Do you still remember the day when our parents announced that they wanted us to get married?
Our parents are best friends kaya naisipan nilang i-arrange marriage tayo, ayaw kasi nilang mawalan ng connection ang pamilya natin.
It was one of my happiest days, it was one of your worst.
Matagal na kasi talaga kitang mahal but you love someone else, si Frank, yung boyfriend mo.
Akala ko noon okay lang sa'yo kasi magkaibigan naman tayo but I was wrong.You started being cold towards me pero hindi ka umatras sa kasal, ayaw mo kasing ma-disappoint ang mga magulang mo. Pagkatapos nga nating ikasal ni hindi mo na ako kinakausap. You became so harsh to me na parang wala tayong pinagsamahan dati.
I tried my best to be the best husband. Hatid-sundo kita sa trabaho mo, binibili ko lahat ng gusto mo, ako na nga rin ang gumagawa ng mga gawaing-bahay eh pero wala pa rin. Wala pa ring pagbabago.
Eh nung gabi ng 1st anniversary natin, naaalala mo pa ba? Ako, oo. Ilang araw ko ring pinag-isipan kung ano ang gagawin ko sa gabing yun. Umabsent pa nga ako sa trabaho nung araw na yun para magluto at ayusin ang hinanda kong candle lit dinner para sa atin. I felt excited that night because I thought you'd be happy and you'll appreciate it pero nagkamali ako. Nagalit ka noon, sinigawan mo ako at sinabing nag-aaksaya lang ako ng oras sa mga walang kwentang bagay. Alam mo bang sobrang nasaktan ako nun pero inintindi na lang kita. Mahal kita eh.
Kinabukasan nun, nag sorry ka. Niyakap mo pa nga ako nun eh. Alam mo bang nawala lahat ng sakit at sama ng loob ko sa'yo dahil sa yakap na yun? Akala ko okay na tayo, akala ko tanggap mo na. Hindi pa rin pala.
Kinagabihan nun, pinuntahan kita sa opisina niyo. Isosorpresa kasi dapat kita pero ako ang nasorpresa. Nakita kasi kita, kayo pala. Magkayakap, naghahalikan. Nilapitan ko kayo, sinuntok ko siya at iniuwi ka.
Pagdating natin sa bahay, ikaw pa ang nagalit. Naaalala ko pa nga yung sinabi mong "Bakit ba hindi mo na lang ako hinayaan? We don't even love each other!". Hindi mo nga pala alam. Natatakot kasi akong sabihin sa'yo baka kasi isipin mong ako ang may pakana ng pagpapakasal sa atin at magalit ka lang.
Nung gabing yun, ewan ko ba, napuno na rin siguro ako nun. Hinila kita palapit sa akin, hinalikan at sinabihan ng "Matagal na kitang mahal! Hindi mo pa ba napapansin yun? Ginagawa ko naman lahat ah! Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin?"
Nagulat ka sa sinabi ko. Napaluha ka pero pinahid mo agad yung luha mo. Akala ko wala kang sasabihin pero nagsalita ka. Sabi mo hindi mo naman gustong mahalin kita. Sabi mo hindi mo ako kayang mahalin.
Yun na lang siguro ang hinihintay ko sa isang taon nating pagsasama. Pagod na rin kasi ako. Pagod na akong maghintay. Pagod na akong umasa sa wala. Akala ko dati pwede pang gawan ng paraan ang nararamdaman mo. Akala ko kaya kong turuan ang puso mo na mahalin ako. Again, I was wrong. Hindi nga yata pwedeng turuan ang puso.
Oras na siguro para hayaan na lang kita. Oras na para pareho tayong lumaya. Nakakasawa rin kasing magmahal ng isang taong hindi kayang suklian ang nararamdaman mo. Nakakapagod. Pero alam mo, umaasa pa rin ako. Umaasa na isang araw, paggising mo, maisip mo na lang na mahal mo pala ako. Tama bang umasa pa rin ako?
Sana oo.
BINABASA MO ANG
Music, Songs, Lyrics and Stories (one-shot stories)
Teen FictionOne-shot stories inspired by songs' lyrics.