QOTD:
"Best day of my life.....note the sarcasm"
* * * * * * * * * *
*knock*knock*
"Ms.Maya? Gising na po kayo. Male-late na po kayo sa school." sabi ng boses sa panaginip ko.
"Is she awake now?" sabi nung isa pang boses. Malalim at medyo pagalit ang tono.
"Sige, pwede na po kayong umalis. Ako na pong bahala sa kanya." rinig kong sabi pa niya at ang pagbukas-sara ng pinto.
Thud. Narinig ko ang paglapag ng isang bagay. Parang balde na may lamang kung anong mabigat. At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
**HHHOOONNNKKK**
(A/U:Basta airhorn yan)"Ahhhhhhh!!!"
"Hahahahahahaahahh"
Huhuhu. Ang sakit ng likod ko. Kaya pala madilim kasi, naka pikit ako. Yung unang boses ay isa sa mga katulong namin. At yung pangalawang boses naman ay walang iba kundi ang kaisa-isa kong panget na kuya. Actually, gwapo siya. Pang-asar ko lang talaga yun sa kanya.
"DADDY!!!" sigaw ko.
"Sh!+" pabulong na sabi ni kuya at nagmamadaling umalis kaya nabunggo niya ang baldeng may lamang tubig dahilan para matumba siya.
"Hahahahahahahahaha"
"Mark Anthony?! Leave your sister alone this instant!"
Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa attitude ng daddy at kuya ko. Minsan nga, mas seryoso pa ako at si mommy kaysa sa dalawang yun eh. Para kasing mga bata kung mag-isip.
Bumangon na ako para maligo.
After kong maligo, nakita kong may nakasabit na uniform sa wardrobe ko. Ayaw ko nga sanang suotin eh. Mas gusto ko pang naka civilian. Kung hindi lang dahil sa hand written note na nakadikit sa damit. And I quote, "Wear this uniform or I will take back all your precious collection".
As if I had a choice kaya sinuot ko na lang. I studied my self in the mirror. Isa itong white blouse na may black stripes sa dulo ng sleeves. At paldang black na may white stripes. At black tie.
Another reason kaya ayaw kong suotin is because its for commoners. And hindi naman kasi ako common na tao. Don't worry, sasabihin din yun ni author sa tamang panahon.
Diba, Ms. G?
Ms.G: Tamang panahon talaga? Uma-Aldub ka ah...
Ms.G naman eh...
Anyways, bumaba na ako para mag breakfast. Pagdating ko sa kitchen, nasa counter na yung pagkain and yung mga maid? Ayun, nasa gilid. Nagtatawanan at nagchichismisan. Akala ko kung ano na. Shokoy- este kuya ko lang pala. Paano ba naman kasi nagluluto naka shorts lang. Buti nga nakapag-apron pa eh. Malamang basa damit niyan. Ikaw ba naman mahulog sa tubig eh. Tinamad na sigurong magbihis.
"Hoy! kuya kong gwapo raw na panget naman talaga! Bakit ka nagluluto ng nakahubad? Aber?"
"Hoy kapatid kong mukha na ngang hipon eh kasing liit pa ng hipon na kahit kailan ay hindi na tatangkad! FYI, its your fault why I'm topless right now. And problema ba yun? Tingnan mo nga yung maid oh? Tuwang-tuwa pa. Swerte ka nga eh, kasi araw-araw mong nakakasama 'to" *sabay turo sa buong katawan*"
"Tapos ka na? Ako naman. One, I'm not small. I'm just living in a big world. Two, maka FYI ka naman kala mo girl ka. Bakit girl ka ba? And lastly. ME?! Swerte?! Oh puhlease! Kahit kailan hindi ako naging swerte sayo. Ang panget panget mo kaya. *roll eyes*"

BINABASA MO ANG
TRAGEDY
Teen Fiction"I'll be a sister. I'll be a friend. We'll stick together until the end." she said. * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * Meet Maya Acosta. Smart, quiet, nerdy at siyempre bully zoned. Papaano kasi, hindi marunong lumab...