First Task: Meet the Enemy

9 0 1
                                    

Sina Sayne, Celineer at Rianah ay magkakasamang pupunta sa isang kagubatan.
Sayne: Ate Neean.. Nandito na kami..!
Lalabas ang isang pentagram sa harapan nila.
Sayne: ok! Pasok na tayo!
Masayang papasok si Sayne sa pentagram. Susunod naman sila Celineer at Rianah. 

=========( ̄ω ̄;)
Note: Ang pentagram na yon ay daan para makapunta sa bahay ni Neean na nagsisilbing office na rin nila. Mukhang pangkaraniwang salita pero ang sinabi ni Sayne na.. "Ate Neean.. Nandito na kami" ay isang password para mabuksan ang warp pentagram. Si Sayne mismo ang nagisip nito. Nakakahiya para kina Celineer at Rianah ang salitang yon kaya hindi nila binabanggit yon hangga't maari.
==============

Makakarating na sina Celineer sa bahay ni Neean na isang mansyon.  Isang matandang lalaki ang sasalubong sa kanila. Si Cain na butler ni Neean.
Cain: (yuyuko) Kanina pa kayo hinihintay ni Master Neean.
Sayne: (tatakbo papasok sa bahay) Ate Neean..! Nasaan ka..!?!
Rianah: (maglalakad) Ang mga bata talaga, di nauubusan ng lakas.

Pagdating sa loob,  makikita nila si Neean na nakaupo sa sofa sa malaki nitong sala at nanonood ng tv.
Neean: Nandito na pala kayo. Kala ko magtatagal pa kayo.
Rianah: Hindi man lang ako pinakain ni Celineer. Kuripot.
Celineer: Walang kai-kaibigan pag taghirap.
Sayne: Ok lang yan ate Rianah! Dito tayo kakain, di ba ate Neean..?
Neean: (ngingiti) Oo naman. (tatawagin si Cain na nakatayo sa likod nila Rianah) Cain, ikaw na bahala.
Cain: Opo master, ikukuha ko sila ng pagkain. (Lalabas ng kwarto)
Neean: Siya nga pala Celineer, sigurado ka bang doon ka na sa tita mo titira?
Celineer: (uupo) Oo, yun ang pinaalam ko sa mga social worker nang pinanggalingan kong ampunan. Magtataka yung mga yon pag di ako doon tumira. Kahit na kasi umalis na ako sa kanila, gusto pa rin nila na binabalitaan ko sila.
Rianah: Eh di babalitaan mo din sila sa pagnanakaw mo. (may pangaasar na tumingin kay Celineer)
Celineer: Syempre hindi. At saka anong "mo",  parang di ka kasama ah.
Neean: May anak ba ang tita at tito mo?
Celineer: Hindi sila magkaanak kaya nag ampon sila ng dalawang bata. (Magtataka) Teka, bakit mo natanong? Neean: Hindi mo pa nakikita ang mga ampon nila, tama ba?
Celineer: Paano mo nalaman? (Mapapaisip) Bale ngayon ko lang kasi nalaman na may kamaganak pala akong malapit dito.

Ituturo ni Neean ang tv nya at sa isang snap ng daliri, isang litrato ng lalaki ang makikita sa screen ng tv.
Celineer: Teka, sya yung lalaking humarang sa akin nang inatasan mo kami ni Rianah na kunin yung kwintas na tinatawag na Last Leaf.
Rianah: Kaya pala nahuli ka ng 20minuto doon sa meeting place natin, hinarang ka ng cute na lalaking yan. (Titingin kay Celineer) Normal lang na ma-delay ka ng 3 to 5 minutes. Pero ang 20 minuto...
Celineer: Nung gabing yon, wala syang pinakitang kakaibang kakayahan. Pero nararamdaman kong may tinatago syang kapangyarihan.

Nang biglang darating si Cain.
Cain: Nandito na ang inyong pagkain.
Rianah: Ok..! Kanina ko pa hinihintay yan..!
Titingnan ni Rianah ang pagkain, habang magpapatuloy naman si Neean.
Neean: May isa pa akong ipapakita sayo, Celineer.
Celineer: Isa pa?
Sa isang snap ni Neean, panibagong litrato ang makikita sa screen. Litrato ng isang batang babae.
Celineer: Sino naman ang batang yan?
Neean: Kapatid ng lalaking yan.
Celineer: Kapatid?
Neean: Gusto ko na malaman mo na ang dalawang yan ang mga ampon ni tita at tito mo.
Celineer: A-ano??
Sayne: Totoo yan ate, ako ang kumuha ng impormasyon na yan.
Celineer: Mahirap paniwalaan pero...
Neean: ..pero, hindi imposibleng mangyari.
Celineer: (tatango)(titingin kay Sayne) Ano pang alam mo sa kanila?
Sayne: Yung lalaki, Eulesis ang pangalan, 21 years old. Yung batang babae, Elijah naman at 12 years old.
Inampon sila ng tita mo sa Youth's Haven Orphanage. Ayon sa source ko, nakita lang sila sa gitna ng ulan. Nasa siyam na taon pa lang ang Eulesis na yan at sanggol pa lang ang kapatid nya. Bata pa lang ay nakitaan na ng galing si Eulesis. Sampung taon sya noon na may nangyaring krimen sa bahay ampunan na yon. Sya ang nakaresolba ng kaso. Noong una, ayaw syang paniwalaan dahil bata nga lang sya. Pero dahil sa mga pinakitang matitibay na ebidensya....
Rianah: (habang kumakain) Ganun na talaga sya kagaling?
Sayne: (tatango) Kinuha na rin syang agent noon pero hindi sya pinapayagan ng mga tao sa ampunan dahil bata pa nga sya. Pero pilyo sya dahil sya mismo ang lihim na nakipagugnayan sa mga kinauukulan at tinanggap ang alok sa kanya. At sa edad na 12, naging agent sya ng walang pahintulot.
Celineer: May katigasan ang ulo nya ha..
Sayne: Yun din ang edad nya ng inampon sya ng tita mo. 3 years old naman ang kapatid nya. At kahit ang tita at tito mo ay walang alam tungkol dito.
Celineer: Wala ka ng ibang alam tungkol sa kanila? Katulad ng kung may iba ba silang kakayahan?
Sayne: (iiling) Yun lang eh.. Nahirapan na nga akong naghagilap ng impormasyon tungkol sa kanila.
Neean: Ngayon Celineer, doon ka pa rin ba titira sa tita mo? Pwede ka namang dumito na lang.
Sayne: Hindi, ate Celineer! Dun ka na lang samin! Pagsisilbihan ka dun ng mga katulong namin.
Rianah: O kaya samin.. Pagsisilbihan ka ng mga aso namin, promise!
Celineer: Nakakatuwa naman, ang dami kong choices, kaso ayoko eh..
Sayne: Ate naman..
Celineer: Hindi kasi ako sanay sa pamumuhay nyo Sayne. Masyado kayong mayaman. Lalo naman itong sila Neean. Salamat din sa alok mo Rianah, pero ikaw nga, halos lapain ka ng mga aso nyo pag nakikita ka, ako pa kaya magawa nilang pagsilbihan..?
Mabubulunan si Rianah.
Neean: Nagaalaga ka pa rin ng werewolf Rianah?
Rianah: Hindi sila werewolf! Mga pangkaraniwang Husky lang ang mga yon. Sadyang di ko lang talaga sila mapasunod.
Celineer: Sige, aalis na ako.
Sayne: Pero ate, delikado ka dun.
Celineer: Mas delikado mas masaya.
Sayne: Bahala ka na nga..
Neean: Ipahahatid na kita Celineer.
Celineer: Gamit ang sasakyan mo? Huwag na lang.
Neean: Pedicab, ayaw mo?
Celineer: M-Maglalakad na lang ako.
Neean: Eh kariton, ayaw mo pa rin?
Celineer: Pano naman aandar yon?
Neean: Ipatutulak ko kay Cain.
Celineer: S-Salamat na lang.
Neean: Bahala ka. Mahigit sampung milya lang naman ang lalakarin mo.
Celineer: Ahm... Kung talgang mapilit ka, sige na nga.
Neean: Cain.. Pakilabas ang kariton.
Celineer: D-Desidido ka?
Neean: (ngingiti) Biro lang.

Final TaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon