PART 5

27 0 1
                                    

John Kyle Pov:

Nandito ako ngayun sa school at oras ng pagtratrabaho ko, Lahat ng studyante kasi ngayun nasa Canteen para kumain.

"Hayss.. kakagutom naman" bulong ko sa sarili ko, kinuha ko sa bulsa ko yung magic flakes na binili ko kanina, ito lang meron ako kaya ito lang ang kakainin ko nagaung tanghali.

Kung nandito lang sana yung matalik kung kaibigan, kakainis bakit ba kasi bigla bigla nawawala yun, tapos nag iwan ng napalaking problema sa akin, Yung letcheng utang lang naman nya sa pulpul na emz na yun..

Kamusta na kaya yung batang yun sa bahay sana man lang di nya ako nakawan, haist kukutungan ko talaga yung batang yun..

Pero mukhang mapagkakatiwalaan naman yung batang yun kahit papano.

*Flashback*

"Hoy, gumising kana dyan, anung oras na wala ka bang pasok" napabalikwas ako ng gising dahil sa gulat ko sa nagsalita.. bwesit nakalimutan ko palang may kasama na ako sa bahay na to.

"Ohh para kang nakakita ng multo" pahabol na sabi nya.

"Umalis ka nga sa harap ko ang aga aga nambubulabog ka" sabi ko sa kanya.

"Aba 5:40 na ng umaga, tapos sasabihin mong maaga pa" haisst .. ano ba naman tong batang to.. titirisin ko na talaga to eh.

"Oo na, please lang pedi bang itigil mo yang kadadada mo, mas mabuti pang magluto ka nalang ng pagkain kisa magdadada ka dyan, para ka nmang manok" inis kong sabi sa kanya, kakainis na kasi talaga eh.

"Pambili" sabi nya sa akin with matching gesture pa sa kamay, na akala mo may pinatagong pera. Haissstt..

Tinignan ko lang sya ng masama bago inabot ang 50 peses.

"Pagkasyahin mo yan," sabi ko sa kanya.

Pero di na sya sumagot at naglakad na palabas ng silid ko.

*FAST FORWARD *

Kumain na kami ng sabay at sinabi sa kanyang bantayang mabuti ang bahay at wag magpapapasok ng kung sino sino.

*END OF FLASHBACK *

Narinig ko na ang bell hudyat ng simula na ng klase, minadali ko ng i map ang teachers room (Faculty room). Dali dali akung pumunta sa locker ko para makapag bihis ng uniporme ng may narinig ako malapit sa ladies locker room.

Magkahiwalay kasi ang locker ng mga girl's sa boy's. Kung baga isang hallway tapos sa kanan nandun yung Boys locker at sa kaliwa nman ay Girls locker ganun.

Kaya bago ako pumasok sa boys locker, sumilip ako sa pinto ng girls locker, hindi nman sa paninilip ang gagawin ko, may narinig kasi akung kalabog at napakalakas noon, malay ko ba kung may nalaglag tapos nabagok ulo nya konsensya ko pa,

Kinakabahan man ako na sumilip pero itinuloy ko pa din, wala naman ako naaninag na may tao sa loob, baka guniguni ko lang yun, paalis na sana ako ng may anino akung nakita, sinilip ko muli dito at may nakita akong isang taong nakatayo, di ko maaninag ang itsura nya dahil naka cloak ito ng kulay itim. Di ko alam kung ano ang ginagawa nya pero laking gulat ko ng tumagos ito sa pader, Halos pigil hininga ako ng makita iyon. Di ko alam ang gagawin ko wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko pero isa lang naiisip ko may MULTO sa paaralan na ito..




"Arayy.. ang sakit naman ng ulo ko" napansin ko nalang na nakahiga ako.. bakit parang amoy gamot dito asan ba ako.

"Gising kana pala" napamulat ako ng may bigla magsalita sa bandang gilid ko. Nakita ko syang naka suot ng kulay light blue na damit, at puting pantalon,. Napakunot bigla yung noo ko dahil wala akung maalala kahit na ano, at bakit ako nandito.

Gifted (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon