Epilogue

13 1 0
                                    

Epilogue

Everyone has their fair share of lucky chances and opportunities. The trick is, you have to grab it at the right time and savor it until it last.
-MPO

Magda's POV

Hindi ko alam kung anong kakaiba ngayong araw. Basta ang alam ko lang ay maganda ako at walang nakakaalam. 

Christmas party ng school at sobrang dami ng tao sa hallway. Ala una pa magsa start pero ngayon pa lang napakadami na nila, gayong quarter to 12 pa lang naman.

Medyo masakit pa naman ang tiyan ko at pilit kong pinatatahimik ang utot ko. Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Tumataas na rin ang balahibo ko sa braso. Ngunit sadyang napakahirap.

Pumunta lang naman sana ako dito para makita ka Irog.

Pero nasaan ka na ba? Malamang kasama mo yung girlfriend mong adik sa abs at kumakain ng grass.

Pati bully mong mga kabarkada hindi ko masulyapan.

Ayun. May CR na. Malapit sa may bulletin board. Tumatakbo na halos ako para umabot ako sa patutunguhan.

Pero hanep ang tadhana, dahil dun kita nakita.

Sa may bulletin board.

Topless at binabalandra ang abs habang may dalang banner na may nakasulat na..

"Magda, LET'S MEET, OKAY?"

Sumisigaw ka din at sinasabing, "Limited time lang 'to Magdalena Mandirigma. Aantayin kita sa may locker ko. Hanggang 12 noon lang. Hindi pa kasi ako nananghalian eh."

Kinilig ako ng slight ngunit gustuhin ko mang magpakilala agad kailangan kong unahin ang tunay kong nararamdaman.

Sa huling paglabas ng hangin sa aking ibaba ay siyang pagtakbo ko patungo sa CR.

Patawad Irogen Peter O. Nano.

I think I'm gonna pass this one and take care of my self first.

Dahil alam kong hindi na ako aabot. Laging ganun pero bakit ang pangit ng timing?

Sa pagpatak ng tubig galing sa nakabukas na lababo ay siyang pagluha ko para sa tsansang makilala mo ako at makilala kita.

Sa aking Irog na di ko maabot, paalam.

Dear IrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon