4: Hi, I'm Diane ^_^

45 1 0
                                    

Sa School

~

Diane's POV

"oi, Stephen anung ginagawa mo sa bag ko??!"

0o0

"ah eh, ah.."

"anu na??kapag may nawala dyan lagot ka talaga sakin.."

"ah eh, wala akala ko kasi dito tinabi nila Jerry yung cellphone ko e. pinagtitripan nanaman nila ko e kaasar na talaga sila."

"ako na nga lang hahanap."

Habang hinahanap ko ang cellphone ni Stephen sa bag ko, pansin ko lang a nakatingin siya sakin. Kita ko sa rads ko..kaya gumilid ako, patalikod sa kaniya. feeling ko ang awkward e..

 "wala naman e." sabi ko kay Stephen.

"a....wala ba?....sorry ulit, uhhmmm ge.....alis na ko punta ko kila Norman." sabi ni Stephen

 "sige, basta kapag may nawala dito, ikaw padin sisisihin ko a..joke!!" biro ko sa kaniya, sabay smile baka kasi akala niya galit ako e.

"cute mo magsmile, sige na punta na ko dun." sabi ni Stephen sabay smile ^^

~

maya-maya may nakita akong letter, sa bag saka ehem- heart, at 10 pictures ko (nakawallet size)

huh?

inopen ko yung letter...

        ganda.

maganda ka, maputi, matalino, friendly, at cool sa klase. Eto ko isang lalaking nangangarap na maging isang photographer. Okay ba ang mga kuha ko syo. Ikaw ang maganda pang sample na model sa pagpasa ko ng pics. namin sa mentor ko. Sabi kasi ng mentor namin, picturan daw namin ang mga bagay na nakakapag impress samin. eh hindi naman bagay ang nakakapag impress sakin palagi e. tao siya. Kaya ikaw...

Pinasa ko sa mentor ko ang mga pics na kuha ko. At ako ang napili niyang maging assistant photographer niya sa mga raket na gagawin niya sa mga commercials. Sorry kung di ko muna hiningi ang permission mo a. And thanks sa mga pics na kuha ko sayo. Dahil sayo kaya ako natanggap sa- well trabaho na din. ^^

leov-uy,I )))

ano ibig sabihin non'?? basta ayoko ng ibang meaning.

~

hi, ako si Diane, dito ako nag aaral sa Mera School.3rd year lang ako. sabi ng iba Geek daw ako sa klase, well friendly ako at kapag masaya ako nakikita sa itsura ko na masaya ko naturally, walang halong kaplastikan. maganda ako charot!! ^^ maayos lang sa sarili, and I always want to be in honors. kahit na madami akong magugulong kaibigan na walang naidudulot na maganda sa akin, pinagbubutihan ko pa din ang pag aaral ko no..

~

may boyfriend na ko?

actually wala pa, pero may mga nanliligaw sakin na mga guys na hindi ko sinasagot: una, dahil ayaw ng parents ko, at pangalawa naman ay halatang nagpapakitang tao lang sila sa umpisa. gusto ko, friends muna at gusto ko ako unang makakapansin sa kaniya ng mga ideal ko, pero doesn't mean naman na ako yung manliligaw a. syempre kung ayaw niya sakin edi ayaw, it might be easy for me to move on. sabi kasi ng mga classmates ko ang dali ko daw makalimot sa mga bagay bagay at ibang promises namin sa isa't isa.

~

bakit ba ideal man ang dinedescribe ko ai, ayoko na nga..

~

recess time.

"Diane!!!"

"ui, anu ba yun Rachelle, ang lakas ng boses mo. Marinig ka ng teachers dyan damay mo pa ko sa pagsaway sa ingay mo"

"si BIEBER!!!"

"anu nanaman ba tungkol dyan sa Bieber mo?"

"mag coconcert siya dito sa Pilipinas, hala!! pag iipunan ko talaga yan..."

~

SI Rachelle nga pala, bestfriend ko. nakalimutan ko na kung panu ko siya naging bestfriend e..basta dahil yun sa kaingayan niya.

maganda si Rachelle, as in maganda naman talaga siya madami ngang nanliligaw sa kaniya e. pero di lang siya maganda physically, MENTALLY din..yung kahit di niya alam yung ginagawa niyang mali kahit anung clue ang ibigay namin sa kaniya, di pa din niya magegets. yung kahit sinisigawan na namin siya na 'ganda mo che' dahil sa kamalian niya, ngingitian pa niya kami- o diba di padin niya gets. yan si Cheche-este Rachelle pala.

pero kahit gaano siya kaarte sa maya't mayang pag aayos sa school hindi nakakaasar tignan. actually natutuwa pa nga kmi sa kaniya e. para siyang artista namin sa klase.

"ui Diane o si Sander may gusto daw sayo o." biglang pasok ni Stephen.

"trip niyo nanaman ako a" sabi ko

"Anu naman crush lang naman a. diba Diane. alam kaya ni Diane yun" sabi ni Sander

"ba't di kaya ikaw ang umamin Stephen." pabirong loko ni Sander kay Stephen

"akyat na ko guys a, dyan na kayo" sabi ko sa kanilang dalawa. Ayoko lang marinig ang sasabihin ni Stephen.

ba't nung si Sander nagsabibng may crush sakin parang wala lang . Pero nung binibiro nila si Stephen parang feeling ko awkward. punta na nga kang ako sa tabi ni Rachelle

ayokong maniwala Kay Stephen, di ko lang sya classmate.friend ko din sya e.

chemistry na, as usual late nanaman ang boys. ganun naman sila palagi e ang babagal kasi kumain ng recess.

si sir Whybie na napaka taba at laki ng tyan andyan na.

"good morning, sir Whybie"

"good morning" sabi ni Sir

"good morning" - lahat

"good morning!!"

"good morning!!" kami ulit lahat

ako naman sabay tingin kay Mark, kasi araw araw na lang . palaging tigtatlong sabi kmi nag gu-good morning sa isa' t isa para lang maipronounce yun ng maayos..with accent a.

" so malapit na ang exam. pero wala pa kayong project sakin. madali lang naman Ang project niyo e."

"research a chemistry experiment that are only related to our topic that will be presented in the laboratory. I will group you and each group should have 4 members... 

now count 1-7"

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 1, 2.......

kagroup ko si Ciarra, Sander, at Norman..si Ciarra Ang piniling leader ni sir...

" meet your group mates now, I will allow you to use the rest of the time of our subject to plan your experiment"

" hi, crush!" Sabi ni Sander

"kagroup pala kita, malas ko naman" sabi ni Norman

" kaw ba kausap ko huh? Si Diane kausap ko e, epal ka nanaman e.."

" LOL ( league of legends) na lang o." aya ni Norman kay Sander

" wag na talo ka lang sakin e.." - Sander

" Oo, tama na yan. nag aaway nanaman yung mga troll nation, awatin mo nga Diane" biglang pasok ni Ciarra

di kami close ni Ciarra, madami akong kaibigan pero di ako sanay mag start ng conversation para makipag usap, kahit sino pa yan. kaya nga Puro mga walanghiya mga friends ko e, kasi nga mga walanghiya sila at magugulo pa kaya kmi naging mga magkakaibigan

" uhmm, Diane parehas na lang tayong mag search ng maieexperiment..."

" kmi, anu gagawin namin?" tanung ni Norman

" kayo yung gagastos, yung bibili ng mga materials charot!!!.. joke " biro ko Sa dalawang troll na to.

" mag search din kayo tas, magpepresent din kayo syempre.." sabi ni Ciarra  

si Stephen, nakatingin nanaman sa akin, o Kay Ciarra.. a Ewan ayoko na siyang tignan masyado tuloy, Ang awkward na. Di ko alam kung bakit, basta ang awkward lang nafifeel ko lang.

Bunch Of Love [On Going]Where stories live. Discover now