>Six: New School

43 1 0
                                    

Bakit nandito si Mr. Muscles este JB?

“Raine! Si JB daw oh! Tara dun sa entrance gate!” Sabi ni Jane. Nung nakalapit na kami sa gate, nakita namin si JB, pati na rin sina Hero, Tristan at Blaike. Anong ginagawa nila dito?

“Hi JB, looking for me?” Hep! Hindi ho ako yun. Si ano yun.......Jessa? Natandaan niyo ba siya? Yung ex-girlfriend ni Kuya Jakie na ngayon ay literally girlfriend ko, akala pa nga ni mama na break na kami? Oh sa mga gurang na mga utak, tanda niyo na?

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na pareho lang kami ng school ni Jessa. Akala pa nga ng mga tao dito ay mag-kaaway kami eh, pwera nalang kay Tifanny, Jane at Katie. Kasi mag-kaaway talaga naman kami niyan ni Jessa dati eh. Tutol kasi ako sa relasyon nila Kuya Jakie.

“Who are you?” Tanong ni JB kay bruha este Jessa pala. Hahaha! Seriously, hindi niya natatandaan si Jessa? “I’m looking for my girlfriend. Which obviously isn’t you, miss.” Dagdag pa ni JB. BOOM! Napahiya naman si Jessa dun kaya nag walk siya kasama ang ever mga loyal niyang mga alipores. (Oho, meyron siyang mga alipores na na may napakalaki at napaka-obvious na mga pores sa mukha. Sosyaling bata.)

“Waaah! M-may girlfriend na si JB?.” Bulong nung isa kong schoolmate. Bulong na parang naka-mega phone.

“Wag nga kayong pessimist! Magkaka-hiwalay din sila kung sino man yang babae na ‘yan noh!” Sabi nung babae sa bandang likuran sa kumpalan. Wow, ang optimistic niya masyado ah.

“Tama! Tama!” Sigaw nilang lahat. Hahaha! Nakakatuwa talaga sila! Para silang choir kung maka-sabay magsalita. SINTINADONG CHOIR! Bwahaha.

“Yes, everybody I do have a girlfriend.” Sabi ni JB. Nosebleed ako dun ah. Kung maka-english kala mo nasa Estados Unidos! (Estados Unidos? ‘San galing ‘yun? XD)

Nakita kong tuningin si JB saken. “There she is people. My very first girlfriend, Raine Delos Reyes.” At tinuro ako ni JB. Waaaah. *0* Ang daming mata nakatingin saken! Pero ano daw? Very first girlfriend? So meaning NBSB este NGSB pala siya? Huwaw!

I heard everybody gasp. Pati na rin sina Tifanny, Jane at Katie. Ugh! Mahabang paliwanag na naman ‘toh!

Lumapit si JB saken at inakbayan ako. Of course nag smile nalang ako dun sa mga babaeng pinapatay ako sa mga isipan nila. Sorry sila at ako ang pinili ni JB bilang PANGGAP niyang girlfriend. Bwahaha! Oh? Anong tingin niyan mga kababayan? For your information, HINDI HO AKO BITTER DAHIL PANGGAP NA GIRLFRIEND LANG AKO NI JB NOH! Hindi nga! Kainis ‘toh.

*click* *click* *click*

May naring akong click ng mga mamahaling camera sabay flash ng ilaw. Huh? Ano ‘yun?

“Sht! Media.” Rinig kong bulong ni JB. Lakas sense of hearing ko eh! Media? Aw! So totoo yung sinabi ni Jane at Katie na sikat sina JB? Dali-dali naman akong hinila ni JB palabas ng campus. Nakita ko din na hinila nina Hero, Tristan at Blaike sina Tifanny, Jane at Katie respectively. Halata naman na kinikilig ang mga loka! Except kay Jane na umaaktong diring-diri kay Tristan. If I know, kinikilig din yan. Dami pa kasing arte eh!

Jane’s POV

Wow, ambongga nung scene na ginawa nina Raine at JB kanina! At ano daw? Mag jowangers silang dalawa? Ang bilis naman ata! *0* Parang kahapon lang kami pinakilala ni Raine kay JB ah!

Currently, hinihila ako ni Tristanas. Eeeeew! Germs, germs!! Tumingin ako kay Katie na sabay maglakad ni Blaike. Oo, hindi siya hinihila ni Blaike. Hindi katulad ng iba dyan! Kainis!

Haaaaaayss... Ang swerte naman ni Katie. Kras ko kasi si Blaike eh. Gentelman kasi eh at bonus na din yung kagwapohan niya. Hehehe.

“Hoy Kalabaw! Baka matunaw si Blaike niyan.” Sabi ni Tristanas. Sabi nang hindi Kalabaw ang pangalan ko eh!!

“Hoy Tristanas! Baka matunaw din si Katie!” Sabi ko. Akala niya ah? Kanina ko pa kaya siya nakitang tutok na tutok kay Katie. Kawawang Katie. Pero teka! Don’t tell me----

“May crush ka kay Katie?/ Gusto mo si Blaike?” Sabay na tanong naming dalawa. Sabay din ang pamumula ng mga mukha namin. So.... crush niya nga si Katie?

Raine’s POV

Sa wakas! Natapos na rin ang paghila ni JB saken na akala ko hindi na matapos-tapos. Huminto kami sa harap ng isang mahaba na sasakyan. Limo ba ang tawag ‘don? Huwaw! *0*

*sampal sa sarili*

Ano ba Raine! Wag ka ngang humanga sa sasakyang ‘yan! Remember the last time na humanga ka sa Black Mercedes Benz ni JB? Waaaaaaah! Namula naman ako sa biglang pagkatanda ko sa time na hinalikan ako ni JB..... sa cheeks. >__<

“Oh Raine, bakit ka namumula? Mainit ba? Dali, pasok ka na sa sasakyan.” Sabi ng ever gentelman na si Hero. Isa pa ‘toh eh! Halikan daw ba ako..... sa cheeks sabay sabing hindi lang daw si JB ang makakahalik sakin.... sa cheeks?! Ayan tuloy! Nabroadcast sa buong Pilipinas!

Nang nakapasok na kami lahat sa limo, tahimik lang ako. Habang sila naman, nag-iimikan. Aba, parang ang ko-close nilang lahat ah. Tahimik lang ako kasi biglang may tanong na pumasok sa isip ko. ‘Bakit kaya ‘toh ginagawa ni JB?’  Yung pag papanggap bilang boyfriend ko at ako naman bilang girlfriend niya? May reason naman ako eh. At alam niyo na yon, pero ano kaya ang reason ni JB?

“Uhmmm... Blaike?” Tawag ko kay Blaike. Siya kasi ang pinaka malapit eh, kaya siya nalang ang tatanungin ko. Kahit hindi naman kami ganun ka close >.<

“Yes Raine?” Sabi ni Blaike. Okay, moment of truth. Kaya mo ‘toh Raine! Aja! (Parang ano ang gagawin ko noh? Mag tatanong lang, may Aja-Aja pang nalalaman. =.=)

“Bakit ako nagpapanggap bilang girlfriend ni JB? I mean, anong reason niya?” Tanong ko sakanya. Nakita ko namang kumunot yung noo ni Blaike. Psssh. Nakalimutan ko, english speaking pala ang loko. Haaay, buhay nga naman. Sarap niyang i-untod  kay Katie! Mga inglishero’t inglishera! Dun sila manirahan sa London, wag dito sa Pilipinas! Maraming mawawalan dito ng dugo sa ilong sa kaka-english nila eh! Maawa naman sila.

“PANGGAP NA GIRLFRIEND?!” Sigaw nila Tifanny at Katie, hindi kasama si Katie. Kumunot din kasi ang noo niya eh. Magsama sila ni Blaike! Oo nga pala! Hindi ko pa kasi sinabi sakanila na panggap lang lahat eh. Sorry naman.

“Fortunately ^___^” Sabi ni Hero. Na dahilan para sumimangot si Tifanny. Hmmmmmm....

“Mamaya nalang ako mag e-explain Tifanny, Katie. Mahabang storya eh.” Sabi ko sakanila.

“Ganito kasi yun Raine, bakla kasi yung kuya ni JB na magiging taga-mana ng company nila. Namatay ito mga last year lang. Pero hindi alam ng mga magulang ni JB na si Kuya John Lucas ay bakla. Kaya kahit patay na ito, tinago pa rin ni JB ang sikreto ni Kuya John Lucas.” Sabi ni Hero. Pareho pala sila ng kuya ko--- si Kuya Jakie. Namatay din kasi siya last year. Buti nalang at nasa front seat si JB kaya hindi niya nadidinig ito. hehehe. Hindi na kasi siya kasya dito sa likuran eh. Laki kasi ng muscles eh este! Ano ba yan. (_ _)

“Pero one day, isang araw----“ pinutol ni Hero ang sasabihin ni Tristan.

“Anong ‘One day, isang araw’ ka diyan?! Tinatagalog mo lang ata pare eh!” Sigaw ni Hero.

“Hoy! Mamaya na nga kayo mag-away diyan! Binibitin niyo kami eh!” Sigaw naman ni Jane.

“Ayun nga, nakita ng mga magulang ni JB ang mga damit ni Kuya John Lucas na pambabae. Kaya tinanong nila si JB kung bakla ba si Kuya. Pero dahil hindi niya magawang ibunyag ang sikreto ng Kuya niya, sinabi niya lang na siya ang may-ari ng mga pambabaeng damit ni Kuya John Lucas. At kumalat naman sa media na bakla ‘daw’ si JB. Kaya alam ng lahat.” Paliwanag pa ni Tristan. Ahhhhh. So yun pala ang dahilan. Nagpapanggap ako bilang girlfriend ‘daw’ ni JB para tapakan yung ‘bakla issue’ niya? talino din ‘tong si JB ah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon