Chapter Five
I woke up feeling heavy. Parang may nakadagan sa akin na hindi ko alam. Pero dahil nakakaramdam ako ng ginaw ay isiniksik ko ang sarili ko sa kung saan, mainit. The warmth I'm feeling feels like home. I sighed as I snuggled closer to that warm pillow---.
Bigla akong napabangon ng maalala ko ang lahat ng nagyari nung nagdaang gabi. I was about to scream when I saw someone beside me but I immediately regain my composure. Damn it, magkatabi kaming natulog ni Etienne. Pero paano?
Yeah right. Nangawit ako sa posisyon namin kaya tumabi na ako sa kanya. Great. Para-paraan lang naman talaga Kate.
Inunti unti kong tinanggal yung kamay niya sa bewang ko. Medyo kinilig ako at gusto ko pa sanang ganun muna yung posisyon namin pero baka mamaya mabilisan siya sa mga nagaganap. Well, alam nyo naman. Sa sungit ni Etienne, baka mabeast mode iyon sa akin.
Bago ako tuluyang bumagon ay chineck ko muna kung may lagnat pa ba siya. I smiled wide when his temperature's normal already.
Pagkatapos kong maghilamos ay tulog parin siya. Dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng almusal. It's already 8 in the morning. Medyo tanghali na rin pala. Habang nagtitimpla ng kape ay iniisip ko kung anong nangyari kay Etienne. Pero kahit gaano pa ako nacurious sa kung anong kwento ng buhay niya, alam kong kaya kong maghintay sa kung kailan siya ready na magkwento.
Alam mo yung feeling na parang may nakatingin sayo? Yun yung nafeel ko kaya ako napaangat ng tingin. Then I saw him staring at me. "Coffee?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti. "Lika na, kain tayo. Hindi ako marunong magluto kaya toasted bread and jam nalang ha!" Dagdag ko pa. Natuwa ako dahil umupo siya sa tapat ko.
Then there goes the long silence. Parang buong duration ata ng almusal wala nagkikibuan sa amin. Sabihin na nating pareho kaming nagpapakiramdaman.
"Just ask." Rinig kong sabi niya. Sa gulat ko halos hindi ko nalunok yung toast na kinakain ko. Medyo napahiya pa ako. Ganon kaobvious na madami akong tanong? "Ahmm... Ano, okay lang naman kahit hindi muna ako magtanong. I'll just wait till you're ready." Sabi ko sa kanya tapos tinitigan ko na yung toasted bread ko na may strawberry jam.
He just sighed. "Do you know the reason why Kate broke up with me?" Napaangat naman ako ng tingin. Napailing ako. Hindi ko nga kasi alam. And honestly, I think that Kate is freaking stupid for breaking up with him. Antanga lang kasi eh.
"She broke up with me because I'm poor---."
Muntik ko ng mabitawan yung toasted bread na hawak ko. "Because you're what?" Hindi ko matanggap! Anong klaseng reasoning iyon? Anong utak meron ang babaeng iyon?! Paki-explain please!
"Totoo naman kasi. Kaya rin nakita mo ako sa park kagabi na halos mamatay na sa lamig. Pinalayas ako sa inuupahan kong apartment. May gustong bumili raw nung unit na handang magbayad ng malaki. Kaya kahit na may nangungupahan, sige lang."
I gasped. Ganon pala. Nakakainis. "I'm pretty sure pakana nung ex mo iyon!" Ni utak ipis ata wala siya eh! Anlakas ko lang magbintang no, pero who knows right?!
Ngumiti lang siya ng tipid. "Please Etienne, let me help you." Sabi ko. Medyo nagulat din ako sa sarili ko pero wala ng atrasan. "I know na baka iniisip mo na naman na naaawa ako sayo... Pero sana pag-isipan mo. In two months time, you'll graduate already. Pwede kitang ipakilala kay dad. And if he agreed, he can train you." My dad's been asking me to manage our business. Napaoo lang ako kasi napilitan ako. But I think investing on Etienne's ability won't hurt. Isa pa, matalino si Etienne. No doubt about that.
"Hindi ganon kadali iyon... I wanted to succeed on my own."
"But how do you plan to do that Etienne? We both know that in this industry, money and connection matters. Pag-isipan mo muna."
He just stared at me blankly. Na para bang imposible yung sinasabi ko.
But I hope that he change his mind.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret
Romance"I'll make her running back to me." Credit for @sobertrust for making the banner. Thank you so much!