Prologue

317 16 16
                                    

Prologue

"Why do you have to be so poor?!"

Hindi siya makapaniwala sa mga narinig na salita mula sa pinakamamahal na girlfriend. Ni minsan ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na hadlang ang estado nila sa buhay. Oo at mahirap lang siya pero nagsisikap naman siya at pinagbubuti ang pag-aaral para naman hindi habangbuhay na siya ay mahirap. Gusto niyang dumating ang araw na maibigay niya lahat para kay Kate. He wanted to give her the world. Pero mangyayari lang iyon kapag nagging successful na siya.

Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ng dalaga. Kahit alam niyang totoo naman ay masakit parin. Iba talaga pag nanggaling na sa taong mahal mo.

"Parati nalang akong pinagtatawanan ng mga kaibigan ko. Ni hindi kita maipakilala sa parents ko because I know that they will not like you. My friends would often brag about the things they receive from their boyfriends, expensive things! Samantalang ano palang ang naibigay mo sa akin? Yung lecheng bracelet na nabili mo lang sa gilid gilid?"

Nahigit niya ang kanyang hininga. Hindi niya naisip na ganon pala ang tingin nito sa regalong ibinigay niya. Napatingin nalang niya sa lupa at sa kanyang lumang sapatos. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Para yatang naninikip ang kanyang dibdib. Hindi pala nito na-appreciate ang bracelet na siya mismo ang gumawa. Oo at gawa lang ito sa mumurahing material, pero pinagpuyatan at pinaghirapan niyang gawin iyon.

"Kate..." Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Should he say sorry? But what for? Hindi naman niya kasalanan na naging mahirap lang sila. Nagiwas siya ng tingin. Ang parke kung nasaan sila ngayon ay napakaespesyal para sa kanya. Dito kasi niya unang nakita ang dalaga and sa parehong lugar din niya nakuha ang 'oo' nito. Pero mukhang magkakaroon pa ata ng panibagong kahulugan ang lugar para sa kanya.

"Ano?! Fuckshit!" She cursed. "Hindi na dapat ako nagtyaga sayo. Ayoko na Seb, tapusin na natin to."

Pagkasabi ng dalaga ng ilang katagang nagpaguho sa mundo niya ay mabilis itong umalis. Parang hindi naman siya makagalaw. Hindi parin rumerihistro sa kanya na nagawa siyng iwanan nito ng ganun ganun nalang. Kumurap lang siya ng ilang beses. Hindi siya makapaniwala. Parang kahapon lang ay napakasaya pa nila. They were talking about the future. Pero ngayon ay kailangan na niyang harapin ang buhay ng wala ang babaeng pinakamamahal niya.

Isa isang pumatak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. He gave her his all. Sa tingin niya ay hindi naman siya nagkulang ng pagmamahal sa kanya. He's loyal and caring enough. Mahal na mahal niya ito.

Pero tama nga yata ang sabi nila. Love is not enough and it will never be.

 Love is not enough and it will never be

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Billionaire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon