Chapter 3 : "Pano kung meron?"

2 0 0
                                    


Naglalakad si Warren palapit sa lalaking nakasandal sa kotse nito na mukang kanina pa naghihintay.



"Warren!"



Nginitian lang ni Warren ang manager niya




"Isang oras mo kong pinaghintay dun ah. Wala ka bang konsensiya?"





Natawa lang si Warren.





"Mike, may ipapagawa ako sayo"





"Wow. Nakakasakit ka ng damdamin ah"




"Padadagdagan ko ng 5% sweldo mo"




"Ano gagawin?"




Bahagyang napangiti naman si Warren.





"Magresearch ka about kay Ms. Do, tingnan mo yung profile niya saka kung may ongoing project ba siya at saang network"



"Sino?"




"Tara na nga muna. Pag usapan na lang natin sa daan"




Pumasok naman ang dalawa sa kotse, nasa back seat si Warren.




"Sino yung pinaparesearch mo ulit?", tanong ni Mike habang nagmamaneho




"Ms. Do"




"Ano? Ms. Do? Sino yun?"




"Writer siya"

Her MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon