"Prinsesa Claudia. Tatlong mag kakasunod na araw na tayo na nag e-ensayo para sa darating na labanan. Sa tingin ko ay kailangan na nila ng pahinga." Sabi ni Max, my assistant. Tumango ako at umupo sa pulang damuhan. Isinaksak ko ang espada ko sa pulang damo.
"Summer came..." I wispered. Dalawa lang naman ang panahon sa Bayan ng Lauxes. Tag ulan at tag araw. Pero kahit na ganoon ay mahirap padin dahil pabugso bugso ang pag papalit ng panahon.
"Kailan ba ang alis natin?" Tanong ni Warren at umupo sa tabi ko. Alam ko na malapit na malapit na ang giyera ng Hantez at ng bayan namin. Ilang buhay na naman ang mawawala matapos ang labanan na iyon panigurado. "Hinihintay na lamang ang pahintulot ni ama at aalis na tayo." Tumango siya.
Sa grupo na na ito ako lang ang namumukud tangi na babae at ako pa ang lider. Imbes na si Warren na siyang lalaki at halos kasing lakas at galing ko na sa pag hawak ng sandata.
"Prinsesa Claudia, ipinatatawag po kayo ng mahal na hari." Nginitian ko ang mensahero, tumayo at hinugot ang espada ko sa damo. Hinawakan ni Warren ang kamay ko na walang hawak. "Sasamahan na kita. Halika." Sabi niya at tumayo. Nag simula na kamiag lakad papuntang palasyo. Malayo layo din ang practice area mula sa palasyo at inaabot ito ng sampung minuto ng pag lalakad bago makarating.
Habang nag lalakad kami sinasalubong kami ng magagandang bulaklak sa gitna ng kagubatan. Hindi naman talaga siya gubat kundi parang isang malawak na garden na puno ng magaganda at malalaking puno. Walang ligaw na damo at alagang hayop ang nasa paligid. Habang nag lalakad pumitas ako ng isang kulay blue na bulaklak. Kamukha ito ng yellow bell pero ang mga dahon nito ay nakapaligid mismo sa ilalim ng bulaklak. Inamoy ko ito, para siyang isang mamahaling pabango. I put it in my left ear. Nag patuloy na ako sa pag lalakad.
Natanaw na ng dalawa kong mata ang matayog na gate ng castle. May apat na bantay dito at may hawak silang espada. Nakasuot sila ng full armor. Nang nasa harap na kami binuksan nila ang malaking gate para makapasok kami ni Warren. Punong puno ng buhay ang kastilyo. Ang mga halaman na iba't iba ang mga kulay. Ang malalaking puno na may kulay asul, berde, pula, dilaw, at kahel na dahon at ang bunga nito ay ganoon din ang kulay.
Ang kastilyo ay napupuno ng mga aura. Lahat ng ito'y kasiyahan pero sa pag alis namin muli ag magiging kulay gray na naman ito. Ang aura ng lungkot. Pero alam ko, at nasisiguro ko na makakabalik kami ng maayos, at buhay. Pumasok na kami sa mismong pintuan ng palasyo. Kulay gold ito at may disenyo ito na maliliit na bulaklak at dahon sa gilid na nakapaligid sa logo ng kaharian. Ito ay ang itsura ng kastilyo na may nakasulat sa baba na Lauxes. Pumasok naman kami sa isang kwarto, na siyang pinaka malaki sa lahat dahil dito nakalagay ang trono ng ama ko. Ang kapangyarihan ng hari.
"Magandang tanghali, Ama." Bungad ko ang ngitian ko siya. Lumuhod si Warren sa harap ng trono at ibinaba sa sahig ang espada niya. "Magandang tanghali, Haring Leo." Matapos biya sabihin iyon ay tumayo na siya. Tumayo mula sa pag kakaupo sa trono ang ama ko at lumapit saakin.
"Ngayon ang inyong pag lisan. Take care, Claudia. Rule them." Sabi ni ama at niyakap niya ako ng mahigpit. "Comeback alive. Mag iingat kayo." Bulong niya bago ako binitiwan.
"Kayo ng dalawa ang bahala sa mga sundalo ng bayan. Inaasahan ko na uuwi kayong buo at ligtas. Ingatan niyo ang isa't isa. Ibinigbigyan ko kayo ng pahintulot na kunin ang lahat ng inyong pangangailan sa labang ito. Hindi madaling talunin ang bayan ng hantez kaya humayo kayo at bumalik." Tumango kami ni Warren at umalis na.
Ilang buwan kaya muli ang aabutin bago kami makabalik? Hantez pala ang aming kalalabanin. Makabalik sana kami ng buo at buhay. "Ipamalita mo na ang pag alis na grupo. Mag hahanda lamang ako. Mag handa na din kayo. Aalis na tayo mamayang gabi." Sabi ko at nag punta na ako sa kwarto ko sa 3rd floor ng castle.
Hinawi ko ang kurtina ng kwarto ko. Tanaw na tanaw dito ang puno ng estamali. Isang punong nakakamatay. Kulay violet ang mga bunga nito ngayon kung gayon isa itong gamot. Bukod sa pagiging mandirigma ko isa din akong healer. Bata pa lamang ako ay sinanay na ako sa ganitong gawain.
Kinuha ko ang maliit na bag sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ito at kinuha ang isang dagger.
"I'm sorry. I will kill more this time. Sorry hantez."
BINABASA MO ANG
Kingdom Lauxes
FantasyThe power, the strength, the wealth and the kingdom. Whatever it takes, Claudia will fight for their kingdom. Even if it cost her life. Kingdom Lauxes is her life.