Part 12

16.7K 209 1
                                    


Kina bukasan naging busy na sila sa pag lipat sa pansamantalang tirahan nila habang ginagawa ang bahay nila. Maayos at maluwag naman ang bahay na nalipatan nila, bukod sa may mga gamit na, kaya yong sariling gamit nila ay itinambak na lang muna sa garahe. Mabilis silang naka pag lipat kasi tumulong ang mag -ina saka sina Jake at ang ilang tao nito. In exchange inaya nya ang lahat na kumain at uminom sa BBQ place ni manong Charlie.

Habang nag kakainan at nag -iinoman ay pinag -usapan nila ni Jake kung anong gagawin kina bukasan. Na pag pasyahang gibain ang bahay bukas at linisin ang paligid, habang sya naman ay mag ka canvas ng mga materyales para sa itatayong bahay. Sana lang daw ay mai deliver agad para maumpisahan na bago mag lipat linggo.

Nang matapos silang kumain at uminom at nang pauwi na sila ay sinabi ni Jake na may kaibigan itong may ka kilala na may ari ng dekalidad na construction supply warehouse, he said he will ask that friend to come and pick her up tomorrow para masamahan sya sa kaibigan nito. Nang itanong nya kung sino ang kung anong pangalan ng kaibigan nito ay bukas na lang daw pagsundo sa kanya. Nag kibit balikat lang sya at sumakay na sa tricycle para umuwi.

Bago matulog ay tinawagan nya si Jake at sinabi nyang gusto nyang umalis ng maaga para hindi mainit, saka para maka hanap sya ng ibag hardware store kung hindi nya magustohan sa sina sabi nitong warehouse at kung hindi sila magkasundo sa presyo. Jake told her that there will be no problem, he gave her a number na dapat nya daw i text pag ready na sya at darating daw ang susundo sa kanya, sa lumang bahay nila.

Kinamagahan alas singko pa lang gising na sya at agad syang naligo at nag bihis. Bago mag alas sais ay lumabas na sya ng bahay soot ang manipis na puting cotton long sleeves polo na naka tali sa baywang nya, kupasing high waisted jeans na butas ang magkabilang tuhod at laslas ang kabilang hita at combat boots na hilig nyang isoot, naka pony tail ang buhok nya at nasa ulo nya ang sunglasses nya. 

This is her usual get up sa New Zealand,maliban sa may hard hat sya at constructions vest sa ibabaw ng damit at hard shoes ang soot nya sa mga paa. Wala syang bitbit na kahit ano maliban sa cellphone nya. Nasa bulsa nya ang pera at ilang bank cards at drivers license nya. Maaga pa naman kaya nag lakad na lang sya pa punta sa lumang bahay nila. Within twenty minutes ay nasa labas na sya ng gate, saka nya lang itinext ang number na ibinigay ni Jake.

Around five minutes siguro syang nag hintay bago ito nag reply, the person asked her to wait kasi maliligo lang daw ito. Pumayag sya, she even told the person to take its time. Pumasok sya sa loob ng bakuran at tuloy -tuloy na pumasok sa bahay na hindi naman na naka lock at ipinasyang sa loob mag hintay. Inilibot nya ang tingin sa buong salas ng bahay na nag mukhang malungkot ng mawalan ng mga gamit. 

She spent most of her childhood pero wala syang gaanong masasayang ala-ala sa bahay na to, she doesn't even remember her mother in this house. Laging sila lang ng tatay nya at ng ate nya.  Tapos yong sila ni Deanna. She looked around one more time, bago nya ipinasyang lumabas.

Pag labas nya ng pinto ay sya namang parada ng pick up sa harapan ng gate nila, pick -up na kahit luma na ay kilalang-kilala nya. Kumabog ng malakas ang dibdib nya at pigla syang natigilan, hindi nya mapag desisyonan kung lalapit ba sya o babalik sa loob ng bahay. The owner of the pick up made his choice. He went out and walked in inside the gate, looking straight at her as he walked closer.

Na pa atras sya sa pintong hindi nya pa naisasara at ng tumapak ang binata sa pinaka balkonahe ng bahay sa harapan bago ang maindoor kung nasaan sya ay paatras syang pumasok sa bahay pero bago pa sya tuluyang maka pasok ay mabilis ng naka lapit ang binata at bahagya syang itinulak pa pasok kasunod ito saka ito pa ang nag sara ng pinto.

"What the hell are you doing in here?" Nan laki ang mga matang tanong nya pagka kitang inilock nito ang pinto.

"You asked me to come here." Sagot nitong itinutok ang mga mata sa kanya. 

Dito sa Puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon