Chapter3

48 3 0
                                    

THIRD

Ivan's POV

Imee Larriane Ramirez. Grrrrr! Mga isang oras na ata ako naghahanap ng pangalan o profile nya pero wala talaga akong makita! Mahahagis ko na tong iPad nato sa sobrang inis ko! Teka. Maalala ko. Ano nga yung pangalan ng bestfriend ni Imee nung college sya na magkachat pa kami? Ano nga yun??? Argh. Trina? Glenda? Marina? Clarina? Ang ulyanin ko talaga. Side effects na ata to ng mga sleeping pills na iniinom ko dati. Kung hindi nyo po kasi maitatanong may insomnia ako.

Hmmm....

Zarina! Boom! Oo Zarina nga. Zarina Meyer. Wuuu! Finally! Ang talino mo talaga Ivan. Hindi ka lang gwapo. Napakatalino mo pa. Wahahaha. At bago pa ako makipag utuan sa sarili ko. Tinype ko na yung pangalan ni Zarina. At sa sobrang pagmamahal sa akin ni Lord, lumabas po ang pangalan nya. Hahahaha!

Shit. Hindi sana ako magpapakahirap ng ganito kung hindi ko binura yung dating account ko kung saan kami magkachat ni Imee. I did that because I want to forget her.

Pinindot ko agad yung profile ni Zarina.

Add as friend.

Ang kapal ng mukha ko. Hahahaha. Pero alam ko kasi na sa lahat ng tao, sya ang pinakamakakatulong sakin.

I message her.

"Ahmmmmm.... Hi! Im Ivan. If you can remember Im Imee's past MU. Ikaw yung bestfriend nya diba? I really need your help so please if you already read this kindly response immediately. Thank you! Please keep this a secret first. Wag mo muna sasabihin kay Imee. May plans kasi ako and I know na sobrang matutulungan mo ko. Thank you again."

Hindi ko alam kun saan ko hinugot yung self confidence na yun. Siguro ganto nalang talaga kapag desperado. I'll do anything to win Imee back.

Hindi ko naman talaga gusto iwanan sya noon. Mahal ko sya sobra pero natalo ako ng kahinaan ko. I chose to lose her than to fight for her. Alam ko din kasi nung mga time na yun masasaktan ko lang sya lalo kapag nagpunta na ko ng japan. Syempre mawawalan ako ng oras. Tamporista pa naman yun. Kaya pinili ko nalang saktan sya ng biglaan kaysa araw araw. Pero ngayon babawi talaga ako sakanya. Sana mahal pa nya ko.

Biglang sumulpot si Bryan galing sa lugar na hindi ko alam. Nakabihis nya ng pang alis at ako eto nakaboxer shorts lang.

"Oh dude! Saan punta?"

"Mamamakla. Sama ka?"

"Nandito naman ako maghahanap ka pa ng iba."

Humagalpak ako ng tawa. Ang sarap talaga asarin ng lalaking to.

"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo. Kinikilabutan ako sayo. Birthday ni Judy. Nagkayayaan ang tropa sa bar. Sama ka?"

"Yung ex mo? May communication pa rin pala kayo? Di maka move on?"

"Gaya mo naman ako sayo! Nandun lang ang tropa kaya pupunta ako and besides maghapon lang naman ako natulog."

"Okay. Im going." pagpuputol ko sa kadramahan ng pinsan ko.

10pm palang naman so we can party all night. Wala naman akong jetlag.

Pagdating sa bar tumungga agad ng isang bote si Bryan. Malakas sa inuman tong tukmol nito kumpara sakin. Bumabaliktad pa rin kasi ang sikmura ko sa mga hard beers. Mga light lang ang kaya ko, yung tipong aantukin lang ako.

Ang daming tao dito sa bar at ang dami ring nagsasayawan. May mga babaeng nag aayang sumayaw but Im just ignoring them. Busy ako masyado sa pag-iisip. Bored lang talaga ako kaya sumama ako dito.

My Cold Hearted Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon