Napunta ako sa isang maganda at maayos na pamilya. Nag tatrabaho sa isang bangko ang papa ko. Samantalang isang propesor naman si mama sa isang unibersidad kung san din ako pumapasok. Sa bilis ng araw na lumipas, halos 9 na taon na din ang lumipas. Pero parang kahapon lang ng mag hiwalay kami. At sa bawat araw na dumadaan andun ang pag asang sana sa pag sapit ng umaga muli ko siyang Makita at makasama.
Ngayon nasa 3rd year college na ako at kumukuha ng visual arts gustong gusto ko ang photography dahil nakikita dun ang tunay na nararamdaman ng isang tao kung san di kayang ilihim o itago sa camera. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit ko nagustohan ang photography, kundi ang alaalang di mo magawang kalimutan at pwedi mong balik balikan sa tuwing nakikita mo ang mga litrato. Mga kwentong pwedi mo balikan at nag papaalala ng lungkot at saya ng nakaraan.
“bakit parang ang lalim ata ng iniisip ng anak ko at kay aga-aga e ang tahimik. May problema ba sa school? Di kaba naka tulog ng maayos o masama pakiramdam mo?” Nag aalalang napaupo ito sa tabi ko. Napangiti ako ng agad nitong hinawakan ang mga kamay ko.
“wala po ma okay lang po ako wag kayo mag alala. Salamat po.”
“oh ? at para san naman yang salamat na yan?” nag aalalang tanong nito.
“kasi po kayo ang naging magulang ko. At lagi kayong naandiyan sa tabi ko sa tuwing napanghihinaan na ako ng luob o sa tuwing pakiramdam ko wala ng pag asa.” Di ko napigilan ang agad na pag patak ng mga luha sa mata ko. Agad kong nakita ang mga ngiting sumilay mula sa mga labi niya.
“para samin ng papa mo sapat na ang makita ka naming masaya. Kami ang dapat na mag pasalamat dahil ikaw ang binigay samin. Mabait at matapang sa pag harap sa mga bagay-bagay at pag subok na dumadaan sayo. Basta lagi mo lang ipangako samin ng papa mo ano man o ganu man kahirap ang pinag dadaanan mo o pag dadaanan mo pa wag na wag mong kakalimutan na laging ngumiti at laging mag pakatatag.Wag na wag kang mawawalan ng pag asa.Lagi lang kami naandito para sayo sila uncle Jeremy at tita rea mo. Nag da drama na naman tayong dalawa wag kana mag isip ng kung ano okay? Mauna na ako bumaba sumunod kana at kakain na tayo linggo ngayon at mag sisimba tayo.” Agad ako nitong hinalikan sa noo at agad na tumayo at umalis.
Nang dahil sa kanila nabibigyan halaga at dahilan ang natitirang sandali ko sa mundong to kung san sa ngayon ang tanging alam ko lang ay wala pang kasiguradohan. Nakaraang 6 na buwan ng malaman naming nasa stage 3 ako ng brain cancer. Kasabay din nun ang biglaang pag hinto ng pag tanggap ko ng sulat mula kay louie na siyang dahilan ng pag kawala ng tuluyan ng communication naming dalawa sa isat-isa.
Lagi ko nalang iniisip mula ng araw na malaman kong may ganun akong sakit, siguro nga lahat ng bagay sa mundong to may dahilan. Malungkot isipin na wala na akong matanggap na sulat mula sa kanya. Pero siguro dahilan na rin yun para maiwasan kong sabihin sa kanya ang kung ano mang kalagayan ko.
At sa bawat sandaling iniisip ko ang dahilang yun siya ring paulit-ulit na tanong sa isipan ko. “bakit ako? Bakit kaylangan ako pa?” kasunod ng paulit-ulit na tanong na yun ang luhang di ko alam kung kaylan hihinto. Ang takot sa luob kong madalas na dahilan ng paunti-unting kawalan ng pag asa sa bawat araw na dumadaan at dadaan pa.
Kinuha ko ang picture frame na kuha naming dalawa ni louie kung san kuha bago siya tuluyang umalis ng bahay amponan papuntang America 9years ago. Na nakalagay sa gilid ng kama kung san lagi ko tinitignan bago matulog at pag gising sa umaga at sa tuwing dumadating ang mga sandaling tulad nitong nalulungkot at marami akong iniisip.
Natatakot ako hindi dahil sa bawat araw na dumadaang lumalala ang sakit ko , Kundi sa bawat araw na dumadaang hindi ko pa rin siya nakikita. At lumilipas ang mga araw ng higit pa sa inaasahan at inaakala ko.
BINABASA MO ANG
Precious Love (ongoing series)
Romancepaano mo matatanggap ang isang bagay na buong buhay mo iniingatan ay matagal na palang wala sayo.? paano pag ang tanging taong dahilan kung bakit ka patuloy na lumalaban ay siya ding dahilan para sumuko na lang.