Second Task: White Feather VS Scarlet Fire

16 0 0
                                    

Dumating ang oras ng hapunan. Sabay na kumakain sina Celineer, Elijah at Eulesis sa mesa.
Celineer: (sa isip) Ang tahimik talaga. Kumakain sila na parang wala silang kasamang ibang tao. (Pabirong magsasalita) Wala bang mag-i-entertain sakin?
Hindi sya papansinin ng magkapatid.
Celineer: Kwentuhan nyo naman ako tungkol sa inyo.
Ngunit hindi matitinag ang magkapatid.
Celineer: Ano bang klaseng mundo meron itong mga 'to.

Hanggang sa matapos ang hapunan..
Celineer: (bubuksan ang t.v.) Nabusog ako dun.. (Sa isip) Natapos ang lahat na wala man lang kumausap sakin. (Magbubuntong hiniga) Sinabi ko ng ako na ang maghuhugas, di man lang ako pinansin ng Eulesis na yon.
Nang biglang lalapit kay Celineer si Elijah.
Celineer: (magtataka) Elijah...?
Ibibigay ni Elijah ang isang baso ng juice kay Celineer.
Celineer: Para sa akin?
Tatango si Elijah.
Celineer: (ngingiti) May pampatulog ba ito? (Tatawa)
Elijah: (mabibigla) (sa isip) P-paano nya nalaman..
Celineer: Salamat ha.. (iinomin ang juice)
Lalong makikitaan ng pagkagulat si Elijah.
Celineer: (ilalagay ang baso sa mesa) Ang sarap ha.. Ang galing mong magtimpla.
Elijah: Si kuya ang nagtimpla nyan.
Celineer: Lahat na yata, kayang gawin ng kuya mo. (mangangalumbaba) Ang sarap nga lang gilitan sa leeg.
Tititigan sya ni Elijah ng masama.
Celineer: Eto naman, di mabiro.. (Maghihikab) Hindi ko naman... (Manghihina) .. gagawin yun. (Mapapapikit) Sabihin mo sa kuya mo..  salamat..  sa juice...
Tuluyang makakatulog si Celineer.
Elijah: Hindi ko alam kung anong klaseng utak meron sya.

Samantala, sa bahay nila Neean.
Rianah: Nandito na ako. Pasensya na kung nalate ako kasi..
Sayne: Lagi ka namang late eh..
Rianah: (magtataka) Nasaan si Celineer?
Sayne: Wala pa rin sya eh..
Rianah: Ha?? Tawagan kaya natin.
Neean: Ginawa na namin pero hindi nya sinasagot ang tawag namin sa kanya.
Rianah: Puntahan na natin sya.
Neean: Sandali. Maghintay pa tayo.
Sayne: Sa bagay, wala pa namang 9:00 eh..
Rianah: 9..? Teka, akala ko ba 8:30 ang usapan?
Sayne: Sabi ni ate Neean, 8:30 sabihin ko sayo para di ka talaga ma-late sa tamang oras. Effective naman.
Rianah: Ang daya mo naman Neean!

Balik sa bahay nila Celineer.
Elijah: Anong kailangan mo sa kanya kuya?
Eulesis: May gusto lang akong malaman. (Tatanggalin ang salamin at ibibigay kay Elijah)
Unti-unting magigising si Celineer.
Celineer: A-Ang sakit ng ulo ko...
Elijah: Gising na sya.
Mapapansin ni Celineer na nakatali sya sa upuan.
Celineer: Ano ba namang kalokohan ito?
Eulesis: Sino ka?
Celineer: Ano bang tanong yan?? Pinsan nyo ko.
Eulesis: Isa pang tanong.. Sino ka?
Celineer: Ano bang gusto nyong gawin ko para maniwala kayo na pinsan nyo ako??
Eulesis: Sabihin mo.. Ikaw ang ninja na nakaharap ko noon, tama ba?
Celineer: (matatawa) Ninja daw... (Titigil sa pagtawa) Pinsan nyo ko, yun lang ang maibibigay kong sagot sayo.
Lalapit si Eulesis kay Celineer. Mag-lalabas ito ng patalim.
Celineer: Sabihin mo nga, lagi ka ba talagang may dalang patalim?
Itatapat ni Eulesis ang patalim sa leeg ni Celineer.
Eulesis: Umamin ka na.
Celineer: Nasa harap natin si Elijah, ganyan ang pinapakita mo! Ikaw tuloy ang ginagaya nya.
Eulesis: Sumagot ka ng maayos.
Celineer: (ngingiti) Kahit saksakin mo pa ako, wala kang mapapala.
Eulesis: Talaga..
Itatapat ni Eulesis ang dulo ng kutsilyo nya sa noo ni Celineer. Ididiin nya ito hanggang sa may tumulong dugo mula sa noo ni Celineer.
Eulesis: Umamin ka na!
Celineer: (nakangiti pa rin) Wala akong dapat aminin. (Titigan ng masama si Eulesis) Kaya tumigil ka na!
Aalisin ni Eulesis ang patalim sa noo ni Celineer.
Eulesis: Hindi ngayon.. pero, mapapaamin din kita.
Celineer: Ang kulit talaga.
Eulesis: Bantayan mo sya Elijah. Pag nakawala, hayaan mo sya.
Celineer: Ayos lang pala na makawala ako eh. Pakawalan mo na lang ako.
Eulesis: Elijah, sabihin mo sa akin pag nakawala sya. Kung ganun nga ang mangyari, sya nga ang ninja na yon.
Celineer: Pasaway ka talaga no!?
Eulesis: Nanakawin nya ngayon ang Bloody Ballerina. At kung ikaw nga talaga ang magnanakaw na iyon, gagawa ka ng paraan para makawala dyan.
Celineer: (sa isip) Tuso sya ha..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Final TaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon