Part 7

13.4K 207 8
                                    


Ayaw man ay na pilitan si Maxxy mag pahatid sa auditorium kung saan ginaganap Ang annual alumni event, iniwan nya sa tricycle ang luggage nya at ang berkin bag lang ang binitbit kung nasaan ang mahahalagang gamit nya, tulad ng cellphone, passport at wallet nya. 

She already checked her self out in a compact mirror kanina and even retouched her red liptick. She ran her fingers through her hair, and let it look naturally messed up, bagay naman lalo na sa kulay nitong light brown na may hint of golden highlights at slight curls sa mga dulo. 

Pag katapos nyang hagurin ang buhok, ayusin ang shades nya at ibilin sa driver na antayin sya ay bitbit ang berkin bag na pumasok ng bulwagan. She purposely went through the main entrance kahit pwede naman syang dumaan sa tagiliran malapit sa stage, kung saan malamang na naka pwesto ang mga guro. 

People may call her papansin  for doing so, pero wala syang paki alam, taas noo syang nag lakad, tuloy -tuloy sa loob, walang paki alam sa di iilang pares ng mga matang pawang naka tingin sa kanya Pag Bungad nya pa Lang, sinusuri sya mula ulo hanggang paa, may nag bulungan, tinatanong ang isat - isa kung sino sya, may humula, may pumuri, may nag taas ng kilay. 

Hindi nya pinansin ang mga tao tuloy lang sya sa pag lalakad, sinadya nya pang dumaan sa pinakang gitna kung saan may naka latag na red carpet, kung saan kita sya ng lahat, siguro mga dalawang dipa ang layo sa bawat gilid ng carpet ay mga mesang naka helera, kung saan naka upo ang mga alumni members na pawang mga bihis na bihis, at may mga naka upo naman sa bleachers na mga miron at manonood ng programa. 

Bawat mesang daanan nya ay na papalingon ang mga naka upo, at mag bubulungan, aware sya sa ng yayari sa paligid lalo na ng maka rating sya sa gitna ng red carpet dahil hindi nya pa man na dadaanan ang helera ng mesa bago ang teachers table ay nag lingunan na ang lahat, marahil siguro sa umugong na bulungan ng mga tao. Maging ang mga teachers ay lumingon at natigil ang nag sasalita sa stage , dahil na agaw nya na ang atensyon dito ng mga tao.

Wala syang paki alam, taas noo syang nag lakad, walang ekspresyon ang mukha, mata nya Lang ang pasimpleng gumagala sa paligid, mula sa likod ng soot nyang shades, pasimple nyang tinitignan sa linya ng mga guro kung nandon ang ama. Hanggang sa makita nya itong naka tayo sa bandang sulok malapit sa music system. 

Kunot noo itong naka tingin sa kanya, at bahagya pang inayos ang soot na salamin sa mata at tila sinisino din sya gaya ng karamihan ng tao. Nang mag tama ang mga mata nila ay hinubad nya ang soot na shades at tipid na ngumiti, na alis ang kunot sa noo nito at biglang nag liwanag ang ekspresyon ng mukha at humakbang rin palapit. 

"Gabriella!" Bakas ang saya sa tinig na tawag sa kanya ng ama, bukod tanging ito Lang ang tumatawag sa kanya sa pangalang Gabriella, karaniwan ng Max, Maxine, Maxxy o Gabby kaya. 

"Tay!" Aniya ring lumuwang ang ngit at niyakap ang ama ng mag pang abot sila.

"Hindi ka nag sabing uuwi ka, kelan ka pa dumating?" Anang tatay nya ng bumitiw sya sa pag kaka yakap.

"Kaninang hating gabi ho at nag palipas ako ng gabi sa hotel sa maynila." Sagot nyang bahagyang ngumiti.

"Si ate Lena Tay?" Tanong nya sa ama.

"Nan dyan lang kani kanina, kausap ni Deana." Sagot nitong bahagyang iginala ang mga mata sa paligid. 

"Na saan nga pala ang mga gamit mo at wala ka bang bitbit?" Tanong nito.

"Ho? Ah nasa tricycle ho tay, iniwan ko, nag a antay sa labas." Sagot nya. 

"Kung gano'y Mamaya mo na hanapin ang ate Lena mo, tayo na munang umuwi ng maka pag pahinga ka." Anang amang inakbayan sya at iginiya pa labas. Akala nya ay sa gilid malapit sa stage sya nito I dadaan pa labas Pero sa halip ay iginiya sya nito pa balik sa dinaanan nya kanina. 

Dito sa Puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon