*****
Masarap daw magmahal, yung tipong may nag aalaga sayo, may nagsasabi na "ingat ka palagi." May nagpaparamdam na mahalaga ka. May nagsasabi na Mahal na mahal ka niya. Yung tipong magkasama na kayo buong araw tapos sasabihin nyo pa "ang bilis naman ng oras." Yung kapag hindi kayo nagkita ng isang araw pakiramdam mo "ang tagal ng oras." Yung may naglalambing kapag galit o pagod ka. May kasama kang kakain sa fast foods. May kaholding hands ka at tipong pag may nakatingin sainyo pero wala kayong pakialam. Naaalibadbaran ka sa mga nagsasabing "Walang poreber" kasi pakiramdam mo siya na yung "the one."
Ako si Meg, at ganyan na ganyan ako nung mga panahong Mahal ko pa siya at Mahal niya pa ako. I did everything for Him. I trusted Him. I owe Him a lot. Sa first 5 months namin sobrang sweet namin. Tipong 1am na magkatext pa rin kami. Tapos pag sasabihin niyang mahal niya ako, laging hindi lang sampung beses mauulit yung word na "mahal na mahal" atsaka niya isusunod yung "kita." Lahat ng ginagawa niya sinasabi niya saakin though I'm not asking. He treated me like a Princess and I treated Him like my own husband. Sobrang effort niya. Pinakilala niya ako sa lahat. Lagi niyang sinasabi na "I want to spend the rest of my life with you." Pero noon lang yun, nung first five months namin.
On our 6th monthsary, we broke up. Nung kinantahan niya kasi ako nung kasal nung Pastor nila, nakita niya akong busy sa cellphone ko. Katext ko yung kaibigan ko and that is because it was so important, so i have to text Him back. Na misinterpret niya yun. Kinakahiya ko raw siya. Hindi ko raw siya kayang ipagmalaki. Hinayaan ko yun kasi akala ko kaya ko dahil 6 months palang kami, but NO! I was so wrong. Hindi ko pala kaya. Mahal ko pala talaga siya. Nasanay ako na lagi siyang katext at kausap. The next day maaga kami pumasok sa school, siguro 6:30am nandun na kami. Nag usap kami. Nakipagbalikan ako and in the end naging kami ulit. Naging normal nanaman ang lahat hanggang sa nag first anniversary kami. Naging okay kami pero yung relationship namin? It was so cold. Dumating sa point na wag daw muna ako magtext kasi nasa byahe siya but the fact is, katext niya yung crush niya. Nakakakita na rin ako ng mga stolen shots nung babae. Ou, masakit but I didn't blame that girl. I chose to be nice with her despite of that. I tried to be one of her friends and yes, we became friends. Nakita ko yung differences namin. Maganda siya, maputi at mabait. Dumating din sa point na lumalabas siya kasama yun at lahat ng kaibigan nila ng wala akong alam. I mean oky lang yun pero sana diba sinabi para hindi ako mukhang tanga na naghihintay ng text niya habang siya, nagpapakasaya kasama yung crush niya. Nagagawa na rin niya magsinungaling sa'kin. Yung busy daw siya sakanila pero yun pala ay nagpupunta siya sa girl. And that's okey. Tiniis ko yun, kinakaya ko yun kasi mas hindi ko kaya na maghiwalay kami.
One day, nagpalit kami ng cellphone. Katext ko siya at ang sweet niya pa. Nung hindi ko na siya katext, tiningnan ko yung inbox niya at ayun, nag appear yung name nung kaklase niya. Binasa ko kasi nga na curious ako. Nashock ako sa nabasa ko. Tipong yung luha ko, tuloy tuloy sa pag agos. Sabi dun sa nabasa ko. "Mahal na mahal ko siya pero kapag binreak ko yung girlfriend ko, baka wala akong mapala." Para akong sinaksak sa puso ng 'sangdaang beses. Peste siya. Manloloko! Panakip butas lang pala ako. Umiyak ako ng umiyak. Kinabukasan nagkita kami. Makikipagbreak sana ako pero hindi ko kaya. Nagalit ako sakanya pero mahal ko pala talaga siya. Ginawa ko kasi lahat eh. Nililibre ko siya pag kakain kami. Binibigyan ng regalo, ako pa sagot sa mga pamasahe namin. Hindi ako mayaman pero nagagawa ko yan dahil I sacrificed my allowance. Ang masakit dun, siya pa nakipagbreak. Tapos ang tanga ko kasi ako nanaman nakipagbalikan. Laging ganun, kasalanan ko man o hindi, ako ang nagsosorry, ang naglalambing. Sanay na ako sa ganun.
Dumating yung birthday niya, kahit masakit lahat, katangahan man ang maituturing na halos masagasaan na ako dahil hinabol ko siya sa bus para lang magkabalikan kami ay wala akong Paki. Tawagin niyo na akong "STUPID, PATHETIC, BOBO, MARTYR" or whatsoever ay walang akong paki dahil ang mahalaga lang saakin ay MAHAL KO SIYA. So yun nga, birthday niya ay sinurprise ko siya. Bumili ako ng cake na goldilocks, palabok yung siguro pang sampung tao or seven with matching confetti pa at gift na shoes. Kahit 2 hours ang byahe papunta dun ay ginawa ko yan kasi gusto ko kapag birthday nya ay maalala niya yun.
Months after, nag punta ako sakanila, pero nag away lang ulit kami. Nakakainis lang kasi magkausap kami habang may katext siya. Pinaghintay niya ako ng matagal sa kalsada habang namemeeting daw sila, yun pala kasama niya yung iba nanamang girl na crush niya rin. Sabi pa niya, yung phone ko na nasa kanya ang ginagamit niya kasi yung phone niya ay nasa family niya. Pero ang totoo ay na kay ANNA, yung katext at gusto raw niya. Pero okay lang. Tinanggap ko para lang wag kami magbreak.
Ilang months nanaman ang lumipas, nag 2nd anniversary kami ng ganun pa rin, yung walang pagbabago. Puro away at pagtatalo. Nililibre ko siya, manunuod ng sine, binibilhan ng polo, ng damit at ng kung anu ano pa. Parang niloloko ko lang sarili ko. All to make Him feel that I love Him. Pero nagkamali ako hindi pala sukatan ang material things para mahalin niya rin ako. Dumating na rin sa point na sinaktan niya ako physically. Sa harap ng maraming tao. Sabi niya pa "wag ka sumabay saakin, ang pangit mo." (Nakakahiya sakanya, angpogi niya eh.)Tinulak niya ako, hinila, hinagisan ng batcha, halos ingudngod niya ako. And despite of that, isang sorry nya lang, TANGA nanaman ako. Mahal ko nanaman siya. Baliw nanaman ako. Bobo nanaman ako. Naging okey nanaman kami. Then time comes, pinangungunahan niya na ako, "magmake up" daw ako. Hinayaan ko siya. Sumasama ulit ako sakanya, kakain sa sea front, magtake out ng KFC and Jollibee tapos ako magbabayad. Pinahiraman ko rin siya ng 4,000 yung pang enroll ko para maayos niya yung paper niya. May One sem akong hindi pinasukan kasi nagpupunta ako sakanya para makasama siya. Sinuway ko magulang ko. Niloko ko magulang ko. Masyado ko siyang minahal. Umikot sakanya buhay ko, pero okay lang. Masaya ako sa ginagawa ko kasi Mahal ko siya. Then one day, hindi siya nagparamdam. Ang sakit sakit nun. I tried to contact his mother, father, and sisters. Pero wala. Para bang tintaguan niya ako. Natakot ako kasi baka hindi ko kayanin. Paano ako gigising ng wala ang text niya? Pero kahit ganun, tiniis ko yung sakit. Kahit sinabi niya nung first five months namin, totoong minahal niya ako, but the rest, kasinungalingan lang. Umiyak ako pero one time lang yun. Hindi na naulit kasi i know that He don't deserve my tears, effort and love. And then I realized, kasalanan ko rin because I didn't trust Him. Nasira ako sa mga kaibigan namin. Wala raw akong tiwala, sinasakal ko raw siya. Napaka obsess ko raw. Pero oky lang. Nobody knows the truth. Saaming dalawa ako yung mas kawawa pero okay lang. Pinagtatanggol ko siya sa lahat kasi ayaw ko na masira siya. Kahit masakit na ni minsan hindi niya ako pinagtanggol. Ou, nawala yung tiwala ko sakanya. Nasira, pero kasalanan ko ba talaga na Hindi siya pagkatiwalaan? Kung una palang binigyan niya na ako ng rason na wag magtiwala? Paano ako magtitiwala kung hindi ko alam kung paano siya pagkakatiwalaan? Minahal ko siya, tinanggap at inintindi ko lahat ng ginawa niyang masakit saakin. Isn't that enough? Narealize ko, it was so over. At hanggang ngayon, i have no idea kung bakit hindi siya nagparamdam. Iniwan niya akong nakahang. Pero okey lang and i am so happy with the result, i am better now. I learned to love myself first. I deserve the best. Yung ituturing akong tao, hindi laruan na paglalaruan kung kailan niya gusto. Hindi ko 'yon pinagsisihan kasi it makes me a better person. And I admit na everytime na maalala ko, gusto ko pa rin malaman lahat. Hindi dahil mahal ko pa siya o affected ako kundi para malaman ko kung ... SAAN AKO NAGKULANG.
"Don't forget the past just accept the past."
"May aral sa nakaraan.""Hindi lahat ng mamahalin natin ay pasasayahin tayo, yung iba dumaan lang para patatagin tayo. To make us realize that we deserve the BEST!"
![](https://img.wattpad.com/cover/78076364-288-k269204.jpg)
YOU ARE READING
Saan Ako Nagkulang?
RomanceKahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating din ang time na maiisip at masasabi mo sa sarili mo "it's time to give up" hindi dahil sa hindi mo na siya mahal o pagod kana kundi dahil sa pagod ka ng umasa sa taong hindi ka kayang pahalagahan.