Nag umpisa ang lahat sa hindi ko inaasahang pangyayari, bagama't hindi planado ang lahat kaya hindi ko alintana ang mga kaganapan.
Tandang-tanda ko pa yung unang araw ng makilala ko siya, medyo weird nga iyon, kasi naalala ko wala akong masyadong pinagkakaabalahan dahil free time ko ng araw na iyon.
Napagdesisyunan kong mag post sa isang group ko Facebook na hindi ko pa noon nabibisita, nag post ako ng "Good Morning", pangalawang post ko napag-isipan kong maghanap ng pamilya, syempre nandoon na yung nanay, tatay at kapatid, tapos idinagdag ko pa doon yung kaibigan/tropa para naman maging ayos.
May nag comment mga babae tapos maya isang nag comment doon na para bang kilala niya ako pero hindi naman talaga. Haha. Gulo noh? Basta ganoon yun.
Pamula nung araw na iyon, sa tuwing mag post ako nag co-comment siya, hanggang sa palagi ko na siyang nakakausap sa comment.
Magaan ang loob ko sa kanya, siya yung tipo ng babae na walang ka arte-arte sa katawan.
Napagdesisyunan kong magsend ng private message sa kanya, pero hindi ako umasa na sasagot siya. Haha. Ngunit hindi naman ako nabigo dahil kaagad siyang sumagot sa mensahe ko.
Mas lalo kaming naging malapit ng dahil doon, kadalasan puro asaran lang kami.
Nagkaroon kami ng intindihan sa isa't-isa (M.U.) ramdam ko na tila nagugustuhan ko na talaga siya at nararamdaman ko na ganoon din naman siya sa akin.
Gustong-gusto ko ng umamin sa kanya noon pa man, ngunit hindi ko alam kung tama ba na sabihin sa kanya na gusto ko siya. Natatakot kasi ako na baka mali pala ako ng akala, baka hindi naman pala niya ako gusto.
Nag patuloy ang palitan namin ng mensahe, idinadaan ko na lang sa biro mga gusto kong iparating sa kanya. Hanggang sa. . . . Lumakas na ang loob ko at handa na akong aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Hinintay ko siyang mag online para umamin na sa kanya. Ilang minuto lang ang aking pinaghintay at nag online na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/78287910-288-k439747.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Just Your KATROPA
ContoAng kwentong ito ay nagawa ko para sa nagawa kong pang-cover na hindi naman ni redeem nung nagrequest. Kesa naman sa mabadtrip pa ako eh di ginawan ko na lang ng kwento. Hahahahaha