Kinonsult ko muna si Maridel my labs xD
Pareho niya kasi kaming friend kaya baka matulungan niya talaga ako.
Malay niyo naman diba?
Baka siya pa ang makaresolba ng problema kong ito.
Hindi natin masasabi, kung hindi ko siya kakausapin!
Pero sana nga, matulungan niya na ako,
Para naman hindi na ako nkumonsulta pa sa iba ^^
Kinaumagahan, pinuntahan ko si Maridel sa Upuan niya.
Katapat lang naman ng upuan ko yung kaniya, kaya ayun.
Since alam na niya ang nararamdaman ko for Joy,
Wala na akong kahirap-hirap para i-explain pa sa kaniya
Yehey! Salamat naman.
At kinuda ko na nga talaga siya.
“ui! Usap naman tayo. Dali na.”
“Bakit? Tsaka tungkol saan?”
“Duon sa, alam mo na, yung ano??!”
“Alin ba yun?”
“Basta alam mo nay un eh!”
“Ha? Hindi nga eh, ano ba kasi yun?”
“Yung tungkol kay Joy.”
“Ah! Yung crush mo siya?”
“Shhhh! Wag ka maingay! Gagita ka talaga!”
“Hahaha! Sorry naman! Ikaw naman kasi, ayaw mo pa ideretso.”
“Ganun talaga, mahirap na no?!”
“Oo na, oh bakit ba?”
“Nalilito na kasi ako eh.”
“Nalilito? Saan naman?”
“Hindi ko kasi alam kuna aaminin ko nab a ito sa kaniya, o wag nalang muna?!”
“Ah, Alam mo, sa tingin ko, dapat itigil mo nalang iyang ituloy.”
“Ha?! Bakit naman? Hindi naman yun pwede. Mahal ko siya.”
“Hindi rin naman magiging kayo eh! Kahit ano pang mangyari.”
“Alam mo, may point ka rin.”
“Oh? Diba? Siyempre magkakabarkada tayo, dapat walang talu-talo.
“Ganun? Sige. Salamat ah?”
“Wala yun J”
Ewan ko sayo MARIDEL! LELANG MO PANOT!
Imbes na maresolba mo yung problema ko, pinalala mo pa yata!
Letsugas, mas nalito pa ako eh?!
Its true talaga naNOT ALL FRIENDS CAN HELP YOU ALL THE TIME!
Kase SOMETIMES, THEY’RE JUST MAKING THE SITUATION WORST!
Nakakaimbyerna, pero siguro nasabi lang ni Maridel yun kasi wala pa siyang karanasan sa LOVE.
Haist! Hindi ko pa alam ang gagawin ko.
Hindi naman kasi di-Remote Control ang puso ko,
Na pwedeng i-stop kapag gusto lang.
May sariling sirkulasyon ng pakiramdam ang damdamin ko.
At hindi Adobe Photoshop ang puso ko na kayang ma-edit ang nararamdaman nito.

BINABASA MO ANG
Uncommon Love Story
Teen FictionCrazy love story of A girl and an unusual creature. unusual kasi bihira lang siya mainlove sa isang girl :) Enjoy :)