1

61 1 1
                                    

Sa aking irog na di ko maabot,

Isa lamang ako sa mga babaeng walang humpay na tumitili para sayo. Kasama rin ako sa mga babaeng nahuhumaling sa nagmumura mong abs at sa mga babaeng naglalagay ng love letter sa locker mo. Pero unang beses kong gumamit ng g-tech ballpen para sa liham ko sayo. Naisip ko kasi, baka kaya hindi mo napapansin ang sulat ko dahil sa pangit ang penmanship ko. Kaya naisip kong gamitin ang ballpen ko na ginagamit ko lamang sa projects at reports ko. Espesyal kumbaga. Parang ikaw lang. Kasing importante ka ng kinabukasan ko. Kasi ikaw ang inspirasyon ko sa bawat pangarap ko. Pero ang dulas mo. Para kang hito na sobrang gwapo. Hanggang ngayon di kita maabot. Iniisip ko na lang na isa kang kulangot sa ilong ni kingkong, mahirap mang sungkitin, ngunit maaabot rin. Medyo humaba ata ang liham ko sayo irog. Sige, hanggang dito na lang.


Nagmamahal,
Magda.



PS: Si King Kong ay alaga naming aso. Kinukulangutan ko yun, tuwing naalala kita. Medyo hawig kasi kayo. Last na talaga to. Pwamis. Ingat ka.





Love,
Lena.

Dear IrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon