( ̄ω ̄;)

4 0 3
                                    

Sa train station..

Celineer: Nakarating din.

Nang biglang tatakbo si Sayne pasalubong kay Celineer. Susunod naman si Rianah.

Sayne: Ate Celineer!
Celineer: Sinundo nyo pa talaga ako.
Rianah: Gusto ka nyang salubungin.
Celineer: Nung isang araw lang, nagkita tayo ha.
Sayne: Syempre iba ngayon.. Dito ka na kasi titira di ba?
Celineer: Pansamantala lang naman. Dito muna kasi ako mag-aaral. At dun ako sa tita ko muna titira.
Sayne: Sa bahay ko na lang.
Celineer: (iiling) Ayoko nga.  Sosyalin ang bahay nyo,  hindi ako bagay dun.
Sayne: Ate naman eh..
Celineer: (ngingiti) Salamat na lang Sayne.
Rianah: Ano ba? Magtatagal pa ba kayo? Ginugutom na ako.
Celineer: Gutom ka nanaman Rianah? Sige na nga, kumain tayo ng puto.
Rianah: Puto? Eh, hindi nga sasayad sa lalamunan ko yun eh.
Celineer: Samahan natin ng dinuguan!
Rianah: D-dinuguan??  Puto na lang ang akin.
Celineer: Ikaw naman. Biro lang, alam ko namang ayaw mo ng dugo.
Rianah: Ano naman, unique kasi ako.
Celineer: Sowss... Dahil unique ka, punta na lang muna tayo kay Neean.
Rianah: P-pero.....
Celineer: Saka ka na kumain.
Sayne: Oo nga ate..!

Final TaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon