LB 13

5 1 1
                                    


May pasok ako ngayong araw kaso nag-absent ako dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Nandito kami ngayon sa condo ni Yanna. Kasama ko si Break. Napansin ko naman na putok ang labi niya.

"Anong nangyari sa lips mo?" tanong ko nagiwas lang siya ng tingin, busy si Yanna sa pagtingin sa gusto niyang wedding gown.

"Iyong post mo sa IG, gaga ka kasi" sabi niya at kulang nalang tirisin ako na parang kuto sa sama ng tingin.Napahagalpak kami ni Yanna sa tawa

"Ano na naman? Ang sweet nga natin doon" natatawa kong sabi.

"Oo nga, you too look good together,bakit hindi nalang kasi kayo?" sabi naman ni Yan

Natawa naman ako, "Arte kasi netong si Break, ayaw sa akin" sagot ko naman. Nakatanggap lang ako ng sabunot galing sa kanya. Parang nayanig ang mundo ko, langyang bakla ito.

"Just so ewww" maarte niyang sabi.

"Napano nga iyang labi, kapag hindi ka magsasalita paduduguin ko iyan" pananakot ko.

"Hindi ko naman kasi alam na type ka pala ni Austin, gagong iyon umuwi pa siya galing sa ibang bansa para suntokin ako" bwisit na bwisit niyang sabi, agad na tumaas ang kilay ko. What the? Ginawa niya talaga iyan? I doubt.

"What?!"

"Oo! Iyang gagong Xander kasi sinabing tayo na daw" dagdag pa niya.

"Naniwala naman?"

"Sa caption mong ILOVEYOU sa picture natin sinong hindi maniniwala!"

Nagulat naman ako at agad na hinalungkat ang phone ko at tinignan ang ig ko. Si mommy talaga. Kaya pala ang lawak ng ngiti niya noong sinauli ang phone ko.Tss

"Bakit ka kasi nagpasuntok!" sabi ko naman sa kanya, minsan kasi nagpapaapi nalang sa mga pinsan eh.

Sinabunotan naman niya ako, aray aa! "Hindi ko alam manuntok, kung sinabunotan ko siya edi nalaman niyang eba ako at hindi adan na gaya nila!" I rolled my eyes, may point naman siya.

"Ang laki ng tama ni Austin sa iyo" sabi pa niya,

Hindi ko iyon pinansin at naglaro nalang sa phone ko.

"Sinong Austin?Manliligaw mo?" Yanna

"Hindi aa!" sabi ko naman.

"Asa ka pang manliligaw iyon, di naman naniniwala sa commitment ang unggoy na iyon" napatingin ako sa kanya, buti nalang talaga hindi ko siya nagustohan kasi kung nafall ako, siguradong umiiyak na ako ngayon.

"Talaga?" tanong ko naman

"Oo, they just bedded the girls they want, ay may naalala ako! Nakakadiri, noong last time na nagbakasyon kami sa rancho nila. Nagsama sila ni Xander ng babae at ginalaw sa iisang kwarto, nakakayucks talaga at nandoon pa ako ah. Nagvommit pa ako noon! Kadiri lang"

Pasimple akong humawak sa puso ko dahil parang may tumusok doon. Hindi ko kasi kilala si Mondragon. I just know him by face and name at ayaw ko na din siyang kilalanin dahil ngayon palang nakakadiri na ang pinagsasabi ni Break. He's a monster, lalo na siguro sa kama. Knowing how pervert that guy is.

"Kaya ikaw babae ka" tinuro pa ako, "Huwag na huwag kang mahuhulog sa kanya, paiiyakin ka lang non"

"I won't Break, I won't" sabi ko, pero natameme ako sa sinabi ni Yanna

"I said that years ago, but look at me now. I'm going to marry the man whom I said I won't fall for."

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy na ang paglalaro ko sa cellphone ko. Naghanda naman si Break ng pagkain namin dahil magmomovie marathon kami ngayon.

Left Behind [#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon