"Ano na ms. sison? Maghihintayan na lang ba tayo dito? Baka abutan na tayo ng next subject ninyo"
Heto na naman tayo. Deja vu ba ito?
Na hot seat na naman ako ng prof namin.
Bakit ba paborito nila kong tawagin?!
Ugh. Awkward. Yung feeling na nakatingin na naman sayo lahat ng kaklase mo. Panigurado kung anu ano na naman ang iniisip ng mga yan.
"Ms. Sison?"
"Ah..m-maam", nagulat ako sa pagtawag niya ulit sakin
"Ang dali lang naman ng tanong ko ah? You just have to enumerate the 10 OM decisions. Last week sinabi ko na sa inyo na basahin ninyo ang chapter 1 di ba? Nagbasa ka ba?"
Napatingin ako sa iba kong mga kaklase na nagkakatinginan na at nangingiti.
Anong isasagot ko? Aaminin ko ba o gagawa ulit ako ng kwento?
Napatitig ako kay Maam. Mata sa mata.
Tiniis ko ang presensya ng mabagsik niyang mga kilay.
Heto na naman tayo.
"Nagbasa po ako kaya lang... nakalimutan ko po talaga eh", napakamot ako
Natawa na ang iba kong mga kaklase.
"Aba at proud ka pa niyan hah.", napatingin si maam sa wrist watch niya
Halatang nagbubunyi na ang mga kaklase ko pero di sila nag iingay para di mahalata ni maam.
Napailing si maam.
BINABASA MO ANG
Her Miracle
RomanceMia is a graduating student who work as a part time secret writer. Having the desire for spotlight, she grabbed the opportunity when MBS network agreed to produce her story, not knowing that she will meet there her ex boyfriend, Dave, who left her b...