CHAPTER 3.1: ONE SHOT

1 1 0
                                    

Amy L's POV

"JAE MIIIIIIIIIIN!!!!!!" Sigaw ko.

Nakakainiiiiiissssss!!!!

Imbes na makapag-focus ako sa pagbuo ng magandang strategy para makatakas, dinalaw naman ako ng kaba.

Inagaw nya lang naman kasi ang baril ko =___=


"Ako na ang makikipagsagupaan sa mga unggoy na yun" sabi nya tapos nag-wink pa.

Aaarrrrggghhh!

Alam ba nya kung paano gumamit ng baril?! Mapapadali yata ang pagkamatay ko nito eh.

"Hoy baliw! Alam mo ba kung paano gumamit nyan?"

Ngumiti lang sya tapos kinamot nya yung batok nya.

Talaga naman oh!

"Akin na nga 'yan! Baka yan pa ang dahilan ng pagkamatay natin eh."

Inagaw ko na sa kanya yung caliber 45 na baril ko. At lumingon sa likuran.

May nakatutok pala sa'min na bazooka. Naku namaaaan!

Pumunta ako sa likod ni Jae Min at binuksan ang bintana nito at agad na pinagbabaril ang bazooka kaya nabitawan yun nung lalaki.

"Hahahaha!" lagapak na tawa nya.

"Anong tinatawan mo dyan Mr. Lee?!"

"Nakakatawa kasi yung lalaki kanina eh. Muntikan nang mahulog. Hahaha"

Oo nga noh?

Napatawa naman ako ng konti kaya napatingin sa akin si Jae Min at ngumiti.

Ang cuuuuteee. ^_____^


=_____=

Pero kailangan nang magseryoso.

N/P: One Shot by B.A.P

Credits to the rightful owner

**************

A/N:
Pakiplay na lang po kung gusto nyo. Para sakin kasi, mas astig kung may background music. Thanks ^____^

**************

Papasok kami ngayon sa loob ng isang tunnel kaya sinenyasan ko si Jae Min na magpa-overtake.


Iprineno nya yung sasakyan kaya na-overtake-an nila kami at hinarangan ang sasakyan.

Magaling. Kumagat sila sa patibong ko.

Lumabas silang lahat na may tig-iisang hawak na M16 rifle na siguradong mga smuggled goods. Lima sila laban sa amin ni Jae Min. Eh ano ngayon?

"Hwag kang lalabas. Ngumiti ka na lang ng mapang-asar at iputok mo 'to kung kinakailangan. Pero siguraduhin mo lang na walang sibilyan na madadamay, ok?" mahabang bilin ko sabay bigay nung caliber 45 kong baril sa kanya.

"Araseo, araseo." Hindi ko man naintindihan yung sinabi nya, isinagawa ko na ang aking plano.



Tumingin silang lima sa amin ni Jae Min at gaya ng bilin ko, ngumisi lang kami kaya naasar sila.

'Hahahaha. Tuluyan na talaga kayong nahulog sa patibong ko.' Yun yung sabi ko sa aking sarili. ^____~

Papalapit na sila samin at mukhang handa na nila kaming patayin. Ooowwwwkey. Simulan na ang countdown.

10


9


8

7


6

5

4

3

Ano na nga ulit ang kasunod?

'De joke lang ^______^V


2

Tinignan ko si Jae Min at sinenyasan. Ngumiti naman ang mokong. Tsk. tsk. tsk. Malakas na talaga ang topak. =____=

1


*bang*

One shot! Sapul! Pinatamaan ko ang isang gulong nung van nila para hindi nila kami masundan.

Pero bago pa man nila i-pull yung triggers nila, sinenyasan ko na si Jae Min na paharurutin na ang sasakyan.

*prakaktatatatatak*

*BOOM*

*KABOOOOOM*

Ihinagis ko yung tatlong paputok na nakita ko sa loob ng sling bag ko kasabay ng pagharurot ng sasakyan ni Jae Min palabas ng tunnel.

Una yung fire crackers, ikalawa yung wire pull grenade at panghuli ang hand-grenade.

"Yahooooooooo! Sobrang astig nun Amy" pagsisigaw ni Jae Min habang ngiting ngiti na nagda-drive.

Ngumiti ako ng bahagya at tumingin sa side mirror na katapat ko. Wala na akong nakita ni isang anino ng mga bandidong yun.

Hindi nila kami masusundan ng ganun kadali. Dahil una sa lahat, sira na ang gulong ng sasakyan nila. Ikalawa, marami na silang mga sugat dahilan sa mga firecrackers na ibinato ko at yung hand grenade na ibinato ko rin pero medyo malayo-layo lang ng konti sa kanila. Baka kasi mapuruhan sila at mapatay ko pa. At pangatlo, wala silang makikita pansamantala sa paligid nila dahil sa usok na inilabas ng wire pull grenade ko.

Ang galing ko diba?

"You're so cool Amy." Kung maka-complement naman 'to wagas.

"Geu ttaemune naega dangsingwa saranghe ppajyeotda. (That is why I fell in love with you.)" dagdag pa nya ulit.

Ano naman kaya ang meaning nun? Kinakausap nya ako pero hindi ko naman naiintindihan ang mga pinagsasabi nya.

Tinignan ko na lang sya at napakunot yung noo ko.

"Anong sinabi mo? Paki-translate. Kasi hindi po ako nakaka-intindi ng Korean language."

Ngumiti lang yung mokong. Siguro yung sinabi nya, pang-iinsulto sakin.

"I'll tell you soon, ok?" sabi nya habang ngiting-ngiti pa rin at tinitignan ang daanan namin.

**************
A/N:

It's been so long since I made an update to this story. So, I hope that you'll still enjoy and continue reading this. Just click the star button if you like the story and if there's anything that you want to suggest or say just comment, and I'll try my best to reply to your comments.

Thank you and God bless us all :)
**************

Lucky L Vol. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon