Ashley’s POV
May pupuntahan daw kami? Naku baka tanungin ako nito ng kunga anu-ano mamaya.. haaay alam na kaya niyang sa ibang school ako nag take ng entrance exam? Sana nman hindi pa.. kinakabahan talaga ako..
“Sa-sa-saan tayo pupunta Marc?”
“kahit saan, Tara! :)” then he smiled at me ^_^
“Ok :)” smile nalang din ako. Sana talaga mali ang hinala ko.
Nakasakay na kami, tapos huminto ito sa may entrance ng Park. Sanctuary naming to ni Marco, kapag walang pasok madalas kaming pumunta ditto para tumambay lang.. hehe sariwa din kasi yung hangin tapos maraming puno :)
“we’re here :)” ani niya
“akala ko naman kung saan mo ako dadalhin? Akala ko papakainin mo ako sa isang mamahaling restaurant. Gutom na kaya ako *pouts* “
“ayun oh!” sabay may itinuro siya
“Mang Tonyo!!!!” unahan kaming tumakbo ni Marco papunta sa nagtitinda ng Fishball sa may park.
“oh mga bata dahan dahan lang” –Mang Tonyo
“Siya lang po ang bata.” Sabi ni marco sabay turo sa akin “Ako po binata na at gwapo pa.”
Sarap talagang sapakin ng unggoy na ‘to, yabang much “naku Mang Tonyo huwag po kayong makikinig sa mokong na yan. Isang order na nga lang po niyang fishball at nagugutom na ako.”
“bakit isa lang? >.< gawin niyo na pong tatlo Mang Tonyo”
“naku mga batang ito talaga, pagkakukulit parin sige mag-antay lang kayo diyan saglit lamang ito.” Nag’smile lang kami ni marco sa kanya.
“Namisshdjsdmdjhcdkjc”
“ha? Ano?” NAMISS niya daw ako???? may sinabi siya pero hindi ko narinig masyado, may dumaan kasing truck kaya umingay.
“sabi ko namiss ko to, itong lugar na to”

BINABASA MO ANG
What's Love If There's No Pain? (on going / SLOW UPDATE)
Short StoryHUWAG KANG MAG-MAHAL KUNG HINDI KA HANDANG MASAKTAN Dahil kakambal ng pagmamahal ang sakit. At kahit anong gawin mong pagtakas, hindi mo yan matatakasan kasi parte yan ng buhay ng isang tao.