Hello. Dahil di pa ako masyado makakapagupdate ng mga iba ko pang stories, pinost ko na lang dito yung HW ko sa Filipino. Tungkol sana dapat to sa diskriminasyon, pero di ko matiis na medyo gawing romantic comedy yung feel ng story ko. Sana maenjoy niyo at sana mataas ang ibigay na grade ni Mam.
Dating title nito yung Big Love Story, pero pinalitan ko kasi trip ko.
VOTE! LIKE! SHARE!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOPELESS
“Gaano ka pa kataba at kapanget sa mata ng iba, you’re beautiful in my eyes. So, pwede ka bang maging akin? Pwede ba akong mapasaiyo?” sabi ng ultimate crush ko na si Jeff. Grabe naman ng kilig ko, as nag-iinit na ako mula ulo hanggang paa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagcoconfess ngayon sa harapan ng buong student body ang hottest guy sa buong campus sa akin, na bonggang-bongga sa taba. Ganito kasi ang nangyari…
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Anganda pala ng tanawin dito sa school garden. Ansarap ng simoy ng hangin, nakakatanggal stress. Mabango ang mga bulaklak sa likod ko at di ako masyado naaarawan dahil sa coconut tree sa tabi ko. Can this day get any better?
“Teddy Bear, nandito na ako. Pinaghandaan kita ng lunch,” may narinig akong nagsalita sa likod ko. Pagkatalikod ko…
O.O
…nakita ko si Jeffrey nakangiti sa akin. Grabeeeeee, nakakatunaw yung smile niya!
“Handa ka na bang kumain?” bigla niyang tanong. Nagtaka ako kung sino yung tinatanong niya. Tingin sa kaliwa… Tingin sa kanan…Tingin sa likod… Tingin sa harap…
O.O
…Grabe, anganda ng mga mata niya. Parang yelo yung mga mata niya. Medyo blondie siya kasi from Canada siya. WAIT LANG? AKO BA YUNG TINATANONG NIYA?!?!
“Teddy bear, okay ka lang?” tanong niya sa akin with his Canadian accent.
“Okay lang ako. Kain na tayo gutom na gutom na rin naman ako e,” sabi ko kanya with matching patagong kilig. Di ko alam kung bakit nangyayari to pero masayang-masaya talaga ako.
*tock*
“Aray!” may malakas na something na bumagsak sa ulo ko. “Sa’n kaya yun galing?” Tumingin ako sa taas tapos…
*iiiiiiiiiiiieeeeeeeeeoooooouuuuuwwwwwwwwww*
*BOOOOOOGGGGGGSSSSSHHHHHH*
“Arayyyyyyyy,” bumagsak na pala ako sa kama, head first. Sobrang sakit ng bagsak ko. T_T
Tumingin ako sa orasan ko sa may ibabaw ng table. 6:55 AM. 6:56 AM. 6:57 AM. 6:57 AM. 6:58 AM. 6:59 AM…
o.O
“6:59 AM NA PALA!?!? Malelate na ako!” sigaw ko at kaya nag-ala-ninja ako sa bagbibihis. Nag-*wooooshhhh* dito, nag-*woooossshhh* doon, then diretso na akong pumuntang school.
Ako nga pala si Hillary Clinton. Joke! Ako si Hillary Dominguez, 2nd Year student. Medyo chubby ako kasi mahilig ako kumain, di lang obvious ngayon kasi di ako nagbreakfast. Ako ang simbolo ng Dalagang Filipina kapag naiwan sa kusina. XDD
![](https://img.wattpad.com/cover/790580-288-k4dfb4a.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopeless (One Shot)
Short Story[TAGALOG] Sino ang nagsabi na hindi pwedeng magkaLOVELIFE ang mga matataba? Si Hillary Dominguez ay may crush sa Canadian na si Jeff. Matutuloy ka ang love story na gusto ni Hillary na mangyari kahit mataba siya?