Mga kwentong kababalaghan na naranasan mo

1K 5 0
                                    

dati hindi ako naniniwala sa kababalaghan o katatakutan pero nung ako na mismo ang nakakita... sa bahay bakasyunan namin sa new lucena ilo-ilo actually first time ko makapunta dun kasi hindi talaga ako sumasama kahit nung bata pa ako .. gabi narin kami ng makarating sa bahay namin so sinalubong kami ng mga kamag anak namin dun para makita kami at kamustahin . pagkatapos nung eh nag uwian na sila matapos ang mahabang kwentuhan at ako naman ay dumeretso sa kusina para kumuha ng isang basong tubig dahil sa uhaw pagkatapos nun ay may sumalubong sa akin na bata lakae sa kusina di naman ako nagulat kasi baka pamangkin ko o kamag anak namin. inakay nya ako sa kwarto so sumunod ako.... yung kwarto na tinuro nya sa akin eh kwarto ng lola kong namatay na wala naman ako idea na dun ang kwarto ng lola ko. so nagpahinga na ako dun para matulog dahil sa haba ng byahe . kina umagahan ginising na ako ng tita ko para mag almusal at nagtanong sa akin bakit daw ang aga ko natulog kagabi ang sabi ko ay pagod na kasi ako sa byahe at tsaka may bata palang nag turo sa akin ng kwarto sa taas para makapag pahinga na so nung sinabi ko dun tumahimik sila at tinanong kung sino un sabi ko di ko kilala eh basta batang lalake .. sumagot ang tita ko wala naman bata na pumunta dito kagabi ah puro matatanda ang nandito kagabi diba?? sumagot ako sino yung bata na un ?? sumagot ang tita ko na walang bata dito kagabi .. di na ko sumagot kasi kinalibutan na ako nun .. may nagkwentong kamag anak din namin na yung bata na nakita ko eh tao daw sa dilim meron daw talaga ganun kapag ang bahay ay matagal na walang nakatira .... ayun talagang kinalibutan ako ng todo sa sinabi nya   


kayo nakaranas na ba kayo ng katatakutan sa buhay nyo o na experience nyo ...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/n  sa susunod ko na lang po ilalagay pag ginanahan na po ako

Qoutes and othersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon