Di ko pala kaya
Isang lingong naging cold si Kevin sa akin. Sinubukan ko siyang kausapin, sa practice nila ng banda, sa soccer training, sa classroom pati sa pag-uwi... Pero wala talaga, eh. Siya na mismo ang umiiwas sa akin.
But he still texts me. Pero iba talaga eh.
Kevin:
You have a reporting in Filipino. Good luck!
Yun lang! Hindi ko alam ba't ako nanghihinayang! Fine, wala bang 'baby' jan? Sa loob ng 3months and 2weeks and 3days, tinatawag niya akong baby tapos ngayon? Anong nangyari?
Tuwing nakikita ko si James at Aris, unti unti akong nawawala na ang pake alam. All I think is, Nasaan na kaya yung kumag na iyon? Nakakain na ba siya? Sino kayang kasama niya? Kamusta na yon? Okay lang ba sa kanyang ganito kami?
Gulong gulong ako sa mga nangyayari, sa nararamdaman ko... Oo, gusto ko si James. Noon pa, elementary palang. Naalala ko pa yung mga desperada moves ko para lang mapansin niya. Pero kalaunan ay dumami kami. Dumami kaming mga admirers niya. Si bebs? Hindi siya kailanman naging fans niya o kahit sino sa Banda nila! Badboys sila, oo. Pero alam kong hindi sila nakikipag-Ano kahit kanino. They just smoke and a fraternity member, that's all.
Pero kasi, talaga bang nahuhulog ako sa kumag na iyon? Na walang ibang ginawa kundi asarin at pa-iyakin ako gabi-gabi?
Habang naglalakad ako sa corridor ay naka dinig ako nang kumakanta sa music hall. Alam kong si Kevin iyon.
Para aking magnanakaw kung pumasok. Talagang nag-hinay hinay ako. Umupo ako sa pinaka-huling upuan.
Nandon siya kumakanta sa isang maliit na stage kaharap ang isang piano.
Habang pinagmamasdan ko siyang Kumanta ay narealize ko, hindi na si James ang gusto ko. Siguro may konting feelings parin ako. Pero right now, masasabi kong....Wala na talagang epekto sa akin si James.
"K-Kevin..." Tawag ko sa kanya. Oh, I miss this guy so much!
Hindi siya sumagot pero huminto siya sa pagtugtug.
"Galing mo, ah..." Pumalakpak ako. Naglakad ako patungo sa kanya. Pero natapilok ako. Napahiga ako sahig, ininda ang sakit.
Dobleng sakit. Dahil sa paa kong natapilok at sa puso kong wasak sa nakitang reaction mula kay Kevin.
Naka-poker face lang siya. BULLSHIT, wala siyang reaction! Ni-walang bakas ng concern ang mukha niya! Hindi niya rin ako tinulungan talagang pinagmasdan niya lang ako.
Asarin mo na ako, Kevin. Ang tanga nung ginawa ko! Natapilok ba naman sa harapan mo, haha.
Pa-simple siyang lumabas sa music hall nang hindi man lang nagtapon ng isang tingin sa akin. Umusok na ang ilong ko dahil sa galit. Bwesit!
"PUTANGINA! PUNYETARANG, SALAZAR!"
Mura ako ng mura habang dahang-dahang umupo sa kalapit na silya.
Hindi ako pumasok sa klase ko. Di bale ng mag-cutting classes. Leche, Tengeneng buhay to!
Humagolgol ako. Bwesit na Salazar! Sarap hampasin ng silya! Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa pisngi ko. BWESIT! BWESIT! TANGINA NIYA!
Sobrang sakit ng paa ko kaya pumunta muna ako ng clinic. Bwesit!
"Pahingi muna ka'yo dito sa clinic, Miss." Ani ng school nurse namin.
Tumango lang ako at nagpasalamat. Aniya'y kailangan daw itong i-cold compress. Ayun ang ginawa ko, pero ilang sandali pa ay nakatulog ako sa clinic.
Nagising ako dahil sa tunog ng bell. Unang pumasok sa utak ko ay Kung pumunta ba dito si Kevin habang tulog ako... Gaya ng mga nangyayari sa mga telenovela. Pero sino bang niloloko ko? Hindi ito isang telenovela. Tsaka may paki pa ba iyon? Mukhang wala na, eh!
Pero lintek na puso! Umasa paring pumunta siya dito kanina.
"Ah, miss, may bumisita na sa akin kanina?"
"Wala, eh. Bakit po? May boyfriend po ka'yo?"
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ayan, umasa ka kasi Vina! ASSUMING MO MASYADO! Bushet.
"Ah, wala. Salamat nalang, po! Una na po ako..." Sambit ko.
Lutang ako patungong classroom namin. Kukunin ko lang bag ko at uuwi na din. Bahala na! Wala akong pake kung markahan ako ng mga teachers ko nang absent.
Pagdating ko sa classroom ay bumaliktad sikmura ko nung nakita ko si Kevin nakikipaglampungan sa classmate kong si Cherry.
NAKAKASUKA! Yaks! Wala sigurong teacher sa last subject namin. Mabuti naman. Kinuha ko lang ang bag ko at nagmadaling umuwis sa room. Narinig ko pa ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko kung na anong nangyari sa akin.
Sinita ako ng guard pero sorry nalang guard, wala akong pake! BWESIT kasi, eh.
Kung makalampungan sila, ah, parang wala sa classroom? MGA BWESIT! PISTE tong lakiha to!
Papara na sana ako ng tricycle nang bumalandara sa harapan ko ang kotse ni Kevin.
OH? BAKIT KA NANDITO KANG BWESIT KA!? LANGYA!
I acted like wala siya ngayon. Patuloy lang ako sa paglalakad. Naiinis ako dahil talagang sinusundan niya ako.
Ano ba! Bwesit!
1 message received.
Kevin:
Get inside, now. We have to talk.
Me:
Kapal mo din, ah! BWESIT!
Nag-half running na ako palabas ng eskwelahan namin. Kahit alam kong walang silbi iyon. Naka-kotse siya syempre mahahabol niya parin ako.
Na bigla ako noong kinaladkad niya ako patungo sa kanyang kotse at pina-upo sa shotgun seat.
"BITAWAN MO NGA AKO!"
He locked all the doors of the car. Ay! Bushet! Langya, to!
"Are you okay?"
Bungad niya sa akin na nagpa-iling sa akin. Ibang klase! Huwaw! Ikaw na, Salazar! Parang walang nangyari kanina, ah? Parang hindi mo ko iniwan doon sa music hall na kaawawang tignan no? Parang hindi mo ako iniwasan ng isang linggo! Parang hindi ka nakipaglandian sa iba, ah! Bullshit.
"KAPAL NG MUKHA MO. Baba na ako!"
"Hindi ka baba. Listen...."
"Anong listen? IKAW ANG MAKINIG! PUNYETA WALA KANG HIYA! MAMATAY KA SANA! PAKYO!"
"Your lips is such a bad lips, baby."
Ngayon, wag na wag mo akong matawag-tawag na baby! PAKAMATAY KA NG KUMAG KA! langya mo! Dun ka nalang kay Cherry! Isana mo na yung malanding Charlotte!
"BWESIT KA!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya. BWESIT!
"Shh.. I'm sorry, okay? Ayoko na pala. Di ko pala kaya. Di ko pala kayang pagselosin ka... Di ko pala kayang iwasan ka, di bale na...."

BINABASA MO ANG
Always (Salazar series #1)
Fiksi RemajaSa pag-ibig, lahat tayo sumusugal. Lahat tayo nagsasakripisyo. Lahat tayo nakaranas masaktan. Lahat tayo nagmamahal. Tunghayan ang kakaibang kwentong ito. Valencia Christina Oisetta. Akala niya simple lang ang pagmamahal, na puro kasiyahan lamang. N...