Chapter 2: Best Bud's Convo :))

49 3 0
                                    

(Alex's POV)

Habang naglalakad papasok ng campus ay iniisip ko pa rin yung mga katagang binitiwan ni Ate Isay kanina. 'There's always a happy ending in everyone of us'. Si Ate talaga, masyadong vast mag-isip. Pfft. Happy ending? Pffft.

"Hey! Alex!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Yung kumag kong kaibigan lang pala.

"Yer late, Miss!"

Bahagya akong natawa sa tono ng boses neto. "At nagsalita yung hindi late."

"Hindi naman talaga, galing ako sa canteen noh! Bumili lang ako ng tubig."

"Ooooh... Sigurado may pambarang pares yan! Akin na lang! Tom Jones na 'ko eh!"

"Huh? Ano ka!? Sineswerte!? 'Kala ko ba dumaan ka sa bahay ng Ate mo? 'Tsaka hindi pa 'ko nag-aalmusal. Maginoo naman akong tao eh alam kong alam mo yun! Kaso tomguts talaga ako, sorry Miss!", sabay labas ng sandwich sa bag nya at binuksan.

"K'fine! Yeah, I went to Ate's house, kaso nawalan ako nang ganang mag-almusal dun eh!"

"Huh? Bakit naman?", tanong nya habang ngumunguya.

"Kasi naman 'tong si Ate, pilit pa ring iginigiit na talagang merong happy ending at forever. I mean, isn't it annoying?"

Napatigil sya sa pagkain at napatingin, sabay harap sa 'kin, "Ang bitter mo lang talaga kasi.", sabay talikod sa'kin at nagpatuloy sa pag-akyat.

Napangiwi ako sa sinabi nya. Tengene. Pati ba naman sya? O.o

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Ace's POV)

"Kasi naman 'tong si Ate, pilit pa ring iginigiit na talagang merong happy ending at forever. I mean, isn't it annoying?"

Napatigil ako sa pag-nguya at humarap sa kanya. "Ang bitter mo lang talaga kasi."

Hindi ko na hinintay na sumagot pa sya, kaya agad ko syang tinalikuran at binilisan ang pag-akyat patungo sa 3rd floor. Nang makarating ako sa 3rd floor...

"Hey you, Alas!"

Napalingon ako, and it's her. >_< Lagot. Napakamot ako sa batok ko.

"So you think ang bitter bitter ko? Ganun?"

"Uhmmm... Yes, you are!"

Biglang napakagat-labi sya at napatitig sa'kin. Shoot. That death glare! =_=

Mabuti na lang dumating na yung instructor namin. Saved! Thank goodness! Phew.

"Chill, Ace. Lumabas ka na lang agad ng room after ng klase.". That's the only thing naisip ko! Or else tostado ako ng babaeng yun mamaya. 

I just can't understand kung bakit hindi sya naniniwala sa "happy ever after" o sa "forever". Para kasi sa kanya it's just a mere word. Believed by fools. She thought it doesn't exist and it will never exist. Hindi naman dahil sa NBSB sya. Talagang mula't-sapul hindi na talaga sya naniniwala sa mga mala-fairytale na love stories. I've known her, like, forever. I've been her best buddy since grade school. And I know her very well. Sya yung tipo ng tao na kahit na obvious na obvious na eh pilit pa ring mag-iinsist na hindi sya ganung klase ng tao.

Pagkatapos ng klase...

I tried to sneak out as fast as I could. Nagninja moves na 'ko, kaso ang galing lang talaga ng babaeng 'to! >__________________________< Tepok.

"Where do you think you're going?"

Dahan-dahan akong humaram sa kanya at nangiti ng pilit sa kanya. Craaaaaaaaaaaaap!

"Ahmmm... To our next class?"

Unti-unti syang lumapit sa akin habang nakangising demonyo. Alam na 'to, Ace! (O.O)

"Bitter pala ha!? Paki-explain nga sa'kin kung paano ako naging bitter?", napakibit balikat eto at tahimik na naghintay sa sasabihin ko.

Whoa! Anyareh? I thought bugbog sarado ako again! Hahaha. Nayswan! Okay, pareng Ace, galingan mo ang pag-eexplain para hindi ka bugbog sarado.

Habang bumababa patungo sa Technology Building, kung saan naroon yung room ng next subject namin, sinagot ko ang tanong nya sa'kin. Paano ba sya naging bitter? Hmmmp... O.o

"Siguro hindi bitter yung tamang term na dapat gamitin sa'yo. Siguro... Pessimist. Tama. Pessimist ka masyado. You see, hindi mo kasi iniisip yung positive side ng isang bagay. You always thought about its negative side."

"And?"

"And... And you thought love is something stupid."

"We-we-wait... I never said that love is something stupid.", maang nya sa'kin.

"You see, love is forever. So when you say forever is something stupid. Para mo na rin sinabing love is something stupid."

"At panu mo naman nasabi na love is forever?"

"Alexandra naman! Diba sabi ko sa'yo noon, love defies all reasons! Kaya 'wag na madaming tanong. Tanggapin mo na lang na nega ka pagdating sa pag-ibig."

Fluid Mechanics namin ngayon. She never listens to Mrs. Lauzon's lecture's kaya ipinagpatuloy nya ang pagtatanong sa'kin.

"Tsss... You know what, ang lame mong kausap! You always talk about love, and yada-yada-yada. I mean, hindi ka ba narerendi sa araw-araw na topic mo yan?"

"Hindi. Lalo na kung sa'yo ko dinidiscuss ang mga nalalaman ko tungkol sa pag-ibig."

Napailing lang sya at bahagyang natawa sa sinabi ko. "Ano ka? Si Papa Jack? Si Bob Ong? o Si Ramon Bautista?"

"I'm Me. I'm Mr. Ace Raphael M. Alcantara.", i drew back a confident smile that made her giggle.

"Yeah right. You're Ace.", she paused for awhile, flips the book at lumingon ulit sa'kin. "Fre, pwede bang bawas-bawasan mo yang pagiging love guru mo. Nakakarendi kasi paminsan-minsan.", at muling bumaling sa libro nya.



Something StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon