Chapter8

23 1 0
                                    

A/N: Sorry for the very late UD. Nasabaw utak ko eh. Herher. Pero ginanahan ako kasi last checked ko dito 86reads lang then nung pagcheck ko ulet 115reads na. Wow! Thankyou thankyou :))) So eto na po!

EIGHT

Imee's POV

Oh my G! This is really is it is it! Kasal na talaga kami ni Ivan! Uwaaaaa! I can't believe this! My goodness. Kami pa rin pala talaga ang magkakatuluyan. After all the trials and sacrifices finally we're together na. Akala ko talaga magiging old maid na ko eh.

Haynako! Unbelievable talaga! And and yung kiss kanina? Ughhhhhhh... Kinakapa kapa ko pa din yung lips ko. Eee ayon para akong grade schl na ninakawan ng halik ng crush ko.

By the way, nandito kami sa reception ng kasal namin, actually gusto ko na talaga makompronta si Ivan pero wala pa talagang perfect timing. Atat na atat na talaga ako malaman lahat! Mausisa pa naman ako.

Kumakain pa yung mga bisita at ako naman eto hindi makakain kase shocked pa rin ako. Si Ivan naman ayun apura ang pagkamay sa mga guests and visitors. Akala mo tumatakbo sya sa barangay election. Pero seeing him, Gosh! Wala na ko mahihiling pa! Later honeymoon na namin. Saan naman kayo ako dadalhin neto. Oh my G! Maisusuko ko na talaga ang bataan! Uwaaaa. Erase erase! Ayoko muna isipin ang bagay na yun.

Umalis muna ko sa upuan na pang groom and bride. Hindi pa naman nagstart yung reception ceremony kaya mag-iikot ikot muna ako. Ang daming nagcocongratulate sakin. Para na rin tuloy akong kandidato.

Nakita ko agad si Zarina dun sa may Buffet table. Nakuuu tong babaeng to! PG talaga. Tumakbo ako papalapit sakanya.

"Sissy! Kyaaaaah! Sissy!" tili ko.

"Sissy! Ano ba! Magdahan dahan ka nga nakagown ka kaya! Wapoise!" tignan mo tong babaeng to. Makapagsabi ng wapoise eh mas wapoise nga sya dahil punong puno ng pagkain yung plato nya. Nagyakapan kami tapos tumatalon talon pa ko.

"Hoy! Matapon naman yung pagkain ko!" reklamo nya.

"Eeee sissy! Nakikita mo ba to? Waaaah look lokk kasal na talaga ako! My gawsh! Isa na talaga akong Cortez! Waaaa!" kinikilig na sabi ko habang pinapakita yung wedding ring namin.

"Oo nakikita ko! Di ako bulag. Eeee Congratulations Sissy! Akala ko talaga magmamadre ka nalang! Im so proud of you! Finally you found your match!"

"Bruha! Makakatagpo ka rin ng para sayo noh! Lalakero ka kase kaya karma mo yan! Wahahaha. Pero sissy! Nagbalik talaga si Ivan! Yieee. Ang gwapo nya talaga sissy! Kinikilig ako tapos tapos yung kiss kanina. Waaaah! Dama ko pa din grabe kinikilig talaga akooooo! Ang saya saya kooo!"

Nasasabunutan ko pa si Zarina at hinahampas hampas ko pa sya sa sobrang kilig na nararamdaman ko. And malakas na pala masyado yung boses ko kaya nakuha ko na yung atensyon nung mga tao. Pati si Ivan nakita ko nakatingin pala sakin. Hehe ^_____^v Nagpeace sign ako tapos yumuko. Nakakahiya.

Umupo kami ni sissy sa bakanteng table tapos nagchikahan habang kumakain sya. Nang maalala ko hindi ko pa ng pala napupuntahan ang pamilya ko. Shonga ko talaga so iniwan ko muna si Zarina tapos naghanap then ayun natagpuan ko sila sa corner. Naggroup hug kami tapos masayang masaya kaming lahat. And lahat sila sinasabing ang gwapo ng asawa ko. I know I know.

Nakita ko din yung mga dating classmates ko, friends and yung mga katrabaho ko. Bumalik nanaman ako sa pagiging hyper ko. Knowing na nakagown pa ko ng kay haba. Eee kase naman kinikilig talaga ako and ang umaapaw talaga kaligayahan ko. Bumalik ba naman sayo yung taong pinakamamahal mo. Sus! HEAVEN!

Nag ikot ikot pa ko at nagpatuloy sa pagkakalat ng lagim. Mwahaha~ Then suddenly may kumalabit sakin. Natameme pa ko pag harap ko.

"Oh mylove!"

My Cold Hearted Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon