BaKaBaTa (A Halloween Special)

773 23 25
                                    

  A/N: Yow! :) First story kong horror ito. Kaya sana huwag po kayong mag-eexpect na maganda siya Haha. Sinubukan ko lang po gumawa for this Halloween :) Enjoy :D GOD BLESS You. - LoveBugCarrier

"Matagal nang nakatayo 'yan dyan. Paniniwala kasi namin noong mga bata pa kami, kahit lolo at lola namin, naabutan nang nakatayo ang bahay na iyan. Alam niyo, misteryo talaga sa amin kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin 'yan tinatanggal."

  Nai-atang sa akin ang trabaho na alamin kung ano at paano nag-simula ang bahay na ito sa aming barangay. Isa kasi akong estudyante na kumukuha ng Journalism, at isa sa aking proyekto na naisipan ay ang alamin ang misteryo tungkol dito. Sa kadahilanan na wala pa kaming ideya kung paano siya nag-simula, kailan o kung sino ang gumawa sa kanya, hanggang ngayon nababagabag pa rin kami kung ano ba talaga ang mayroon dito. Palagi kasing nababalita sa amin na sa tuwing bago mag piyesta ng patay, kusang nag-lalaho ang bahay na 'yan mula sa kanyang kinatatayuan.

"Ate, tanungin ko lang po, hindi ninyo po ba plinano na sunugin o ipagiba ang lumang bahay na 'yan? Tulad po nang sinabi ninyo, ang laking sagabal at takot na ang ibinibigay nito sa atin. Bakit hindi nalang natin ito sunugin o gibain?"

"Hija, sa tingin ko hindi na rin maganda gawin ulit iyang gusto mo."

Masasabi mo sa timpla at mukha ng babaeng ito ang takot na nararamdaman niya habang hinahawakan niya ang kanyang mga braso at patuloy na tinitignan ang kanyang paligid. Inililista ko ang bawat reaksyon at impormasyon na ginagawa at ibinibigay niya, mahalaga ito para mabigyan kasagutan ang aking proyekto.

"Ate, pakipaliwanag ninyo sa akin kung ano ang nalalaman ninyo."

Umihip ang malakas na hangin matapos kong masabi ang mga salitang iyon. Bumukas ng bahagya  ang pintuan sa bahay na aming pinag-uusapan. Maririnig mo mula sa aming posisyon ang tunog nito sa kadahilanan na yari lamang ito sa isang uri ng kahoy.

"Noong bata pa ako, sinubukan ng hardinero namin na sunugin ang bahay na iyan. Nakita ko at ng buong tao sa baryo na nasunog ang kalahati niyan, ngunit pag-balik naman kinabukasan.... Ni isang abo o uling eh wala kaming nakita.."

Nanlamig ang buong katawan ko at ramdam kong nagsipag-taasan ang aking mga balahibo. Muling umihip ng malakas ang hangin. Gumalaw ang kurtinang punit na punit na nakasabit sa lumang bahay. Dito pa lamang, makikita mo na kung gaano katanda ang bahay na ito.

"Ha? Hindi po ba imposible na kayang iligtas ng bahay ang kanyang sarili sa sunog? Hindi po ba masyadong mahiwaga ang bahay na ito? Ano po ba sa tingin ninyo?"

"'Yan ang aming ipinagtataka hija. Hanggang ngayon, natatakot kaming galawin ang bahay na 'yan. Natatakot kaming baka pati buhay namin ay biglang gambalain ng kung ano mang misteryo ang mayroon diyan."

"Wala po ba kayong ideya kung ano ang tanging paraan para mailayo natin o masira ang bahay na 'yan? Ate, may nalalaman po ba kayo tungkol dito?"

"Sinabi ng aming mga lolo at lola noong panahon na hinalughog nila 'yan, may nakita raw silang sulat na nakadikit sa maliit na lamesa."

BaKaBaTa (A Halloween Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon