Mysterious Hero?

16 1 2
                                    

Ano kaya to??

Nagulat nalang ako na uniform pambabae ang laman ng paper bag.

Wala na akong choice kundi suotin to. Haistt ang fit naman! Baka may makilala sakin nito. 

Syempre IMPOSIBLE KAYA YUN! Eh sa itsura kong to makilala nila ako?

Pumunta naman ako sa C.R para makabihis agad.

Pero sino kaya tong taong  to? Di kaya secret admirer ko to? 

aii hindiii imposible. 

Pero imposible rin....

Ayy hindii nga sabi ehhh

Baka....

May nakakakilala na sa akin?? 

Nakooooo di pwede yun. Nag ring na yung bell kaya dali dali na akong pumasok sa classroom.

"Naabutan kaba ng bagyo sa labas Ms. Martinez?"
Tumawa lahat kong kaklase pati yung teacher kong kamukha ni Sadako.

"Eh ma'am lagi nalang ata naabutan ng bagyo etong si Lillian eh hahahahah"

Sige tawa pa dadating rin yung karma sa inyo.

"Ma'am pwede na po bang pumasok? "

Chillax lang Lillian. Masisira ang beauty mo niyan .

"Pwede ring hindi Lillian" ( -__-)

UGHHHH KAINIS TONG TEACHER NATOO! 

"Alam niyo po bang labag sa school policies ang pang bubully sa sariling studyante."

Lumingon ako ng sa nag salita...

anak ng kabayo to...

Si.....

Nathan David Fortalejo?

Teka bakit? Paano? Kaibigan to ni Drake kaya paanong...

"Tulala ka dyan. Kung ayaw mong pumasok edi tumayo ka  lang dyan."

Sabi ko na eh sungit parin ng taong to, pero mas okay narin siya kaysa dun sa kumag na Drake na yun.

Pasok. Makinig. Labas. Kain. Pasok.

Yan lang ang daily routine ko kaya boring.

Oo naboboringan na ako sa ginagawa ko.

I miss my life before. Yung may papansin sayo dahil sikat ka?

Ngayon kabaliktaran ang nangyayari. Taena talaga   -_-

Naisipan ko muna pumunta sa may park bago umuwi.

Change is really happening to me. 

Since na umalis ako sa puder ng mga magulang ko.

From spoil brat girl, I was changed into an ordinary girl. hays.

Pero sino kaya yung taong nagbigay ng uniform sa akin.

Wala man lang akong clue kung sino yun, hay nako.

Napansin kong madilim na kaya umalis na ako at mag simulang mag lakad papuntang bahay. Eh san pa ba punta ko? Bahay lang diba? hahaha

Nag lakad lang ako until may sumipol.

"Witweeeww! Oy pare may chicks oh!"

Lumingon ako pero napansin kong ako lang pala ang tao dito.

Mukhang manok na pala ako ngayon ha?

"Eh pre di naman chicks yan eh."

"Bibe?"

"Di rin. Mas bagay ata yung Turkey dyan. HAHAHAHA"

Aba loko to ah. Mga lasing na nga nangaasar pa bwisit. 

Kaya binilisan ko na lang ang pag lakad ko ng naramdaman kong may sumusunod sa akin.

"Oy Miss, tampo agad?"

"Oy kuya wag masyadong assuming ah? Nag lalakad nga lang ako dito tampo agad? Nahiya naman ako sa inyo, Buti nga kayo alam niyong nag tatampo ako eh ako nga di ko alam eh. Wow."

"Mukhang may problema ka ata miss ah?"

"Manghuhula lang kuya? Galing ah?"

"Meron nga. Tara inom tayo. Sabayan mo kami."

"Sabay talagang uminom? As in? Wow contest lang kuya? Wag na po salamat. Friendly niyo ah?"

Nakita ko yung mama na mukhang naiirita na. Nako Liliianne lagot na.

"Raming satsat nito tara sabayan mo kami."

Umatras ako ng balak niya akong hawakan. 

Subukan lang niya...

Subukan lang talaga niyang hawakan ako.

Makakaranas talaga sila ng bugbog sa katawan ngayon. Di ata nila ako kilala.

Nag slow mo ang paligid ko ng aaksiyon ng hahawakan ako ng mamang lasengero.

Plano na Lilian. Hahawakan ka niya. 

Hawakan mo yung braso tas paikutin mo.

Ipinikit ko yung mga mata ko at aaksiyon na sana ng may narinig akong may bumulagta sa baba.

Na tulala ako sa nakita ko.

May lalaking naka helmet pa at naka black leather jacket na nakipaglaban sa mga lasinggero at lahat sila nagsitakbuhan.

Nag tama ang mga mata namin. His eyes seems so familiar.

Lalapitan ko sana siya para pasalamatan ng bigla siyang sumakay sa motor niya.

Arte naman nun. Pasasalamatan na nga kailangan pang habulin. Hay nako.

Maglalakad na sana ako ng may nakita akong may kuminang sa lupa.

Wow may tumutubo na palang gold sa lupa? 

di joke lang ^_^'

May necklace na may letter D.

Sa lalaki ata yun kanina. I smiled.

Atleast binigyan ako ng remembrance diba? 

I hope soon makilala ko rin siya.

AN: I hope you like it guys. Sino kaya yung mystery hero ni Lilian? Guess niyo nga.

^____^'

Miss Nobody Vs The King Of CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon