sinisinta nila o kung wala man eh may bago naman kayong matutunan nawa dito.
Pinalaki ako ng nanay ko sa konserbatibong paraan na kahit dito ako lumaki sa Maynila ay sa tradisyunal na paraan ang disiplinang natamo ko. Sa loob ng 21 na taon, wala pang pumasang manliligaw sa akin. Ako ang kaisa-isang babae sa 5 magkakapatid. Hangang hanga sa akin ang mga barkada kong babae dahil sa ako lang ang NBSB sa aming grupo. Lahat sila ay may nobyo na at isa sa kanila ay nagdadalantao na bago pa lang ikasal. Sabi sa akin ni Jenny, may boypren man o wala ang "Happy Ending" ay nangyayari kung kaya kang ipaglaban ng lalaki sa lahat ng pagsubok na dumating o dumarating sainyo. Para sa akin, dapat hintayin ang tamang panahon sa boyfriend & girlfriend relationship, mature mag-isip ang bawat isa, mabuting mga anak sila, may takot sa Diyos at higit sa lahat ang pag-iibigan nila ay hindi magbabago anuman ang maganap. Pero dahil wala pa ako sa ganoong estado heto ang sampung rason kung bakit mas masarap maging NBSB o "SINGLE" kesa sa magkaroon na "kaagad" ng syotaers.
10. WALA KANG RESPONSIBILIDAD NA KAILANGANG GAWIN SA IBANG TAO.
- Di mo kelangang magpaload "araw-araw" para lang malaman kung anong ginagawa niya o kung nasaan siya. Wala ka ring dapat hintayin sa oras ng iyong pag-uwi. Hindi pa mauubos ang iyong pasensya kung saka-sakali. Kasama na rin ako dito. Madali kasi akong mainip pagdating sa hintayan.
9. HINDI KA MAKAGAGALITAN/ MASESERMUNAN NG IYONG MGA MAGULANG NG DAHIL SA LALAKI.
- Kung saka-sakaling ginabi kayo sa pagdadate at parehas kayong waley load tiyak na ratatat ang aabutin nyo pag-uwi. Tapos paghihinalaan pa kayo ng masama. Alam mo na, sa sobrang pagmamahal nila mudra at pudra dear ay ayaw kang gabihin. Dahil ang gabi ay lagim! {Bwahahaha!}
8. PWEDE KANG MAKIPAGKAIBIGAN SA LAHAT NG LALAKING GUSTO MO.
- Ito yung isa sa pinakagusto kong gawin - ang makipagkaibigan sa mga "good boys". Ang mga lalaki kasi sa panahon ngayon ay mas mabait at napakasarap pakisamahan kumpara noon. Sa karanasan ko, di sila maarte, madali nila akong napapatawa, di sila mabilis magtampo at may sense silang kakwentuhan. Walang magseselos kung kausapin o kaibiganin ko ang Brothers. {Yeah!}
7. WALANG MANGUNGULIT ( o BUBUNTO'T-BUNTOT) SA'YO.
- May klase ng manliligaw na maya't maya ang text na parang katapusan na ng mundo bukas. Ang pangit ng ganoon hindi ba ladies? Lagi kang iniistorbo na dapat ay hindi gayon. Kelangan pa yata nila magpaturo kung paano manligaw kay Gat Jose Rizal. Ayos! Lalo na kung naging kayo na.
6. MAKAKAPAGPOKUS KA SA IYONG PAG-AARAL O SA PAGTATRABAHO 100%.
- Nung lagi ka bang may unli ay di mo matiis na itext siya sa umaga? sa tanghali? hapon? hapunan? o midnight snack? Paano na ang pag-aaral mo day? Sumasabit ba si grades o sakto lang? Mas maganda kung diretsong tingin ka lang sa daan ng edukasyon dahil iyon lang ang maipapamana ng mama at papa mo (kung hindi kayo mariwasa). Mahirap magka-"inspirasyon" kung siya rin ang magiging balakid sa pag-POKUS mo sa eskwela. Utak muna day bago ang puso.
Kung nagtatrabaho ka na, mababalisa at mababalisa ka kung may tampuhan kayo. Mas mahirap kung katrabaho mo pa siya-tulad nila Jade at Andy. Baka mapagalitan ka pa ni Boss kung napapansin ka na niyang nagkakamali o mas malala pa kapag natulala ka sa oras ng trabaho. {Thumbs down!}
5. HINDI KA MAKAKARAMDAM NG SOBRANG SAKIT SA IYONG PUSO.
- Ito yung pinaka sa pinaka kapag may relasyon at "attatched" ka na sa taong yaon. Naramdaman mo na ba na kapag may di kayo pagkakaintindihan ay may mga karayom na tumutusok sa loob ng puso mo? Tapos ganoon palagi ang nararanasan mo kapag nagtatampo ka, galit o inis sa kanya? Kaya mas magadang maging single.
4. WALANG BUNTISAN BLUES.
- Yes! Wala kang disgrasyang matatamo. Mabuting bata ka kapag nababasa mo ito na wala kang anak na kalong-kalong o inaalagaan diyan. Sinunod mo sila Nanay at Tatay mo! May maaliwalas at maliwanag na kinabukasan! Mabuhay ka!
3. SOLO MO ANG IYONG MGA ORAS.
- May "quality time" ka sa iyong pamilya, mga kamag-anak, kaibigan, kapamilya, kapuso, mga kapitbahay, mga kabarangay at kung sino-sino pa. May oras ka rin sa pag-aaral, pamamasyal, pagbabakasyon at kahit ano pa mang magustuhan mo. Smooth-easy-go-lucky ang ride ng "No Pressure" life mo! Don't forget, marami kang oras para kay Papa God/Bro./ Kuya Jesus/ Mama Mary.
2. PWEDE KANG MAG BOY-HUNTING 24/7 {Enitaym, Eniwer!}
- "Wow! Ang daming wafu dito! Buti na lang wala akong boyfriend!!!"-Kasama ba kita pagdating sa bagay na'to?! Aminin!
Sa mga di nakakaalam, sight-seeing ng mga naggwagwapuhang kalalakihan ang ibig sabihin ng "Boy Hunting". Sa paggawa mo nito, sa malayo ka lang humahanga sa isa o kahit ilan pang binata. Mas maigi na ang ganito dahil kapag gwapo raw ang nobyo mo, marami ka raw kaagaw at napapansin ko na may mataas na tsansa na sila ay mangaliwa.
1. NO BOYFRIEND, NO PROBLEM!
W sakit sa Ulo.
a sakit sa puso.
l iyakan.
e tampuhan.
y dissapointments, upsets, unmeet expectations at higit sa lahat WALANG PROBLEMA SA
LOVELIFE!
- Hango ito sa kanta ni Ms. Pokwang. Oo nga, inlove ka nga pero kasabay nito ang sakit na mararamdaman mo dahil wala namang perpektong tao para mahalin ka ng walang halong pagkakamali.
* O mga mare, nirerespeto ko naman ang kahit anong estado ng buhay pag-ibig mo, wala mang lovelife o meron. Ang sa akin lang, nirereserba ko ang aking sarili sa lalaking makakatuluyan ko na para isahang sakit, saya, kilig, inlove, luha at lahat-lahat. Kahit na meron ka ng commitment, maganda na rin na huminga sa relasyon paminsan-minsan. Hay, Prince Charming, Kelan kaya kita makikita at doon ko na masasabi ang mga katagang -
"And we'll live happily ever-after."?
Wakas.