Amy L's POV
"D-dad, meron p-po ba akong k-ka." Natigilan sya.
Hinawakan ko yung kamay nya at ngumiti sakanya. Siguro naman makakapagbigay na yun sa kanya ng tapang, diba?
Ngumiti sya ng hindi ko maintindihan at ipinagpatuloy ang tanong nya.
"M-meron po ba akong kapatid sa labas?" Ayun! Natanong din sa wakas.
Nag-iba ang ekspresyon ni mommy at sobra naman ang pagkabigla ni tito.
Napatungo lang si tito at itinakip ang dalawa nyang palad sa kanyang mukha. Si mommy naman, lumapit sa amin ni Jae Min at hinawakan sya sa balikat.
"Ano dad? Meron po ba?" maluha-luha nyang sambit.
So totoo nga na magkapatid kami?
Base kasi sa reaksyon nilang dalawa, hindi maipagkakaila na oo ang sagot sa tanong ni Jae Min.
"Yes. I'm sorry my son. Inilihim namin ito ng tita mo."
Ouch! Ansakit pala.
Yung malaman mo na kapatid mo yung first love mo?! Sobrang nakakagulat.
Palagi na lang ba akong magiging sawi sa pag-ibig?!
Una, nainlove ako kay Jae Min. Pero ang sabi nya, hindi nya daw ako mahal. Ikalawa, naghiwalay kami ni Knight kahit na mahal ko sya dahil kailangan kong magpakasal kay Jae Min. At ngayon naman, magkapatid kami ni Jae Min na pakakasalan ko na dapat???
What a shocking revelation!
"Sino po ang kapatid nya?" diretsong tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.
Tinignan ko si mommy at napatingin din sya sakin. Pero bakit ganun yung ekspresyon nya? Puno ng simpatya ang kanyang mga mata pero nung tinignan nya ako, ngumiti sya at para bang sinasabi nya sakin na tamang tinanong ko yun.
Nakaka-puzzle na talaga ng utak!
Ang alam ko, magkapatid kami ni Jae Min pero ang nako-conclude ko na base sa mga nakikita ko ngayon, HINDI.
"I don't know where he is. Ayaw sabihin ng mommy mo kung nasaan sya" nakatungong sagot ng daddy ni Jae Min.
"And please don't call me tito. You should call me dad dahil magiging asawa ka na ng anak ko" dagdag nya.
Napatingin kaming tatlo kay mommy at inirapan nya si tito.
Taray ni mommy ah!
"Narinig kayong nag-uusap ng kakilala namin, and according to her, she heard about L. Sya ba yung kapatid ko?" tanong ni Jae Min.
Tumango-tango naman si tito.
So, magkapatid nga talaga kami? Wala nang puzzle pa dahil sa daddy na mismo ni Jae Min naggaling ang sagot sa mga katanungan namin.
BINABASA MO ANG
Lucky L Vol. 2
RandomAmy L is back. And so, let's accompany her again in her missions. But wait. She found out that the man she love is actually her half brother? Will she still be strong enough to face the challenges in her life? What if her older self will come back...