“Ma?” kinakabahan ako…
“oh bakit?”
“kasi po, naisip ko na kung saan ako mag college” with smiling face pa :)
“college? Nga pala, start na yung entrance exam dun sa **** University. Sa Monday pwedi ka nang mag-take, prepare mo na yung requirements mo.”
(iba yung school na sinasabi ni mama sa school na gusto naming pag-aralan ni Marco) ganito mukha ko nang marinig ko yun... O_O
“pero ma :( ”
“wala nang pero pero, dun ka mag-aaral. May Business Administration naman dun, yun gusto mo diba?”
“Opo pero ma, balak ko po sana na, dun mag-aral sa school na pag-aaralan ni Marco, nagkasundo po kasi kami na hindi maghihiwalay ng college eh. ”
“Ash, naiintindihan ko naman na ayaw mong malayo sa bestfriend mo, pero sana naiintindihan mo din ang sitwasyon natin ngayon.”
“Ok po ma” (sad face) :)
“minsan dumarating talaga sa buhay natin yung pagkakataong kailangan nating isakripisyo ang ating kaligayahan para din sa ikabubuti ng buhay natin. Mabuti nadin yun Ash.”
“mabuti? Yung alin po ma?”
“yung magkahiwalay muna kayo, kasi konting-konti nalang magiging magkamukha na kayo ni Marco”
Natawa ako sa sinabi ni mama.. XD
“Ma naman eh, layo-layo nalang ng mukha namin eh..”
“ito seryoso ash, mabuti nang maghiwalay muna kayo. para masubukan yung pagkakaibigan niyo at kung hanggang saan ang tatag niyang tinatawag ninyong ‘pagkakaibigan’, at para nadin mabigyan mo ng pansin yang sarili mo. Hindi yung halos lahat ng atensyon mo nasa kanya nalang lagi. ”
Ang daming napapansin ni mudra, pero sabagay may point naman siya. Akalain mo yun may sense din naman pala kausap itong mudrabells ko… XD
“Sige po ma, pasok na ako sa kwarto”
“Yung requirements ah, wag mong kalimutan kundi malilintikan ka sakin”
“Opo ma, good night” *sigh*
*pumasok na ako sa kwarto at naghanda para matulog. Pagkahiga ko sa kama, natagalan pa bago ako makatulog. Di ko padinkasi alam kuna papaano sasabihin kay marco..*
_________________________________________________________________
SUNDAY EVENING
Hindi pumayag ang mama ko na doon mag-aral sa University na gusto ni Marc. Private kasi yun, at mahal ang bayad dun, hindi naman kasi kami mayaman eh. Single mom ang mama ko at ang kinikita niya sa pagiging saleslady , ay sapat lamang sa aming dalawa. Kaya hindi nalang ako nagpumilit, mahirap na din kasi baka kami pa ang mag-away ni mama. Nagkasundo na kami ni mama na sa public school ako papasok, naiintindihan ko naman si mama ko na di niya akong pag-aralin sa private school.
Yung tanging problema ko nalang ay kung paano sasabihin kay Marc na hindi ako pinayagan.. hays..
“Nicky? Maiintindihan naman siguro ako ni Marc diba?” para akong baliw kinakausap ko si Nicky, teddy bear ko.. haha
*kringgggggg!....*
*Marco…. calling*
Kinabahan tuloy ako bigla. Anong bang gagawin ko?? sasagutin? hindi sasagutin? sasagutin? hindi sasagutin? sasagutin? hindi sasagutin?
BINABASA MO ANG
What's Love If There's No Pain? (on going / SLOW UPDATE)
Historia CortaHUWAG KANG MAG-MAHAL KUNG HINDI KA HANDANG MASAKTAN Dahil kakambal ng pagmamahal ang sakit. At kahit anong gawin mong pagtakas, hindi mo yan matatakasan kasi parte yan ng buhay ng isang tao.