Kwentong Pag-ibig

850 10 0
                                    

yung feeling na may tao kang gustong kalimutan.. pero ang hirap..

***

BF: Hon, date tayo?
GF: Ayoko. Busy ako.
BF: Sige na hon, treat ko? Minsan lang naman e.
GF: Ayoko nga sabi e!
BF: Mahal mo pa ba ako?
GF: Of course, yes!
BF: E bakit ayaw mong makipagdate sakin?
GF: Ayoko kasi! Kung gusto mo, sa iba ka makipagdate wag sakin. Psh, I hate you! Ang kulit mo!
BF: Okay, I love you. 
GF: Itigil na nga natin tong relasyon na 'to, walang kwenta!
BF: Aw. Wag po!
GF: AYOKO NA SAYO!
BF: Sige po, I love you. 

(Isang taong lumipas)

Naka-move on si BOY at nakahanap ng bagong GIRL na mamahalin niya ng makita niya bigla si EX.

ExGF: Hon, sorry na! Pinagsisisihan kong di ako nakipagdate sayo dati. Tayo nalang ulit. Sorry. 
BF: Sorry, pero di na mababalik ung dati. See? Sinabihan mo na ako ng kung ano anong masasakit na salita pero tiniis ko yun. Ngayon? Maghahabol ka? Pero sorry, ayoko na. And, I want you to meet my new girlfriend Andrea. Andrea. This is Kath, my ex.
NewGF: Hello Kath! Thank you sa pagaalaga mo sa boyfriend ko dati ha? Sorry, pero di na siya mapapasayo ulit kasi akin na siya. Di mo kasi iningatan e. Muntik na magsuicide dahil sayo, pero ano? Wala kang pakialam sakanya. Choosy ka pa kasi e, sinabihan mong cheap kasi sa karinderya lang kayo kumakain. Sorry to say pero, ang arte mo kasi. Yan na siguro ang balik sayo.

LESSON for GIRLS: Wag mag-paka choosy. At wag sayangin ang taong todong nagmamahal, nagpapakatotoo, nagrerespeto at syempre, nageeffort para sayo. BIHIRA lang ang lalaking ganyan. </3

***

The Clock Master
Eijei Meyou

“Ikaw ba ang Diyos?” tanong ni Mikhaella sa lalaking nakaharap sa kanya ngayon. Pagmulat niya ng mga mata ay ito na agad ang namataan niya.
Nakangiti ito sa kanya at parang inaasahan na ang tanong niya. “Hindi,” malumanay na sagot nito sa kanya. May inilabas ito mula sa kanang bulsa, “ako ang Clock Master.”
***
Chapter 1

“Jesus Christ, Khae! Hindi ka pa nakakapag-ayos ng mga gamit mo?”
Pinaikot ni Mikhaella ang mga mata niya nang marinig ang tili ng Ate niyang si Helise. Dumapa siya sa kama niya at nagsimulang makipag-text sa kung sinu-sino.
“Mikhaella!” mula sa peripheral vision niya ay nakita niya itong namaywang, “apat na oras na lang at aalis na tayo papuntang Pilipinas. Can you please cooperate naman? Hello? Iisa lang ang katawan ko, I can’t pack your things and my things at the same time!”
“Hindi ako sasama sa 'Pinas,” she grunted. How she hates Philippines! Simply because their father is there. Sapat na iyong dahilan para ayaw na niyang bumalik pa sa bansang sinilangan niya. She was nine and her sister was fourteen nang mamatay ang Mommy nila na may kinikimkim na sama ng loob sa Daddy nila. Her Daddy was a playboy back then. Kapag nasa bahay, kahit nakaharap silang buong pamilya ay nakikipagtawagan pa ito sa ibang babae. Alam niyang masakit iyon sa Mommy niya pero dahil mahal nito ang katipan ay tinitiis na lamang nito ang lahat. Pagkalibing sa labi ng Mommy nila ay inilakad ng mga kapatid ng Mommy nila ang mga papers na kakailanganin nila para makapuntang New York kung saan nakatira ang lolo’t lola nila sa panig ng ina.
She was hoping na hihingi ng tawad ang Daddy nila dahil sa nangyari sa pamilya nila. Hiniling niya na sana pigilan sila nito sa pag-alis pero ni hindi bumuka ang mga labi nito. Hindi rin niya ito nakitang umiyak habang pinaglalamayan nila ang bangkay ng Mommy nila. Their father has a heart of stone. He is a stone. Wala itong pakiramdam. Sarili lang nito ang iniisip. Ni tumawag sa kanila sa New York ay hindi nito ginawa. Sa loob ng labing apat na taon ay dalawang beses lang siya nitong binati sa kanyang kaarawan. Sa e-mail pa iyon, hindi sa tawag.
Hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka naging masama siyang tao noong nakaraang buhay niya kaya pinarurusahan siya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng napakawalang kuwentang ama.
“Khae, please?”
Tumihaya siya at nakita ang nagmamakaawang mga mata ng Ate niya. Sa edad nitong beinte otso ay hindi pa ito nag-aasawa kahit na may boyfriend na ito. Pinagtapos muna siya nito ng pag-aaral bago tuluyang nakipagrelasyon. Kung ano siya ngayon ay utang niyang lahat dito. She’s been the best sister in the whole universe. “Fine.” Huminga siya ng malalim bago bumangon.
“Thank you,” malambing nitong saad bago lumabas ng kanyang kuwarto.
Three years ago, their grandparents died. Wala na silang ibang kamag-anak pa sa New York dahil nasa ibang bansa naman ang mga tito’t tita nila. Balak nilang lumipat na lang sa mga 'yon kaso ay dumating ang balita na hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa o ipagluksa: their father is dying. Iginapo daw ito ng malubhang sakit at gusto daw silang makita nito bago mamatay.
Maybe you got AIDS, old man, madalas niyang binubulong sa sarili kapag naiisip ito. Sa sobrang dami ng babae nito, hindi malabong nagkaroon nga ito ng AIDS. Baka iyon na ang tinatawag nilang ‘karma.’
Hinila niya ang travelling bag na nasa ilalim ng dresser niya. Tinanggal niya ang plastic na bumabalot doon. Pagkabukas niyon ay nakita niya ang maliit na photo album. Fourteen years… fourteen years na ang photo album na iyon sa loob ng travelling bag niyang iyon.
“I miss you, mom,” wala sa sariling sabi niya at hinaplos ang kulay asul na cover ng photo album. Hand-made iyon. Ang Mommy niya at ang Ate niya ang gumawa no’n. Proyekto niya iyon sa Filipino noong Grade Two pa lamang siya. ‘Masayang Pamilya ang Mayroon Ako’ ang titulo.
Binuklat niya iyon at bumungad sa kanya ang pagkaganda-gandang ngiti nilang buong pamilya. Nakaupo siya sa hita ng Daddy niya at yakap-yakap siya nito habang si Helise naman ay nasa likuran nito. Nakatayo sa tabi nila ang Mommy nila. Nakangiti silang lahat doon. Kung hindi siya nagkakamali ay lima hanggang anim na taong gulang pa lamang siya roon at wala pang alam sa mga kalokohang pinaggagagawa ng Daddy niya. Before, her Daddy was so perfect for her. Too perfect to be true. Kaya siguro nang magkaisip na siya ay napalitan ang impresyon niya sa Daddy niya at ganoon na lamang ang pagkadismaya niya kasi umasa siyang perpekto nga itong ama.
“You were not, Dad, not even an inch perfect” pinasadahan niya ng daliri ang nakangiting labi ng Daddy niya. “How could you smile like that?” sa dami ng kasalanan nito, nakakangiti pa rin ito. Sinunod niyang tinignan ang mukha ng ina. Hindi mababakas ang kahit na anumang lungkot doon. Isa itong huwarang ina, asawa, kapatid, at kaibigan. Walang makakatalo sa kabaitan nito. “You were an actress, Mom, you were the best actress. I wonder why you were not nominated in Oscars.”
Humugot siya ng malalim na hininga at suminghot. Tumingala siya dahil nagbabadya nang bumigay ang likidong matagal na panahon din niyang pinigilang tumulo ulit sa kanyang mga mata. She needs to be strong. Hindi na siya bata na papagapi sa sama ng loob. Hindi dapat siya panghinaan. She was taught to be brave.
“Remember, ang mahina, tinatapakan. Kahit na ano pang pagsubok ang dumating, dapat taas pa rin ang noo,” madalas sabihin sa kanya ni Helise kapag nakikita nitong nalulungkot siya noon. “Ayaw ni Mommy Arabella ng mahina kasi siya, matapang siya. Nakaya niyang harapin ang mga problema niya nang siya lang. Kahit masakit ang pinagdaanan niya, hindi siya tumalikod at tumakbo. Duwag ang tumatakbo.”
“Hindi ako mahina,” pagpapalakas niya ng loob. “Ikaw ang mahina, dad, ikaw.”
***
Pumipintig ang sentido ni Mikhaella nang lumapag ang eroplano sa airport. Nasa Pilipinas na sila. Hindi na niya matandaan kung ano ba ang itsura ng Pilipinas nang umalis sila. Hindi na niya masyadong napagtuunan ng pansin noon dahil bukod sa bata pa siya ay ang pagkawala ng ina rin ang gumugulo sa isipan niya.
“Sa hotel ba tayo, Ate?” minasahe niya ang sentido.
“Diretso na tayo sa ospital.” Sa Maynila ki-nonfine ang Daddy nila dahil mas advance daw ang teknolohiya doon kaysa sa mga ospital sa probinsiya.
“Oh, darn, please, not now. Masakit ang ulo ko at baka mas mauna pa akong mamatay kapag nakita ko si Daddy.” Sa totoo lang ay hindi pa siya handang makita ito. Hindi niya maapuhap ang mga salitang makakapagsabi ng tunay niyang damdamin. Baka mali ang mabigkas niya dito at mas mapadali pa ang buhay nito. Kahit matagal na panahon na ang nagdaan ay mabigat pa rin ang pakiramdam niya dito.
“Ihahatid ka na lang namin sa hotel, kung ganoon,” alok ni Gray, ang Pilipinong kasintahan ni Helise. Sumama na rin ito sa pag-uwi ng Pilipinas. Gaya nila ay matagal na rin itong naninirahan sa New York at matagal-tagal na ring hindi nakakauwi ng Pilipinas.
“Mabuti pa nga,” sang-ayon ni Helise.
Sumakay na sila ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel. Isang kuwarto lang ang kinuha nila dahil magba-biyahe lang din naman sila kinabukasan papunta sa probinsiya ng Daddy nila.
“Matulog ka na lang, mamayang gabi ka na lang sumama,” bilin ni Helise sa kanya.
Pagkaalis ng mga ito ay ipinikit na niya ang mga mata pero imbes na igupo siya ng antok ay parang mas lalong nagising pa ang sistema niya. Biglang nawala ang pagod, sakit ng ulo, at antok na nararamdaman niya lang kanina.
Ngayon malapit na silang magkita ng Daddy niya ay parang hungkag ang pakiramdam niya. Awang-awa siya sa sarili niya. Kung may ibang taong nakatingin sa kanya ay nagpapakatatag siya pero kapag siya na lang mag-isa ay lumalabas na napakahina niya. She’s weak. Napakahina niya. And she was blaming her dad for that. Kung naging matinong ama lang sana ito ay baka naging totoong matapang siya. Mabuti na lang at nasa tabi niya si Helise. Kung hindi, malamang sa mental hospital na siya pulutin sa sobrang pagkabalisa.
Kinuha niya ang photo album sa travelling bag. Kung ibang tao lang siguro ang tumititig sa larawan ay iisipin niyong napakasaya at napakaperpekto ng pamilya nila not knowing the curves on her mother and her father’s smile were fake… ang mga ngiti lang nila ng Ate niya ang totoo.
“Mom, will I learn to forgive dad? Will I learn to forget everything?” inside, she was so broken. Bata pa lang siya ay wasak na ang buong sistema niya. She felt so numb. Siguro nga ay sanay na siya sa sakit kaya hindi na niya maramdaman pa ang ibang damdamin. Punung-puno siya ng lungkot.
Tumingin siya sa wall clock. Mag-aalas-kuwatro pa lamang ng hapon. Hindi pa sila nanananghalian pero hindi siya nagugutom. Her system was drained and was not ready to be filled. She’d rather stay empty.
***
Dahil hindi naman na siya makatulog ay naligo na lamang siya. Pagkatapos magbihis ay binuksan niya ang TV. Puro comedy ang palabas. Hindi niya matukoy kung corny lang ba ang palabas o talagang wala siyang sense of humor. Naka-poker face lamang siya habang nanonood. Hindi niya mapilit ang sariling tumawa.
Gusto tuloy niyang sampalin ang sarili at baka sakaling makaramdam na siya.
“Room service.” Mula sa labas ng kuwarto ay may nag-doorbell.
Kumunot ang noo niya dahil sa naaalala niya ay hindi naman siya nagpa-room service. Tumayo na lang siya at tinungo ang pinto. “Yes?”
“May nagpapabigay po.” Iniabot nito sa kanya ang maliit na kahon na nababalutan ng pulang ribbon.
“Ha? Baka nagkakamali ka, Miss.” Wala pa siyang limang oras sa bansa kaya imposibleng may magpapadala ng kung ano sa kanya. Wala siyang inaasahang package o kung anuman sa ngayon.
“Kayo po si Miss Mikhaella Cadello, hindi po ba?” pati ito ay nangunot na rin ang noo.
Tumango siya. “I am.”
“Iyon po ang nakasulat sa card,” ipinakita nito sa kanya ang nakasulat sa card na kalakip ng maliit na kahon. “Aalis na po ako.”
Umalis na ito habang siya nama’y naiwang nakatunganga sa maliit na kahon. Sa tingin niya ay mas malaki lang iyon sa kahon ng posporo. Ano naman kayang bagay ang magkakasya doon?
Naiiling na pumasok siya sa loob ng kuwarto. Pinatay niya ang TV. Sumandal siya sa sofa at pinag-aralan ang kahon. Hindi naman siguro bomba iyon dahil nga sa maliit lang iyon. “Bahala na nga,” wala kasing pangalan kung kanino nanggaling iyon. Tinanggal niya ang pagkakatali ng ribbon sa itaas niyon. Tumambad sa kanyang mga mata ang isang maliit na orasan. Ang nakakapagtaka lang doon ay hindi iyon kagaya ng ibang orasan na mula uno hanggang dose ang pagkakanumero. Ang naroon lang ay uno, dos, at tres. Sa pagitan ng mga numerong iyon ay mga maliliit na bulaklak na kulay puti na hindi niya alam kung ano ang silbi, baka disenyo lang ng gumawa.
Kasya lang iyon sa palad niya, maaari pa nga niyang kimkimin nang hindi nadudurog. Pinagmasdan niyang mabuti ang orasan. Kulay black iyon na may accent ng pink. Nakakapagtakang hindi gumagalaw ang dalawang kamay ng orasan. Nakatigil lang ang mga iyon sa uno.
“Sino naman kayang siraulo ang nagpabigay nito?” kinuha niya ang kahon at tinaktak iyon. Mula sa loob ay may nahulog na maliit na papel na nakarolyo pa. Binuklat niya iyon. “Keep it, you will need it.” Gusto niyang matawa dahil doon sa nakasulat. Paano naman kaya niya magagamit ang orasan na iyon? Ni hindi yata gumagana ang baterya kaya hindi kumikilos. At isa pa, hindi naman 24-hour clock iyon kundi 3-hour clock lang yata. Abnormal lang ang gumagamit niyon.
Hindi pa lubos na nakukuha ng isip niya kung sino ang nagbigay ng orasan na iyon nang tumunog na naman ang doorbell. Tumayo siya at binuksan iyon. Narito na sina Helise at Gray. Hilam sa luha ang mga mata ni Helise. Baka iniyakan nito ang Daddy nila.
“Handa ka na ba?”
“Ano pa nga ba?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Qoutes and othersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon